NEW
Font size
WorksheetsHAKBANG TUNGO SA PAGTANGGAP AT PAGGALANG SA KASARIAN
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
“Lahat ng tao ay isinilang na malaya at pantay sa dignidad at mga karapatan. Bawat isa, anuman ang oryentasyong sekswal at pagkakakilanlang pangkasarian ay nararapat na ganap na magtamasa ng lahat ng karapatang pantao.” Anong prinsipyo ang tumutukoy dito?
PRINSIPYO 1
PRINSIPYO 2
PRINSIPYO 4
PRINSIPYO 12
Patuloy ang hayagang pakikilahok ng mga LGBT sa lipunan, noong ika 6-9 ng Nobyembre 2006 nagtitipon-tipon sa Yogyakarta, Indonesia ang nasa 27 eksperto sa oryentasyong sekswal at pagkakakilanlang pangkasarian na nagmula sa iba’t ibang panig ng daigdig. Ano ang pangunahing layunin nito?
A. Ipaglaban ang mga karapatan ng mga LGBT
B. Makiisa sa mga gawain at adhikain ng LGBT sa daigdig.
C.Pagtibayin ang mga prinsipyong makakatulong sa pagkakapantay-pantay ng mga LGBT
D. Bumuo ng mga batas na magbibigay proteksiyon sa LGBT laban sa pang-aabuso at karahasan.
Sino ang kauna-unahang transgender na naging miyembro ng kongreso sa ating bansa?
A. Glaiza Garcia
B. Gendyn Ramos
C. Geraldine Roman
D. Geralyn De Guzman
Ang Anti-Violence Against Women and their Children Act ay isang batas na nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak, ito ay nagbibigay ng lunas at proteksiyon sa mga biktima nito. Sino ang kababaihang tinutukoy sa batas na ito?
A. Kababaihan na walang asawa at mga anak.
B. Kababaihan na may edad labinlima (15) pataas.
C. Kababaihan na iniwan ng asawa at nakaranas ng pang-aabuso.
D. Kababaihan na nagkaroon ng anak sa isang karelasyon, babaeng may kasalukuyang o nakaraang karelasyon sa isang lalaki at kasalukuyan o dating asawang babae.
Ano ang kauna-unahan at tanging internasyunal na kasunduan na komprehensibong tumatalakay sa karapatan ng kababaihan hindi lamang sa sibil at politikal na larangan kundi gayundin sa aspetong kultural, pang-ekonomiya, panlipunan at pampamilya?
A. Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women-CEDAW
B. Convention on the Eradication of All Forms of Discrimination Against Women-CEDAW
C. Consistent on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women - CEDAW
D. Consideration on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women-CEDAW
Ano ang isinabatas noong Hulyo 8, 2008 upang alisin ang lahat ng uri ng diskriminasiyon laban sa kababaihan at sa halip ay itaguyod ang pagkakapantay-pantay ng mga babae at lalaki sa lahat ng bagay?
A. Magna Carta of Women
B. Magna Carta of Women and their Children
C. Act Anti-Violence Against Women and their Children Act
D. Anti-Dicrimination Against Women and their Children Act
Kung ikaw ay nakakaranas ng domestic violence ano ang dapat mong gawin?
A. Ipagkibit balikat na lamang ito.
B. Gumamit ng dahas upang ito ay matigil na.
C. Umiiyak na lamang hanggat mawala ang iyong inis.
D. Magsumbong sa mas nakakatanda o sa kinauukulan.
“Bawat isa ay may karapatang magtamasa ng lahat ng karapatang pantao nang walang diskriminasiyong nag-uugat sa oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian.” Ito ay tumutukoy sa anong prinsipyo?
A. Prinsipyo 1
B. Prinsipyo 2
C. Prinsipyo 4
D. Prinsipyo 12
“Ang lahat ay may karapatan sa edukasyon nang walang diskriminasiyong nag-uugat at sanhi ng oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian.” Ito ay tumutukoy sa anong prinsipyo?
A. PRINSIPYO 2
B. PRINSIPYO 4
C. PRINSIPYO 12
D. PRINSIPYO 16
” Bawat mamamayan ay may karapatang sumali sa mga usaping publiko, kabilang ang karapatang mahalal, lumahok sa pagbubuo ng mga kasapi, organisasyon at iba pa. “Ito ay tumutukoy sa anong prinsipyo?
A. PRINSIYO 4
B. PRINSIPYO 12
C. PRINSIPYO 16
D. PRINSIPYO 25
