Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Worksheet 1 Aral Pan 10 4th Quarter

Total questions: 25

Worksheet time: 13mins

Name
Class
Date
1.

Ang Violence Against Women ay isang problemang nararanasa sa buong:

a)

A. Pilipinas

b)

B. Asya

c)

C. Mundo

d)

D. Daigdig

2.

Sa kasalukuyang panahon halos nagtatamasa ng parehong karapatan ang mga kababaihan at kalalakihan lalo na kung pag-uusapan ay kalagayang panlipunan. Ano ang mahihinuha mo dito?

a)

A. Mulat na sa kung ano ang tama o mali ang lipunan sa pagtugon sa mga isyung pangkasarian.

b)

B. May mga batas na nangangalaga sa karapatang pantao ng bawat kasarian

c)

C. Mataas na ang lebel ng pag-unawa tungkol sa mga isyung pangkasarian dahil sa mataas na pinag-aralan.

d)

D. Lahat ng nabanggit

3.

Ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act ay isang batas na nagsasaad ng mga karahasan laban sa mga kababaihan at kanilang mga anak, nagbibigay lunas at proteksyon sa mga biktima nito. Ito ay nagpapatunay ng:

a)

A. Kahalagahan ng mga kalalakihan bilang isang indibidwal.

b)

B. Dapat pangalagaan ng ating pamahalaan ang karapatan ng kababaihan at kanya anak.

c)

C. Ito ay isang pagtugon sa mga isyu na kinakaharap ng mga LGBT.

d)

D. Wala sa nabanggit

4.

Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa women in especially difficult circumstances?

a)

A. Maralitang tagalunsod

b)

B. Kababaihang Moro at katutubo

c)

C. Magsasaka at manggagawa sa bukid

d)

D. Mga biktima ng karahasan at armadong sigalot

5.

Si dating pangulong Corazon C. Aquino ang kauna unahang babaeng lider ng ating bansa,patunay lamang nito na ang mga kababaihan ay maaari ng lumahok sa mga gawaing pampulitika. Ano ang mahihinuha mo dito?

a)

A. Patunay na pantay ang karapatan ng kalalakihan at kababaihan sa usaping pampolitika.

b)

B. Mas tiwala ang mga Pilipino sa mga lider na babae kaysa sa lalaki.

c)

C. Kabiyak sya ni dating senador Benigno Aquino.

d)

D. Sawa na ang mga Pilipino kay Marcos.

6.

Ang CEDAW ay ang Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination against Women. Karaniwang inilalarawan bilang International Bill for Women, kilala din ito bilang The Women’s Convention o ang United Nations Treaty for the Rights of Women. Bakit ito nalikha?

a)

Para proteksyonan ang lahat ng tao.

b)

Para proteksyonan ang mga kabataan.

c)

Para proteksyonan ang mga kababaihan.

d)

Para proteksyonan ang mga kababaihan at kabataan.

7.

Ang CEDAW o Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women ang pangalawang kasunduan na may pinakamaraming bansang nagratipika. Umabot sa 180 bansa mula sa 191 na lumagda o State Parties noong Marso 2005. Unang ipinapatupad ang kasunduan noong Setyembre 3, 1981 o 25 taon na ang nakaraan noong 2006. Ano ang ibig ipahiwatig nito?

a)

Hindi lamang sa Pilipinas na nakararanas ng diskriminasyon ang mga kababaihan.

b)

Ipinaglalaban ng mga nagratipikang mga bansa ang karapatan ng mga kababaihan.

c)

Nagkaisa ang mga bansa na proteksyonan at wakasan ang diskriminasyon sa mga kababaihan.

d)

Pinapahalagahan ang buhay ng mga kababaihan dahil sila ang tinaguriang ilaw ng tahanan.

8.

May paligsahan sa sayaw na inanunsyo ang inyong paaralan na nagsasaad na ang pwedeng sumali ay mga babae at lalaki lamang. Maraming gustong sumali ngunit di sila pwede dahil sa kanilang kasarian. Ikaw bilang estudyante ng paaralan ano ang gagawin mo sa sitwasyong ito?

a)

Pagsasabihan ko ang nag anunsyo na hindi makatarungan ang sinasaad sa paligsahan.

b)

Pagsasabihan ko ang mga estudyante na magprotesta laban sa gumawa ng paligsahan.

c)

Pagsasabihan ko sila na huwag nalang piliting sumali kasi di sila pwedeng sumali dahil sa kanilang kasarian.

d)

Pagsasabihan ko ang gumawa ng paligsahan na kung pwede ay baguhin ang alituntunin ng paligsahan at ipakita ang pagkakapantay-pantay sa lahat ng estudyante sa paaralan.

9.

Matapos maipaliwanag ng inyong guro ang paksa sa AP 10 sa ikatlong Markahan tungkol sa mga Isyu at Hamong Pangkasarian ay pinapagawa kayo ng malikhaing hakbang para sa pagsusulong ng pagtanggap at paggalang sa kasarian na nagtataguyod ng pagkapantay-pantay ng tao bilang kasapi ng lipunan. Ikaw, bilang napiling lider sa klase, anong presentasyon ang imumungkahi mo sa mga kaklase mo?

a)

Gagawa kami ng islogan na magpapakita ng pagkapantay-pantay sa lahat ng kasarian.

b)

Gagawa kami ng awitin na magpapakita ng pagkapantay-pantay sa lahat ng kasarian.

c)

Gagawa kami ng maikling dula-dulaan na magpapakita ng pagkakapantay-pantay sa laaht ng kasarian.

d)

Lahat ng nabanggit

10.

Maraming mga tugon ang ginawa ng iba’t ibang bansa sa buong daigdig para malabanan ang diskriminasyon at karahasan ng mga kababaihan at LGBT sa lipunan. Ang mga sumusunod ay mga batas na nagawa para bigyan ng proteksyon ang lahat ng kasarian sa lipunan. Anong batas na kasali sa saklaw ang mga PWD?

a)

VAWC

b)

CEDAW

c)

Magna Carta for Women

d)

Prinsipyong Yogyakarta

11.

Naglipana sa inyong paaralan ang mga baklang estudyante na hindi sumusunod sa batas ng paaralan tulad ng pagsuot ng tamang uniporme at pagsunod sa wastong gupit ng buhok. Sila ay pumapasok sa paaralan na mataas ang buhok, nakadamit pambabae, at naka make-up. Alam mo ang tungkol sa mga isinusulong na pantay na karapatan sa lahat ng kasarian sa buong daigdig dahil ito ay natalakay na sa asignaturang Araling Panlipunan 10. Ano ang una mong gagawin sa sitwasyong ito?

a)

Pupunta ako sa School Disciplinarian at isusumbong ko sila dahil sa kanilang paglabag sa batas ng paaralan.

b)

Pagsabihan ko ang gate guard na ipapapasok pa rin sila sa paaralan dahil mayroon silang karapatan tulad din ng ibang kasarian.

c)

Pagsabihan ko sila na sumunod pa rin sa batas ng paaralan kasi nakasaad sa batas ng paaralan ang mga dapat gawin at sundin ng mga estudyante.

d)

Magtanong ako sa Punong Guro ng paaralan kung may nakatakdang batas ba na ginawa ang paaralan para sa kanila na may kinalaman sa kanilang karapatan.

12.

Ikaw ay binuto at nanalo bilang Presidente ng inyong klase. Isa sa mga kaklase mo ay nabibilang sa PWD o yung taong may kapansanan. Parati siyang tinutukso ng iyong mga kaklase dahil hindi siya makalakad nang maayos. Ano ang iyong gagawin bilang Presidente ng klase?

a)

Pagsabihan ko ang aking mga kaklase na ihinto ang panunukso sa kanya.

b)

Pagagalitan ko ang aking mga kaklase na nanunukso sa kanyang kalagayan.

c)

Pagsabihan ko ang aming guro na dapat parusahan ang mga kaklase kong parating nanunukso sa kanya.

d)

Tatawag ako ng pagpupulong sa kapwa ko opisyal sa klase para gumawa ng patakaran laban sa diskriminasyon at karahasan sa mga PWD at ibahagi ko ito sa guro at sa boung klase.

13.

Ikaw ay isang anak ng kilalang negosyante sa inyong lugar. Marami kayong mga manggagawa sa inyong kompanya. Ngunit napansin mo na hindi tumatanggap ang iyong mga magulang ng mga PWD na naghahanap ng trabaho kahit may angking kakayahan sila sa papasukan nilang trabaho. Ikaw bilang isang mag-aaral sa ika-sampung baitang ay alam mo ang tungkol sa mga karapatan ng PWD. Ano ang iyong gagawin?

a)

Pagsabihan ko ang aking mga magulang na huwag mapanghusga sa mga PWD na naghahanap ng trabaho.

b)

Pagsabihan ko ang aking mga magulang na kaawaan nila ang mga PWD naghahanap ng trabaho sa aming kompanya.

c)

Pagsabihan ko ang aking mga magulang na masama ang maliitin ang kakayahan ng mga PWD na naghahanap ng trabaho sa aming kompanya.

d)

Pagsabihan ko ang aking mga magulang na idaan sa tamang proseso ang mga PWD na naghahanap ng trabaho sa aming kompanya at kung makapasa sa proseso ay tanggapin sa trabaho.

14.

Sinasabi na ang layunin ng Magna Carta for Women ay itaguyod ang husay at galing ng bawat babae at ang potensyal nila bilang alagad ng pagbabago at pag-unlad, sa pamamagitan ng pagkilala at pagtanggap sa katotohanan na ang mga karapatan ng kababaihan ay karapatang pantao. Ano ang ibig ipahiwatig nito?

a)

Ang karapatan ng kababaihan ay kabilang sa karapatang pantao.

b)

Binibigyan ng malaking pagpapahalaga ang mga kababaihan sa lipunan.

c)

Pantay-pantay ang karapatan ng lahat ng tao kahit ano man ang kanyang kasarian.

d)

Mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga kababaihan sa pag-unlad ng lipunan.

15.

Ang Magna Carta for Women ay isinasabatas noong Hulyo 8, 2008 upang alisin ang lahat ng uri ng diskriminasyon laban sa kababaihan at sa halip ay itaguyod ang pagkakapantay-pantay ng mga babae at lalaki sa lahat ng bagay, alinsunod sa mga batas ng Pilipinas at mga pandaigdigang instrumento, lalo na ang Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women o CEDAW. Bakit nakasentro lamang sa mga kababaihan ang mga batas na ito?

a)

Dahil ang mga babae ay kadalasang biktima ng karahasan at diskriminasyon.

b)

Dahil ang mga babae ang tinaguriang ilaw ng tahanan kaya dapat pahalagahan.

c)

Dahil ang mga babae ay mas marami ang papel na ginagampanan kaysa sa lalaki.

d)

Dahil ang mga babae ay mas may maraming maitutulong sa lipunan kaysa sa lalaki.

16.

Ito ay nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak, nagbibigay ng lunas at proteksyon sa mga biktima nito, at nagtatalaga ng mga kaulang parusa sa mga lumalabag dito. Anong batas ito?

a)

Anti-violence Against Women and Their Children Act

b)

Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women

c)

Magna carta for Women

d)

Prinsipyong Yogyakarta

17.

Ang Magna Carta ay isinasabatas upang alisin ang lahat ng diskriminasyon sa kababaihan at sa halip ay itaguyod ang pagkapantay-pantay ng mga babae  at lalaki sa lahat ng bagay. Sino-sino ang saklaw nito?

a)

Marginalized Women

b)

Women in Especially Difficult Circumstances

c)

Mga batang babae, matatanda, at may kapansanan

d)

Lahat ng nabanggit

18.

Ano ang tawag sa mga babaeng mahirap o nasa hindi panatag na kalagayan. Sila ang mga wala o may limitadong kakayahan na matamo ang mga batayang pangangailangan at serbisyo.

a)

Disabled Women

b)

Marginalized Women

c)

Women in Especially Difficult Circumstances

d)

Poorest of the Poor Women

19.

Ano ang tawag sa mga babaeng nasa mapanganib na kalagayan o masikip na katayuan tulad ng biktima ng pang-aabuso at karahasan,” human trafficking” at mga babaeng nakakulong?

a)

Disabled Women

b)

Marginalized Women

c)

Women in Especially Difficult Circumstances

d)

Poorest of the Poor Women

20.

Ang mga kababaihang manggagawa, maralitang tagalungsod, magsasaka at manggagawang bukid, mangingisda, migrante, at kababaihang Moro at katutubo ay isa sa binibigyan ng proteksyon ng Magna Carta for Women. Saan ito nabibilang?

a)

Disabled Women

b)

Marginalized Women

c)

Women in Especially Difficult Circumstances

d)

Poorest of the Poor Women

21.

Ang Magna Carta for Women ay isinasabatas upang alisin ang lahat ng uri ng diskriminasyon laban sa kababaihan at sa halip ay itaguyod ang

                 pagkakapantay-pantay ng mga babae at lalaki sa lahat ng bagay.

a)

Tama

b)

Mali

22.

Itinalaga ng Magna Carta for Women ang mga mambabatas bilang pangunahing tagapagtaguyod ng komprehensibong batas na ito.

a)

Tama

b)

Mali

23.

Lahat ng babaeng Pilipino, anuman ang edad, pinag-aralan, trabaho o hanapbuhay, propesyon, relihiyon, uri o pinagmulan ethnicity ay saklaw ng  Magna Carta.

a)

Tama

b)

Mali

24.

Ang tinatawag na Marginalized Women ay ang mga babaeng mahirap o

                 nasa di panatag na kalagayan.

a)

Tama

b)

Mali

25.

Ang Women in Especially Difficult Circumstances ay mga babaeng nasa mapanganib na kalagayan o masikip na katayuan tulad ng biktima ng pang -aabuso at karahasan at armadong sigalot.

a)

Tama

b)

Mali