Font size
WorksheetsPAGHAHANDA SA TERMINONG PAGSUSULIT
Total questions: 20
Worksheet time: 15mins
Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga sektor na nagsisilbing pangunahing tagapagpalaganap ng globalisasyon?
Transnational Corporations
Mass media
Paaralan
Agrikultural
Si Ana ay naglalaan ng 5-7 oras kada araw upang manuod sa Netflix at discovery channel. Anong aspeto ng globalisasyon ang nakaaapekto sa kanya?
Pang-ekonomiya
Pang-kultura
Pampulitika
Panlipunan
Nailuluwas ni Ben ang kanilang produkto mula Hongkong patungong Pilipinas nang may mababang buwis at madaling proseso. Anong aspeto ng globalisasyon ang nakaaapekto sa kanya?
Pampulitika
Pangkultura
Panlipunan
Pang-ekonomiya
Alin sa sumusunod ang akmang pagpapakahulugan sa globalisasyon?
isang terminolohiya na naglalarawan sa pagkakaisa ng bawat tao sa mundo
isang proseso kung saan ang mga tao ay napapabilang sa pandaigdigang lipunan
isang pangyayari kung saan ang produkto mula sa isang bansa ay umaabot sa isa pa
isang proseso kung saan ang lahat ng tao ay sumusunod lamang sa iisang kultura, paniniwala, at gawa
Alin sa sumusunod ang HINDI totoo sa globalisasyon?
Lahat ng tao ay nakikinabang sa pagpapalaganap nito
Nagreresulta ito sa paghina ng mga lokal na kultura at pagkakakilanlan
Hindi lamang isang aspeto o sektor ang nagsisilbing tagapagpalaganap nito
Ang teknolohiya, mga pamilihan, at mass media ang pinakaaktibong tagapagpalaganap nito
Isa sa magagandang dulot ng globalisasyon ay ang pagkakaroon ng lahat ng tao ng madali at abot-kayang akses sa mga impormasyon at pangyayari sa iba’t ibang panig ng mundo.
TAMA
MALI
DEPENDE
Isa sa mga negatibong epekto ng globalisasyon ay ang pagkakaroon ng lahat ng kolonyal na mentalidad.
TAMA
MALI
DEPENDE
Ang mass media ay isang epektibong paraan sa pagpapalaganap ng konsumerismo at impluwensiya ng malalaking kompanya at organisasyon.
TAMA
MALI
DEPENDE
Sa pakikiisa sa globalisasyon, tuluyang nawawala ang pagkakakilanlan ng mga lokal na pangkat sa Pilipinas.
TAMA
MALI
DEPENDE
Isa sa layunin at epekto ng globalisasyon ay ang paggiba sa limitasyon na namamagitan sa mga tao mula sa iba’t ibang panig ng mundo.
TAMA
MALI
DEPENDE
Anong pangyayari ang tumutukoy sa proseso kung saan ang mga manggagawa ay sumusunod lamang sa itinakdang mga pamantayan at hindi na nabibigyan ng pagkakataon na makapag-isip pa at malayang makakilos.
Globalisasyon
Lokalisasyon
Mcdonaldization
Internasyonalisasyon
Layunin ng sustainability at sustainable development na matiyak na walang hangganan ang suplay at buhay ng mga likas na yaman at kapaligiran.
TAMA
MALI
DEPENDE
Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga isinasaalang-alang sa naipagpapatuloy na pag-unlad?
ekonomiya
ekolohiya
kalagayan ng buhay ng mga tao
kasaysayan
Alin sa sumusunod ang KABILANG sa mga suliraning kinahaharap ng ating sektor sa enerhiya?
Labis na pagbaba sa presyo ng kuryente
Labis na pagbaba sa presyo ng langis
Labis na pagdepende sa fossil fuel
Pagkakaroon ng kuryente sa milyong kabahayan
Alin sa sumusunod ang KABILANG sa pangkalahatang mga hadlang sa pagkamit ng sustainable development sa Pilipinas?
Malalang konsumerismo
kawalan ng mga programa para rito
kawalan ng inisyatibo ng mga tao
kawalan ng pakialam ng lahat ng mamamayan
Alin sa sumusunod ang KABILANG sa pangkalahatang mga hadlang sa pagkamit ng naipagpapatuloy na pag-unlad sa Pilipinas?
patuloy na pag-unlad
kapitalismo
minimalismo
pagreresiklo
Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa itinakdang SDGs ng United Nations?
Malayang pamamahala
Kawalan ng kagutuman
Malinis at abot-kayang enerhiya
Nagpapatuloy na siyudad at komunidad
Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga suliranin na kinahaharap ng sektor ng pangingisda sa Pilipinas?
pagkaunti ng huli
mabagal na paglaki ng mga isda
labis na pagkuha sa mga yamang tubig
mataas na importasyon kaysa eksportasyon
Bilang mag-aaral, paano ka makatutulong sa positibong pagtugon sa mga suliranin sa sektor ng pagtatanim?
Bilang mag-aaral, paano ka makatutulong sa positibong pagtugon sa mga suliranin sa sektor ng tela?
