Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Social Study 7

Total questions: 70

Worksheet time: 40mins

Name
Class
Date
1.

Anong N ang tumutukoy sa isang ideolohiya na nakabtatay sa katapatan at pagmamahal ng isang indibidwal sa kanyang bansa?

(a)  

2.

  Anong CN ang tumutukoy na nagmula sa mga ideya noong panahon ng Enlightment kung saan ang bansa ay itinuturing na ahensya o organisasyon na may demokratikong kapangyarihan para supilin ang sistema ng Ancient Regime?

(a)  

3.

Anong EN ang nagtatakda ng pagkakahalintulad ng wika, paniniwala, tradisyon at kultura?

(a)  

4.

Anong RA na batas ang ipinatupad ng British India na nagsasaad na ang mga kasong political ay maaaring litisin kahit walang mga hurado at pagpapakulong kahit walang paglilitis?



(a)  

5.

Anong SM ang tumutukoy sa mapayapang protesta ng mga Hindu kung saan sila ay gumawa ng kanilang sariling asin?

(a)  

6.

Anong AM ang nagbunsod ng malawakang galit sa India at ang naging dahilan ng paghiling nila ng kalayaan?

(a)  

7.

Sinong MG ang nagpasimula ng isang protesta sa India laban sa monopolyo ng British?

(a)  

8.

 Sinong Mk ang nakapagtatag ng malayang Repulika ng Turkey mula sa pananakop ng Imperyong Ottoman?

(a)  

9.

Sinong RSP ang niluklok bilang baging shah matapos mawala sa pagkapinuno si Ahmad Shah?

(a)  

10.

Sinong AA ang isang Muslim religious leader na nagtatag ng isang modernong estado sa Saudi Arabia?

(a)  

11.

Ang pagtatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig ang pumukas sa damdaming Nasyonalismo ng mga Indian.

a)

TAMA

b)

MALI

12.

 Hindi laganap ang tension sa India kung hindi naganap ang massacre sa Amritsar.

a)

TAMA

b)

MALI

13.

   Malaki ang naging impluwensiya ni Gandhi sa pagtatamo ng marubdob na nasyonalismo sa mga Indian.

a)

TAMA

b)

MALI

14.

 Ang pag-iisa ng mga Briton sa India Peninsula ang nagbibigkis sa mga Hindu at Indian bilang isang Nasyon.

a)

TAMA

b)

MALI

15.

Nagkaroon ng tensiyon sa pagitan ng mga Indians at Briton nang ipatupad ang Government India Act.

a)

TAMA

b)

MALI

16.

 Ang paglalakbay ng India sa kalayaan ay nagsimula sa isang protesta na pinamunuan ni Gandhi laban sa monopoly ng British.

a)

TAMA

b)

MALI

17.

Kahit nahatulan ng parusang kamatayan si Mustafa Kemal, hindi ito naging hadlang sa pagtataguyod ng suportang military at sa mga tao.

a)

TAMA

b)

MALI

18.

Si Mahatma Ganghi ay isang opisyal na military na ginamit ang kanyang pangkat para sa kudeta laban sa pamahalaan ng dinastiyang Qajar.

a)

TAMA

b)

MALI

19.

 Si Abd al-Aziz Ibn ay isang Muslim religious leader na nagtatag ng isang modernong estado sa Saudi Arabia.

a)

TAMA

b)

MALI

20.

Ang epekto o tema sa paksa ng nasyonalismo sa timog Asya ay ang ugnayan ng nasyonalismo sa modernisasyon at ang construction o ang pagbuo ng pambansang pagkakakilanlan.

a)

TAMA

b)

MALI

21.

Paano sinolusyunan ng mga Ingles ang alitan sa pagitan ng mga Muslim at Hindu sa bansang India? 

a)

Nahati ang India sa dalawang bansa: ang India at Pakistan

b)

Ikinulong ng mga Ingles ang lahat ng mga Muslim.

c)

Lahat ng mga Muslim at Hindu ay ipinatapon sa malayong lugar.

d)

Ikinulong ng mga Ingles ang lahat ng mga Hindu.

22.

Paano tinutulan ng mga mamamayang Indian ang Rowlatt Act?

a)

Ang mga Muslim at Hindu ay nagpakalat ng mga artikulong tutol sa pamamahala ng mga British

b)

Ang mga Muslim at Hindu ay sumugod sa mga sundalong British upang sila ay patayin. 

c)

Winasak ng mga grupong Hindu at Muslim ang mga istrakturang ipinagawa ng mga British.

d)

Ang mga Muslim at Hindu ay nagtipon sa Amritsar na layong mag-ayuno,manalangin at makinig sa mga talumpating politikal ng kanilang nasyonalistang lider.

23.

Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng damdaming nasyonalismo ng mga tao para sa kanyang bayan?

a)

Paggamit ng sariling wika at pagtatanggol sa mga naaapi.

b)

Pagpapakita ng pagkadismaya sa mga katutubong sayaw at awiting bayan na parte ng tradisyon ng isang bansa. 

c)

Pag-alis sa sariling bansa upang pasyalan ang magagandang tanawin sa buong panig ng mundo.

d)

Pagtangkilik sa mga produktong galing sa iba’t ibang bansa. 

24.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa satyagraha o civil disobedience na ipinakilala ni Gandhi?

a)

Hindi pagpasok sa mga pampublikong paaralan.

b)

Hindi paglahok sa halalan

c)

Pagboycot sa kasuotang Britain.

d)

Pagbibigay-galang at respeto sa mga British.

25.

Sina Gandhi, Kemal, Pahlavi at Saud ay ilan lamang sa mga nasyonalistang lider na nagpakita ng pagsusumikap at pagmamahal sa kanilang bayan sa pagkamit ng kalayaan. Patunay lang ito na…

a)

Hindi ka na dapat makialam pa sa pamahalaan sapagkat alam nila kung ano ang makabubuti para sa iyong bayan. 

b)

Walang kahahantungang maganda ang iyong pagkalaban sa malalakas na puwersa.

c)

Walang imposible sa pagiging malaya kung magtutulungan at magkakaisa ang mga mamamayan.

d)

Mas Mabuti kung mananahimik ka na lamang upang hindi ka madamay sa labanan. 

26.

Alin sa mga sumusunod ang pinakamahalagang epekto ng nasyonalismo sa bansa? 

a)

Modernisasyon at pambansang pagkakakilanlan

b)

Pag-unlad ng teknolohiya

c)

Pagkakabuo ng iba’t ibang alyansa at koalisyon

27.

Dahil sa patuloy at hindi matapos tapos na hidwaan ng mga Muslim at Hindu sa India, nahati ang bansa sa dalawa. Sa bansang India sinasabing nanatili ang mga Hindu at ang mga Muslim naman ay lumipat at nanirahan sa anong bansa?

a)

Iraq

b)

Saudi Arabia

c)

Pakistan 

d)

Iran

28.

Sa mga pangyayaring naganap sa India sa panahon ng pananakop ng mga dayuhan, ano ang pangyayaring nagbunsod sa mga Indian upang tuluyang kalabanin ang mga British?

a)

Ang pagkakapatay sa mga sepoy na nagsisilbi bilang sundalo ng mga British.

b)

Ang pagtataksil ni Reginald Dyer sa mga Hindu

c)

Ang naganap na Amritsar Massacre sa Punjab, India

d)

Ang patuloy na paghina ng kabuhayan ng mga Indian

29.

Bakit mahalaga ang India para sa mga Ingles? 

a)

Dahil sa magagandang tanawin na nasaksihan nila sa bansa.

b)

Dahil matalik na magkaibigan ang pinuno ng Britain at India.

c)

Dahil sa kayamanang kanilang nais hukayin sa bansang India. 

d)

Dahil ito ang nagtutustos ng hilaw na materyales na kailangan ng Britain sa kanilang industriya.

30.

Sino sa mga sumusunod ang komandanteng Ingles na nag-utos sa pagpapaputok ng riple nang walang anumang babala sa tagal na sampung minute sa nagaganap na pagtitipon sa Amritsar?

a)

Mohammed Ali 

b)

Hen. McArthur

c)

Reginald Dyer

d)

Hen. Arthur  De Chavez

31.

Nalibot niya ang Cape of Good  Hope sa dulo ng Africa na  siyang magbubukas ng  ruta patungong India at sa  mga Islang Indies.

a)

Vasco da Gama

b)

Marco Polo

c)

Kublai Khan

d)

Christopher Colombus

32.

-Pinondohaan ni Ferdinand at Isabela si __________ upang galugarin ang ibang bahagi ng Mundo.

a)

Vasco da Gama

b)

Marco Polo

c)

Kublai Khan

d)

Christopher Colombus

33.

Ang ________ ang naging kasangkapan ng England para mapatatag nito ang kalakalan sa India at iba pang bahagi ng Timog Asya

a)

MOTREAL

b)

EAST INDIA COMPANY

c)

Magna Carta

d)

Treaty of Westphalia

34.

Ano ang tawag sa iba’t ibang lebel ang pananakop at impluwensiya ng mga Europeo sa mga bansang nasakop nila

a)

IMPERIAL DYNAMICS

b)

COLONIAL DYNAMICS

35.

Ano ang K na nagdala sa Asya ng mga bagong kaisipan tulad ng demokrasiya, nasyonalismo, at konstitusyon mula sa Europa

(a)  

36.

May maganda at di magandang dulot sa ekonomiko ang kolonisasyon sa Asya.

a)

Tama

b)

Mali

37.

Anong I ang tumutukoy sa pinakamataas na yugto ng kapitalismo. Ito ay paghawak at paagkontrol ng isang makapangyarihang bansa sa larangan ng politika, ekonomiya at sosyo-kultural ng mga bansang mahina ang impluwensiya o pwersa.

(a)  

38.

Sinong GV ang ay innatasan na galugarin ang daanan na pahilagang kanluran sa North America patungong India?

(a)  

39.

Nasakop ng France ang MOTREAL sa pamamagitan ni __________ noong 1534.

a)

John Cabot

b)

Giovanni da Verrazano

c)

Jacques Cartier

40.

Noong 1497, ang imperyong Britanya sa pamumuno ni Henry VII ay sinuportahan ang paglalakbay ni John Cabot para sa pagtuklas ng North America

a)

Tama

b)

Mali

41.

Ang kanyang mga sinulat ang nagbigay puri sa kayamanan, kagandahan at maunlaad na kabihasnan ng Asya.

(a)  

42.

 Sino ang Punong Ministro ng Britain noong ikalawang Digmaang Pandaigdig?

(a)  

43.

 Alin sa mga sumusunod ang dalawang magkatunggaling grupo ng mga bansa noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig?

a)

Axis vs Allied Forces

b)

Axis of Evil vs Coalition of the Willing

c)

Axis vs ISIS

44.

 Bakit hindi pumanig ang India sa Britain noon Ikalawang Digmaang Pandaigdig?

a)

Mas malakas ang pwersang militar ng Axis

b)

Naging neutral ang india sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig

c)

Mas priyoridad ng India ang makamit ang kanilang kalayaan

d)

 Humina na ang pwersang military ng Britain

45.

Anong uri ng tulong ang ibinigay ng Iran sa Britain at sa Soviet Union?

a)

Non - military assistance

b)

Military intelligence

c)

Mga makabagong armas para sa digmaan

d)

Mga highly trained soldiers

46.

 Ano ang ipinangako ng US, Britain, at Russia noong naganap ang Tehran Conference?

a)

Dagliang pagpasok ng mga mamumuhunan sa bansang Iran

b)

Patuloy na paglinang ng mga likas na yaman

c)

Suportang military

d)

 Suporta sa paglaya ng Iran at suportang pang ekonomiko

47.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI naidulot ng Unang Digmaang Pandaigdig?

a)

Naitatag ang mga nation-state.

b)

 Sinira nito ang mga naging imperyo.

c)

Nagka-ayos ang mga bansang France, Russia, Germany at Austria-Hungary.

48.

Alin sa mga sumusunod ang naging resulta ng Unang Digmaang Pandaigdig sa bansang India?

a)

 Nakaranas ang mga Indian ng matinding hirap at pagbabayad ng mataas na buwis.

b)

Nagkaroon ng kalayaan ang mga mamamayan ng India.

c)

Nakalaya ang mga Indian sa pagkontrol ng mga pamahalaang kolonyal.

49.

Alin sa mga sumusunod na ideolohiya ang malaking nakatulong upang isulong ang nasyonalismo sa Sri Lanka?

a)

Pasismo

b)

Sosyolismo

c)

Demokrasya

d)

Politikal na Buddhism at Sinhalese Buddhist

50.

Sa kabila ng pagiging neutral ng bansang Iran sa panahon ng unang digmaang Pandaigdig, bakit ito nadamay sa labanan?

a)

Ito ang naging battleground ng Russian, Turkish at British sa panahon ng digmaan.

b)

Kinampihan ng Iran  ang Britain para labanan ang Germany.

c)

Ang bansang Iran ang tagasuplay ng mga armas at sandata na ginagamit ng mga British sa digmaan.

51.

Bakit sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig?

a)

Dahil sa pagsalakay at pananakop ni Hitler sa Poland.

b)

Nagtaksil si Hitler sa kanyang bansang Germany at sumanib siya sa Soviet Union.

c)

Dahil sa pagkamatay ni Adolf Hitler

52.

Nabuo noong 1927 para isulong ang karapatang pangkababaihan at ang pagkamit ng kalayaan

a)

All India Women’s Conference

b)

Purdah

c)

Women’s Action Forum

d)

Sangamitta School

53.

 Pagdadamit ng mga kababaihan ng walang nakalabas na bahagi ng kaatawan para hindi Makita ng mga kalalakihan

a)

All India Women’s Conference

b)

Purdah

c)

Women’s Action Forum

d)

Sangamitta School

54.

 Ito ay nabuo para labanan ang reaksyonaryo at konserbatibong Islamisasyon sa Pakistan

a)

All India Women’s Conference

b)

Purdah

c)

Women’s Action Forum

d)

Sangamitta School

55.

 Paaralan ng mga babae para maging mabuting ina at asawa at para magsulong ng nasyonalismo at karapatan ng babae

a)

All India Women’s Conference

b)

Purdah

c)

Women’s Action Forum

d)

Sangamitta School

56.

Unang babaeng punong ministro ng Sri Lanka

(a)  

57.

Makalumang tradisyon kung saan ang byuda ay nagpapakamatay matapos ang libing ng kanyang asawa

a)

Sekularismo

b)

Purdah

c)

Sati

58.

Tumutukoy sa ideolohiya ni Ataturk na gumabay sa kanyang pagsasagawa ng reporma sa Turkey

a)

Sekularismo

b)

Kemalism

59.

Paniniwala na siyang nagagabay sa pagtingin o hakbang na gagawin ng isang bansa o tao para mabigyang solusyon ang suliranin sa isang lipunan

a)

Sati

b)

Ideolohiya

c)

Sekularismo

60.

  tumutukoy sa paghihiwalay ng estado at ng relihiyon/simbahan

a)

Sati

b)

Sekularismo

c)

ideolohiya

61.

Dahil sa magkaibang paniniwala at relihiyon ng mga Muslim at Hindu, nagkaroon ng katahimikan at pagkakaisa sa India. 

a)

Tama

b)

Mali

62.

Ang nasyonalismo na naganap sa Timog at kanlurang Asya ay patunay lamang na maraming mamamayan ang patuloy na nagsusumikap at nagmamahal sa kani-kanilang sariling bansa o bayan.

a)

Tama

b)

Mali

63.

Nagsawalang kibo ang mga kababaihan sa Timog at Kanlurang Asya at hindi sila gumawa ng mga paraan upang ipaglaban ang kanilang karapatan at katayuan sa lipunan. 

a)

Tama

b)

Mali

64.

Pare-pareho ang mga ideolohiya na pinaniniwalaan ng mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya. 

a)

Tama

b)

Mali

65.

Ang mga mamamayan ang labis na naapektuhan sa tuwing nagkakaroon ng mga digmaan. 

a)

Tama

b)

Mali

66.

Ang Central Powers at Allied Powers ang magkalabang mga bansa sa Unang Digmaang Pandaigidig. 

a)

Tama

b)

Mali

67.

Isa itong ideolohiya na nakabatay sa katapatan at pagmamahal ng isang indibidwal sa kanyang bansa.

(a)  

68.

Dahil sa _____________, nawal ang Imperyong Ottoman sa Saudi Arabia

a)

Paris Peace Conference

b)

Anglo – Persian Agreement

c)

Kasunduang Sykes -Picot

69.

  Napasakamay ng mga British ang Iraq at Palestine kasama ang Jordan samantalang nasa pamamahala ng France ang Lebanon at Syria.

a)

Paris Peace Conference

b)

Anglo – Persian Agreement

c)

Kasunduang Sykes -Picot

70.

  Ito ang naging dahilan sa pagtatag ng isang British protectorate sa Iran

a)

Paris Peace Conference

b)

Anglo – Persian Agreement

c)

Kasunduang Sykes -Picot