Font size
WorksheetsG9Q3#QUIZ1
Total questions: 20
Worksheet time: 13mins
Ang Buwis ay sapilitang kontribusyon mula sa mga mamamayan at mga negosyante. Alin sa mga sumusunod ang maaring mangyari kapag hindi nagbabayad sa tamang buwis ang tao sa pamahalaan?
Marami ang mawawalan ng trabaho.
Ang pampublikong paglilingkod ng pamahalaan ay hindi maisasagawa nang maayos.
Magkakaroon ng kaguluhang politikal sa pamahalaan.
Magkakahati-hati ang mga mamamayan tungkol sa mga usaping pampolitika.
Ito ang ahensiya ng pamahalaan na nangunguna sa pagpaplano ng taunang pambansang badyet.
Kagawaran ng Pagsasaka
Kagawaran ng pananalapi
Kagawaran ng Pagbabadyet at Pamamahala
Kagawaran ng Rentas Internas
Kumukonsumo ng kalakal at paglilingkod. Tinuturing na may-ari at nagbebenta ng mga salik ng produksiyon.
Bahay-kalakal
Pamahalaan
Sambahayan
Pamilihang Pinansiyal
Ang malaking kita o pondo ng pamahalaan ay nagmumula sa sistema ng pagbubuwis, alin sa mga sumusunod ang hindi katangian ng sistema ng pagbubuwis?
Ito ay sapilitang kontribusyon na nagmumula sa lahat ng mamamayan at negosyo.
Ito ay paraan upang proteksiyunan ang lokal na produkto mula sa pakikipagkalakalan sa ibang bansa.
Ang pagbabayad ng buwis ay nakabatay sa kakayahan ng bawat mamamayan, mas malaki ang kita. Mas malaki ang buwis na binabayaran.
Ang lahat ay boluntaryong nagbabayad ng buwis upang tulungan ang pamahalaan na maisagawa ang kaniyang mga pampublikong paglilingkod.
Bahagi ng paikot na daloy ng ekonomiya na nagbebenta sa ibang bansa (export) at bumibili sa ibang bansa (import) ng mga produkto at serbisyo.
Pamahalaan
Bahay-kalakal
Pamilihan ng Salik ng Produksiyon
Panlabas na sektor
Layunin ng isang ekonomiya na makamit ang kaunlaran, ganap na paggamit ng mga pinagkukunang-yaman, kahusayang pang-ekonomiya, katatagang pang-ekonomiya, pantay na pamamahagi ng yaman, balanse sa kalakalan, seguridad, at kalayaan sa pagbuo ng mga pagpapasiyang pang-ekonomiya.
TAMA
MALI
Ito ang Ikatlong modelo ng Pambansang Ekonomiya, na nagpapakita ng dalawang pangunahing sektor na sinasaalang-alang ang kanilang mga desisyon sa panghinaharap.
Bahay-kalakal at Pamilihang Pinansiyal
Sambahayan at Bahay-kalakal
Pamilihan ng kalakal at paglilingkod.
Sambahayan at Panlabas na sektor
Sa modelo ng paikot na daloy ng ekonomiya, natunghayan ang proseso at sistema sa isang ekonomiya.
Ayon sa modelo, ang gastusin ng isang sektor ay nagiging kita ng isa pang sektor.
TAMA
MALI
Ito ay tumutukoy sa patuloy na pataas na paggalaw ng halaga presyo. Kaya sa tuwing may pagtaas sa pangkalahatang presyo ng mga bilihin sa isang ekonomiya, ang kondisyong ito ay nagaganap.
Pagtaas ng dolyar kaysa piso
Deplasyon
Pagtaas ng suplay ng salapi
Implasyon
Ito ay tumutukoy sa kabuuang pampamilihang halaga ng mga produkto at serbisyo na nagawa ng mga mamamayan ng isang bansa sa loob at sa labas ng bansa.
Growth Rate
Gross National Income
Gross Domestic Product
Income Approach
Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa Paraan ng Pagsukat sa Pambansang Kita?
INDUSTRIAL ORIGIN APPROACH
COMMODITY APPROACH
EXPENDITURE APPROACH
INCOME APPROACH
Buohin ang pangungusap:
Ang kinikita ng mga dayuhan sa loob ng ating bansa ay matataya o maisasama sa ___ ng Pilipinas.
GNI/GROSS NATIONAL INCOME
GDP/GROSS DOMESTIC PRODUCT
Sila ang mga naaapektuhan dahil sila ay malulugi kapag ang interes ng kanilang inimpok sa bangko ay mas maliit kompara sa antas ng implasyon.
Mga nag-iimpok
Mga nagpapautang
Mga may tiyak na kita
Sa Patakarang Piskal, ang pamahalaan ay may mahalagang papel upang ang ekonomiya ay gumanap ng maayos at maging matatag.
TAMA
MALI
Ang Polisiya o patakaran ang pangunahing instrumento sa pagbili (medium of exchane) ng pagkain,pagbili ng mga gamit at iba pang bagay na tutugon sa pang araw-araw na pangangailangan.
TAMA
MALI
Sitwasyon ng Budget kung saan nagaganap ito kung mas mataas ang gastos sa kita ng pamahalaan.
Budget Surplus
Budget Deficit
Sitwasyon ng Budget kung saan nagaganap ito kung mas mataas ang kita sa gastos ng pamahalaan.
Budget Surplus
Budget Deficit
Layunin nito na mapasigla ang pambansang ekonomiya at ginagawa ito upang mahikayat ang mga mamimili na gumastos.
Expansionary Fiscal Policy
Contractionary Fiscal Policy
Uri ng Patakarang Pananalapi, na may layuning mabawasan ang paggasta ng mga mamumuhunan at produksyon ng kalakal.
Contractionary Money Policy
Expansionary Money Policy
Mula sa Institusyong Bangko, magbigay ng 2 halimbawa ng Bankong Komersiyal na makikita sa Pilipinas.
