Font size
WorksheetsAP 7 3rd Periodical Exam
Total questions: 38
Worksheet time: 1hrs 4mins
Ang nasyonalismo ay ang pagsibol ng damdaming makabayan. Nagbigay daan ito para ang mga Asyano ay matutong:
a. Pigilin ang paglaganap ng imperyalismong kanluranin
b. Maging mapagmahal sa kapwa
c. Makisalamuha sa mga mananakop
d. Maging lagging handa sa panganib
Ito ang imperyong namayagpag sa Kanlurang Asya pagkatapos bumagsak ng Roman at Byzantine Empire.
a. Imperyong Greek
b. Imperyong Mughal
c. Imperyong Ottoman
d. Imperyong Alemanya
Alin sa mga sumusunod ang nagpapamalas ng Nasyonalismo?
a. Pagtangkilik ng sariling produkto
b. Pag-angkat ng mga produkto sa ibang bansa
c. Pagpapatibay ng ugnayang panlabas
d. Wala sa mga nabanggit
Alin sa mga sumusunod ang naging masamang epekto ng kolonyalismo sa rehiyong Asya?
a. Pag-unlad ng kalakalan
b. Pagkamulat sa kanluraning panimula
c. Pagkakaroon ng mga kaalyadong bansa
d.Paggalugad at pakikinabang ng mga kanluranin sa mga yamang likas
Paano nagkakaugnay ang kolonyalismo at imperyalismong kanluranin at nasyonalismong Asyano?
a. Dahil sa kolonyalismo at imperyalismong kanluranin nabuo ang nasyonalismong Asyano.
b. Dahil sa kolonyalismo at imperyalismong kanluranin nagkawatak- watak ang mga Asyano.
c. Dahil sa kolonyalismo at imperyalismong kanluranin nabuo ang mga bansang Asyano.
d. Dahil sa kolonyalismo at imperyalismong kanluranin naging mapayapa ang bansang Asyano.
Aling slogan ang nagpapamalas ng Nasyonalismo?
a. “Sa ikauunlad ng bayan, Disiplina ng iilan ang kailangan”
b. “Magsakripisyo tayo, upang tayo mismo ang umasenso”
c. “Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa”
d. "Ang pag-ibig sa bayan ang susi ng kaunlaran”
Sa India, naging inspirasyon ng mga Indian ang katauhan ni Mahatma Gandhi upang labanan nila nang tuluyan ang mga Ingles. Alin sa mga sumusunod ang pinakamapayapang pamamaraang itinuro sa kanila ni Gandhi upang makibaka para sa kanilang kalayaan.
a. Pagpapalabas ng katotohanan ( Satyagraha)
b. Pagdarasal, meditasyon at pag-aayuno
c. Pagboycott o hindi pagbili ng mga produktong Ingles
d. Pananatili sa loob ng bahay at simbahan
Noong sinakop ng mga Ingles ang India, nagsimulang pinakialaman ang pulitika ng bansa sa pamumuno ng British East India Company. Naging mababa ang pagtingin ng mga Ingles sa kultura ng India. Maging ang pamamahagi ng mga lupain ay binago rin ng mga Ingles. Sa ganitong pangyayari, napilitan ang mga manggagawang Hindu na mag-aral ng Ingles upang mapaunlad ang sariling kakayahan at matutong ipaglaban ang karapatan. Anong implikasyon ang mabubuo sa ganitong kaganapan?
a. Ang pananakop ng mga dayuhan ay sanhi ng pagbagsak ng kabuhayan ng India
b. Ang pananakop ng mga Ingles sa India ay nakatulong sa pag-unlad ng kulturang Hindu
c. Ang pananakop ng mga Europeo ay lalong nagpahirap sa kabuhayanng mga Hindu
d. Ang pananakop ng mga Ingles ay naging daan upang mag-aral ng wikang Ingles ang mga Hindu
Ano ang nagbigay daan sa ng pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig?
a. Pag-uunahan sa teritoryong gustong sakupin
b. Pagkamatay ni Archduke Francis Ferdinand ng Austria
c. Pagbuo ng dalawang alyansa sa daigdig
d. Hindi pagsunod sa Treaty of Versailles
Kung ikaw ay isa sa mga namumuno sa ating bansa at papasok ka sa mga kasunduan ano ang dapat na isasaisip sa pagsusulong nito?
a. Isusulong ang interes ng ating bansa at babantayan ang ating karapatan
b. Isusulong ang malayang kalakalan upang umunlad ang ating ekonomiya
c. Bibigyang pabor ang interes ng ibang bansa upang mapanatili ang kapayapaan
d. Isusulong ang pag-unlad ng ating bansa kahit maapektuhan ang ating kapaligiran
Mga sundalong Hindu na nag-alsa noong 1857-59 laban sa mga awtoridad na Ingles
a. Sepoy
b. Shiite
c. Hindu patriot
d. Sikh
Noong unang yugto ng imperyalismo, ang mga bansa sa Silangang Asya ay hindi gaanong naapektuhan. Paano ito nangyari?
a. Dahil maraming sundalo ang mga bansa rito
b. Dahil sa lawak ng mga bansa sa Silangang Asya
c. Dahil sa matatag na pamahalaan ng mga bansa rito
d. Dahil hindi naging handa ang mga bansang kanluranin sa pananakop sa mga bansa rito
Isang simpleng proseso ng pagpupunyagi ng mga malalakas at malalaking nasyon-estado na dominahan, sakupin at gamitan ng lakas ang mga mahihina at maliliit na nasyon-estado
a. Nasyonalismo
b. Imperyalismo
c. Koloyalismo
d. Komunismo
Ikaw ay isang lider ng isang barangay at naatasang maging tagapagsalita sa isang programa sa inyong barangay sa nalalapit na kapistahan na may temang "Nasa Ating mga Kamay ang Kaunlaran". Alin sa mga sumusunod ang nararapat na paghandaan sa iyong talumpati?
a. Ang mga halimbawang ipapakita ay nakakatawa upang hindi mawala ang interes ng mga manonood.
b. Ang mga larawang ipakikita ay makukulay upang ito ay maging kabigha-bighani sa mga manonood.
c. Magpapakita ng mga larawan na nagpapakita ng mga nagawa ng ating mga mga ninuno na naging kapaki-pakinabang sa kasulukuyan upang makapagbigay ng inspirasyon sa mga manonoood.
d. Gagamit ng makabagong teknolohiya upang maging kapani=paniwala sa mga manonood.
Ano ang ipinapahiwatig ng tagumpay ng kampanya ni Mohandas Gandhi sa kolonyalismo ng mga Ingles sa India?
a. Mahusay na rebolusyonaryong lider si Mohandas Gandhi
b. Maaaring labanan ang kolonyalismo sa mapayapang paraan
c. Ang pang-aapi ng mga kolonyalista ay may katapusan
d. Naging simbolo si Mohandas Gnadhi ng pagkakaisa ng mga mamamayan sa India
Naghangad rin ng kanyang kalayaan ang India. Anong pamamaraan ang isinagawa nito upang matamo ang kanyang hangarin?
a. Nakipag-alyansa sa mga Kanluranin
b. Papayag sa kung ano ang gusto ng mas malakas na bansa para walang gulo
c. Binoykot ang mga produktong English
d. Tinulungan ang mga Ingles sa panahon ng digmaan
Kung ang iyong bansa ay humaharap sa krisis ng pagtatanggol ng teritoryo laban sa mas malakas na bansa, bilang isang kinatawan ng iyong bansa alin sa mga sumusunod na pananaw ang isusulong mo sa iyong gagawing resolusyon ?
a. Hindi magsusulong ng anumang interes dahil mababalewala rin naman.
b. Papayag sa kung ano ang gusto ng mas malakas na bansa para walang gulo
c. Isusulong ang pambansang interes at karapatan ng bansa anuman ang mangyari
d. Isusulong ang interes ng iba pang bansa na interesado sa usapin upang magkaroon ng kaalyansa
Nabuo ang nasyonalismo sa Asya bilang reaksiyon ng mga Asyano sa kolonyalismo at imperyalismong Kanluranin. May mga gumamit ng civil disobedience, rebolusyon, pagyakap sa ideolohiya, pagtanggap sa mga pagbabagong dala ng mga dayuhan at pagtatag ng mga makabayang samahan upang ipakita ang damdaming nasyonalismo. Bilang mag-aaral paano mo maipakikita ang pagmamahal sa bayan sa kasalukuyang panahon?
a. Maging mabuting mag-aaral at makilahok sa mga gawaing pangkomunidad
b. Makiisa sa mga samahan na nagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan
c. Mag-aral ng mabuti upang hindi maging pabigat sa lipunang kinabibilangan
d. Magtayo ng samahan upang pagbayarin ang mga Kanluranin
Kinilalang ama ng Turko dahil sa kanyang pagsusulong ng kalayaan ng Turkey.
a. Mustafa Kemal
b. Mehmed V
c. Sultan Abdul Hamid
d. Mohammed Shah Reza Pahlavi
Ang nagsulong ng mga pagbabagong pulitikal, panlipunan at pangkabuhayan sa Iran.
a. Mustafa Kemal
b. Ayatollah Ruhollah Khoemeini
c. Mohammed Reza Pahlavi
d. Sultan Abdul Hamid
Ang Nasyonalismo ay isang anyo ng imperyalismo sa pananakop ng isang bansa upang gamitin para sa pulitikal at ekonomikong interes ng mananakop na bansa.
Ang maharajah ay tumutukoy sa mga dating gobernador ng mga lokal na pamahalaan sa ilalim ng Imperyong Mughal.
Si Kublai Khan ay isang mangangalakal na nagmula sa Venice, Italya na naglakbay papuntang Asya at naging tagapayo ng emperador ng Tsina.
Si Reza Shah Pahlavi ay ang nagkamit titulong Ataturk o “Ama ng Turkey” ang isa sa mga nanguna sa pagtataguyod ng nasyonalismo sa Turkey.
Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay naganap sa pagitan ng 1914 at 1918.
Tawag sa pagmamahal sa bayan o bansa
Ito ang itinawag kay Gandhi ng dahil sa ipinakitang kabayanihan niya
Isang anyo ng imperyalismo sa pananakop ng isang bansa upang gamitin para sa pulitikal at ekonomikong interes ng mananakop na bansa.
Nangangahulugan ng walang karahasang pagtutol sa mga patakaran at batas na ipinatupad ng pamahalaang Britanya.
Kilusan na nag-nais na magtatag ng sariling bansa ang mga Hudyo sa Palestina.
Rebulosyon kung saan ang panahon ay nakatuon sa mga gawaing agrikultural ay napalitan ng mga gawaing industriyal na bunsod ng pag usbong ng mga bagong kaalaman at kasanayan sa teknolohiya, na higit na nakatulong sa mga gawaing pangkabuhayan ng mga tao.
Bansa na sumuporta din sa Britanya sa panahon ng digmaan sa pag-asang sila ay pagkakalooban ng kalayaan kapag natapos na ito.
Bilang pagtutol sa Rowllat Act, dito nagtitipon ang mga Muslim at Hindu ang kabisera ng lungsod ng Punjab.
Ang pagpapalawak ng kapangyarihan ng isang bansa sa pamamagitan ng sapilitang pananakop at pab kontrol sa ekonomiya at pulitika ng mga nasakop na lugar.
Tawag sa sundalong nag-alsa laban sa mga sundalong Ingles na nagsagawa ng diskriminasyon laban sa kanila.
Bakit mas naging kilala ang mga repormang inilunsad ni Mahatma Gandhi?
Gaano kahalaga ang nasyonalismo sa pagbuo ng isang bansa o estado?
Ano ang pinagkaiba ni Rizal at Bonifacio, bakit si Rizal ang naging pambansang bayani ng Pilipinas?
