wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

3RD PERIODICAL EXAMINATION IN AP 7

Total questions: 40

Worksheet time: 2hrs 10mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay nagmula sa salitang Latin na Imperium na ang ibig sabihin ay command. Isang salitang Latin na nagsimulang gamitin sa panahon ng pananakop ng Imperyong Roma. Ito ay nangangahulugang dominasyon ng isang makapangyarihang nasyon-estado sa aspetong pampulitikal, pangkabuhayan, at kultural na pamumuhay ng mahina at maliit na nasyon-estado upang maging pandaigdigang makapangyarihan.

a)

Imperyalismo

b)

Kapitalismo

c)

Kolonyalismo

d)

Nasyonalismo

2.

Ito ay isang patakaran ng isang bansa na mamahala ng mga sinakop upang magamit ang mga likas na yaman ng mga sinakop para sa sariling interes.

a)

Imperyalismo

b)

Kolonyalismo

c)

Mandate

d)

Protectorate

3.

Ito ay transpormasyon mula sa manwal na paggawa sa mga kabukiran sa pag-imbento ng mga bagong imbentong makinarya.

a)

Kapitalismo

b)

Merkantalimo

c)

Rebolusyong Industriyal

d)

Rebolusyong Teknikal

4.

Maraming mangangalakal ang namuhunan sa panahong ito upang higit na kumita.

a)

Industriyalismo

b)

Kapitalismo

c)

Merkantilismo

d)

Rebolusyong Industriyal

5.

Ayon sa mga Kanluranin, sila ay may katungkulan na turuan at paunlarin ang kanilang mga sakop na bansa. Ito ang nagbigay-katuwiran sa kanila sa pananakop sa Asya.

a)

Colony

b)

Manifest Destiny

c)

Nasyonalismo

d)

White Man’s Burden

6.

Ang sumusunod ay mga dahilan na nagbunsod sa mga Kanluranin sa pananakop ng mga lupain MALIBAN sa isa.

a)

Pagpapalawak ng teritoryo at pagpaparami ng kayamanan

b)

Matulungan ang mga katutubo tungo sa kaunlaran at mahusay na edukasyon

c)

Pangangailangan ng hilaw na sangkap at pamilihan ng mga bansang Europeo

d)

Pagnanais ng mga bansang Europeo ng malawak na kapangyarihan upang labanan ang mga karibal na bansa

7.

Ang sumusunod ay mga salik na nagbunsod sa mga Kanluranin na sakupin ang kontinente ng Asya dala ng rebolusyong Industriyal sa Europa. Piliin ang hindi kabilang.

a)

Pangangailangan ng iba’t ibang uri ng likas na yaman

b)

Pangangailangan ng mga tagabili ng mga produktong yari sa Europa

c)

Pangangailangan ng mga bagong pabrika na pagtatayuan ng pagawaan ng maraming produkto

d)

Pagnanais ng mga Europeo na maibahagi ang kanilang mga imbensyon at kaalaman sa teknolohiya sa mga Asyano

8.

Ang sumusunod ay mga dahilang ipinahayag ng mga Kanluranin sa pananakop ng mga lupain sa Asya mula sa akdang White Man’s Burden. Piliin ang tunay na dahilan ng kanilang lihim na interes.

a)

Upang maibahagi ang mga kaalamang natuklasan

b)

Pangangailangan ng pamilihan ng mga yaring produkto

c)

Makapanakop ng mga lupain upang magkaroon ng pandaigdigang kapangyarihan at makalikom ng kayamanan

d)

Pagpasan sa balikat ng mga Europeo sa mga Asyano na kailangang tulungan upang umunlad ang kanilang kabuhayan at kabihasnan

9.

Ito ay uri ng pananakop na kung saan direktang kinokontrol at pinamamahalaan ng imperyalistang bansa ang kanyang sakop. Hal. England- India

a)

Colony

b)

Mandate System

c)

Protectorate

d)

Relihiyong Kristiyanismo

10.

Ang sumusunod ay mga negatibong epekto ng pananakop ng mga Kanluranin sa Asya. Piliin ang HINDI kabilang.

a)

Naging laganap ang kahirapan at marami ang namatay

b)

Nagkaroon ng pagtatangi ng lahi o Racial Discrimination ang mga mananakop

c)

Nawalan ng karapatan ang mga kolonya na pamahalaan ang sariling bansa sa kanilang sariling sistema

d)

Nagpatayo ng mga tulay, daan, riles ng tren ang mga mananakop upang mapabilis ang pagdadala at pagluluwas ng mga produkto

11.

Isa sa mga patakarang British sa India ay ang paggamit ng wikang Ingles bilang wikang panturo sa mga paaralan ng India. Napilitan ang mga Indian na gamitin ang wikang Ingles sa kanilang sariling bansa. Anong implikasyon ang mabubuo sa ganitong kaganapan?

a)

Ito ay nagpahirap sa kabuhayan ng mga Indian

b)

Ito ay sumira sa kultura at dignidad ng mga Indian

c)

Ito ay tuwirang pag-alis ng pagkamamamayan ng mga Indian

d)

Ito ay nakatulong sa pag-unlad ng kanilang kaalaman at kultura

12.

Alin sa sumusunod ang maituturing na magandang dulot ng pananakop ng mga Ingles sa pangangalaga ng karapatang pantao ng mga Indian lalo ng kababaihan?

a)

Naturuan sa larangan ng pamamahala

b)

Marami ang mga Indian ang pinag-aral sa England

c)

Nagpagawa sila ng mga daan, tulay at mga riles ng tren

d)

Ipinagbawal nila ang matandang kaugalian gaya ng Sati o Sutee at Female Infanticide

13.

Bakit hindi nasakop ng mga Europeo ang rehiyon ng Kanlurang Asya sa mahabang panahon?

a)

Dahil malayo ito sa kanilang teritoryo

b)

Dumami ang mga Kristiyano sa Kanlurang Asya

c)

Dahil walang kayamanan na makukuha sa Kanlurang Asya

d)

Dahil nagamit ng mga Turkong Muslim ang relihiyong Islam upang mapag-isa ang mga Arabe

14.

Ang Kanlurang Asya ay sumailalim sa pananakop ng mga Kanluraning England at France noong 1914 sa pamamagitan ng isang tsarter o mandato ng Liga ng mga Bansa. Ang mga bansang Europeo na nanalo noong Unang Digmaang Pandaigdig ay magiging mandato ng ilang teritoryo ng mga natalong bansa. Maraming bansa sa Kanlurang Asya ang naging mandato ng mga Europeo. Ang sumusunod ay nagpapakita ng pakikialam ng mga bansang Europeo sa mga bansa sa Kanlurang Asya MALIBAN SA ISA

a)

Pagtatatag ng bansang Israel

b)

Pagtuklas at paglinang ng langis

c)

Pakikialam sa away ng Palestina at mga Hudyo

d)

Naging mandato ng Great Britain ang Iraq, Palestina, West Bank, Gaza Strip at Jordan

15.

Alin sa sumusunod ang naging pangkalahatang epekto ng Kolonyalismo sa Asya?

a)

Pagkamulat sa mga Kanluraning Prinsipyo

b)

Natutong magtiis ang mga Asyano alang-alang sa kapayapaan

c)

Naging masunurin ang mga Asyano sa lahat ng mga naisin ng mga Europeo

d)

Naging masidhi ang damdaming nasyonalismo ng mga Asyano upang maibangon ang sariling bansa

16.

Ang sumusunod ay mga dahilan na nagbunsod sa mga Kanluranin na magtungo sa Asya. Piliin ang HINDI kabilang.

a)

Krusada

b)

Kapitalismo

c)

Renaissance

d)

Rebolusyong Industriyal

17.

Bakit napilitang maghanap ng bagong rutang pangkalakalan ang mga Europeo?

a)

Naging kontrolado ng China ang rutang pang-kalakalan

b)

Nagkaroon ng interes ang mga Europeo na marating ang Silangan

c)

Ang Constantinople (bahagi ng Turkey) ay nagsilbing ruta ng kalakalan mula Europa patungong India

d)

Nakuha ng mga Turkong Muslim ang Constantinople at nakontrol ang mga ruta ng kalakalan mula Europa papuntang silangan

18.

Ang Krusada ay ang kilusang inilunsad ng simbahan at mga Kristiyanong hari upang mabawi ang banal na lugar ng Jerusalem sa Israel mula sa mga Turkong Muslim. Ang _____ naman ay nagpasimula sa Italya mula noong 1350. Ito ay galing sa salitang Pranses na ang ibig sabihin ay “Muling Pagsilang o Rebirth”

a)

Humanidades

b)

Merkantalismo

c)

Principalia

d)

Renaissance

19.

Ito ang bansang nanguna sa paghahanap at paggalugad ng mga bagong ruta at lupain sa ibang panig ng daigdig.

a)

England

b)

Spain

c)

France

d)

Portugal

20.

Siya ang tinaguriang Discoverer ng Amerika.

a)

Amerigo Vespucci

b)

Christopher Columbus

c)

Hernando Cortez

d)

Vasco da Gama

21.

Si Bartholomeu Diaz ay nakarating ng Cape of Good Hope sa dulo ng Aprika noong 1488. Si _____ naman ay nakadaan sa baybayin ng Aprika at nakarating sa dulo nito na tinawag na Cape of Good Hope at nakarating ng India

a)

Amerigo Vespucci

b)

Chrisropher Columbus

c)

Ferdinand Magellan

d)

Vasco da Gama

22.

Anong bansa sa Timog Asya ang hindi nasakop ng England?

a)

Afghanistan

b)

Bangladesh

c)

Bhutan

d)

India

23.

Bakit hindi nagkaroon ng interes ang mga Kanluranin na sakupin ang Kanlurang Asya sa unang yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismong Kanluranin?

a)

Mahirap pamahalaan ang rehiyon

b)

Maraming disyerto at mainit sa rehiyon

c)

Walang kayamanang makukuha sa rehiyon

d)

Nasa ilalim ito ng malakas na pamumuno ng mga Turkong Ottoman

24.

Bakit nagkaroon ng interes ang England na sakupin ang India?

a)

Dahil sa Kristiyanismo

b)

Napakaraming likas na yaman ng India

c)

Malapit ito sa kanyang mga sakop na teritoryo

d)

Upang tulungan ang India na mapaunlad ang kabuhayan nito

25.

Ang sumusunod ay naging resulta ng matagumpay na paggalugad at pagtuklas ng mga bagong lupain ng mga Kanluranin MALIBAN sa isa.

a)

Tuluyang pananakop ng mga lupain/teritoryo

b)

Pagdagsa ng mga likas na yaman ng Asya sa Europa

c)

Pamumuhunan ng mga Europeo para mas malaking kita

d)

Alyansa sa pagitan ng mga bansang Kanluranin

26.

Pagkakaroon ng sentralisadong pamahalaan. Ang mataas na posisyon ay para sa mga Europeo lamang

a)

TAMA

b)

MALI

c)

HINDI KO ALAM

27.

Nagpatayo ng mga tulay, riles ng tren, at kalsada

a)

TAMA

b)

MALI

c)

HINDI KO ALAM

28.

Naalis sa kolonya ang karapatan na pamahalaan ang sariling bansa

a)

TAMA

b)

MALI

c)

HINDI KO ALAM

29.

Nagkaroon ng mga liberal na kaisipan na nakatulong sa pagpukaw ng damdaming Nasyonalismo sa mga Asyano

a)

MALI

b)

TAMA

c)

HINDI KO ALAM

30.

Ang mga kaugalian ay nahaluan at ang istilo ng pamumuhay ay ginaya

a)

HINDI KO ALAM

b)

TAMA

c)

MALI

31.

Nagkaroon ng fixed boarder o takdang hangganan ang teritoryo ng bawat bansa

a)

MALI

b)

TAMA

c)

HINDI KO ALAM

32.

Maraming katutubo ang yumakap sa Kristiyanismo

a)

HINDI KO ALAM

b)

MALI

c)

TAMA

33.

Nagpatayo ng mga hospital, paaralan at simbahan

a)

TAMA

b)

MALI

c)

HINDI KO ALAM

34.

Pagpapairal ng mga wikang Kanluranin bilang wikang gagamitin sa mga paaralan

a)

TAMA

b)

MALI

c)

HINDI KO ALAM

35.

Naging napakalakas ng pagtatangi ng lahi

a)

TAMA

b)

MALI

c)

HINDI KO ALAM

36.

Tukuyin ang isinasaad ng pangungusap sa ibaba.


Ito ay isang patakaran ng isang bansa na mamahala ng mga sinakop upang magamit ang mga likas na yaman ng mga sinakop para sa sariling interes

4 lines
37.

Tukuyin ang pangungusap sa ibaba.


Ito ay nangangahulugang dominasyon ng isang makapangyarihang nasyon-estado sa aspetong pampolitikal, pangkabuhayan, at kultural na pamumuhay ng mahina at maliit na nasyon-estado upang maging pandaigdigang makapangyarihan

4 lines
38.

Tukuyin kung ano ang isinasaad ng pangungusap sa ibaba.


Pagkakaroon ng malawak na kapangyarihan upang labanan ang kanilang mga karibal na bansa

4 lines
39.

Tukuyin kung ano ang isinasaad ng pangungusap sa ibaba.


Kaisipan na ang mga Asyano ay pabigat at pasanin sa balikat ng mga Europeo. May tungkulin ang mga Europeo na ibahagi ang kanilang superyor na kultura sa mga Asyano

4 lines
40.

Tukuyin kung ano ang isinasaad ng pangungusap sa ibaba.


Isang sistema kung saan gagamitin ang naipong salapi upang mamuhunan at kumita ng mas malaki

4 lines