WorksheetsG7 Filipino Ika-apat na markahan
Total questions: 45
Worksheet time: 38mins
Sa labis na inggit ng dalawang kapatid, Ano ang ikalawang bagay na ginawa nila para mapalabas na masama si Don Juan?
Iniwan nila si Don Juan sa gitna ng bundok na halos hindi makalakad
Iniwan nila ang Ibong Adarna upang may mag tanod kay Don Juan
Ibalita sa lahat na kaylan ma'y hindi sila hinanap ni Don Juan
Pakawalan ang ibong adarna upang ang pagbintangan ay si Don Juan
Hindi matanggap ni Haring Salermo na mawalay sa kanyang piling si Maria Blanca kaya _____.
Itinakas niya ang prinsesa
Pinapapatay niya si Don Juan kaagad
Umisip siya ng bagong pakana para hindi matuloy ang pagpapakasal
Isinumpa niya ang kanyang Anak na si Maria
Bilang handog ni Haring Salermo kay Don Juan, pinapili siya sa tatlong anak na dalaga na tanging sa butas lamang nakalitaw ang kani-kanilang ______.
Sa kamay
Sa hintuturo
Sa mata
Sa mukha
Ang humatol na dapat ikasal si Donya Leonora at Don Juan.
Arsobispo
Maria
Juana
Maria Balanca
Ang unang babaeng bumihag sa puso ni Don Juan
Maria Blanca
Maria
Juana
Leonora
Oras na dapat paghatian sa pagbabantay ng magkakapatid sa Ibong Adarna?
Dalawang oras
Tatlong oras
Apat na oras
Limang oras
Dahilan ng ikalawang paglisan ni Don Juan sa kaharian?
Upang hanapin ang Ibong Adarna dahil ito ang makapagappagaling sa kaniyang Amang may karamdaman.
Upang maibalik ang Ibong Adarna sa hawla na nakapagbibigay aliw sa lkanilang kaharian at muling magkasama sila na buong pamilya
Hindi na alam ni Don Juan ang gagawin sa labis na takot kaya siya ay nag pasyang umalis nalang at iwan ang kaharian
Lahat ng nabanggit ay tama
Anong pook ang nasumpungan ni Don Juan sa kaniyang paglalakbay habang naghahanap sa nawalang Adarna?
Armenya
Tabor
Berbanya
Reyno Delos Cristales
Ang bunso kong si Don Juan may loob na malumanay, matapat na kaibiga't uliran sa kabaitan" Haring Fernando
Ipinagmamalaki ni Don Fernando ang anak na si Don Juan sa pagiging mahiyain at mababang loob nito
Naniniwala si Haring Fernando na ang kanyang anak na si DOn Juan ay isang taong uliran at may pusong dalisay.
Nalulungkot si Haring Fernando sa sinapit ng anak na dahil sa labis na kabaitan nito siya at napahamak.
Ako po'y sumusuway sa atas mo, Haring mahal, ngunit hiling ko po lamang iliban muna ang kasal. Donya Leonora
Humiling si Donya Leonora na huwag munang isagawa o idaos ang kasal nila ni Don Pedro dahil hindi niya talaga mahal ito.
Dahil sa matinding pagkamuhi ni Donya Leonora kay Don Pedro ay napilitan nitong suwayin ang atas ng hari na siya ay makasal sa prinsipe.
Sinuway ni Donya Leonora ang utos ng hari na siya ay makasal kay Don Pedro
Piliin ang tamang kahulugan ng mga salitang nakasulat sa MALALAKING TITIK.Ibinalik sa tahanan mahina na ang katawan,Halos di pa iniiwan, sa tayo’y biglang NABUWAL.
natumba
nakita
nadama
humakbang
Ang nagbabantay kay Donya Juana
Lobo
Serpyente
Higante
Ermintanyo
Ang naiwang mahalagang bagay kay Leonora
Diyamanteng kwintas
Diyamanteng singsing
Diyamanteng ipit
Gintong singsing
Ang pinagmulan ng tubig na kinuha ng lobo upang mapagaling si Don Juan.
Ilog Jordan
Ilog Pasig
Ilog Babilonya
Lawa
Habang nagpapahinga si Don Juan ay may dumating upang payuhan sa kung ano ang susunod niyang gagawin, ano ito?
Ermitanyo
Ibong Adarna
Matandang Uugod-ugod
Matandang mahaba ang balbas
Saang lugar kinakailangang hanapin ni Don Juan ang babae na mas ikararangal ng kanyang ama?
Armenya
Berbanya
Reyno Delos Cristales
Tabor
Paano inilarawan ang lupang yayapakan sa ilalim ng balon?
perlas na kumikinang
kristal na kumikinang
gintong kumikinang
Uri ng balita na isa sa pinakamahalagang sangkap sa pagsulat ng balita.
Pamatnubay
Ulo ng balita
katawan ng Balita
Sangkap ng balita
Anong klaseng balita ito?United Nations, Nagbigay ng tulong sa mga biktima ng Tsunami
Balitang Panlokal
Balitang Pangkabuhayan
Balitang Pandaigdig
Anong klaseng balita ito? Prutas at Gulay , Patuloy ang Pagtaas.
Balitang pampalakasan
Balitang Pampolitika
Balitang pandaigdig
Balitang pagkabuhayan
Anong klaseng balita ito?Unang Sesyon sa Kongreso, Bubuksan na sa susunod na buwan.
Balitang Pantahanan
Balitang Pampolitika
Balitang Panlibangan
Anong klaseng balita ito?Ang matagumpay na Community Pantry ni Angel Locsin.
Balitang pampalakasan
Balitang pandaigdig
Balitang pangkabuyahan
Balitang panlibangan
" Ina napatay ang anak sa subrang galit" Anong uri ito ng balita?
balitang pantahanan
Balitang pangkabuhayan
Balitang panlibangan
Balitang pampalakasan
A. Pagkilala sa SANHI AT BUNGA
Panuto :Tukuyin at kilalanin ang mga pangyayari mula sa akdang Ibong Adarna. At alamin kung ano ang bunga nito.
Walang kapantay ang kagandahan ni Donya Maria.
Puso nila'y umaawit sa ligaya ng pag-ibig.
Lubos na humanga si Don Juan sa prinsesa.
Sa kanyang pangungubli ay hindi na nakatiis ang prinsipe sa pag-ibig na nadarama.
Ang prinsesa ay nagalit dahil sa pangyayari.
Itinmago niya ang damit ng prinsesang sadyang marikit.
Pagkilala sa mga Talasalitaan.
Panuto : Tukuyin ang nakasalungguhit na salita at piliin ang titik ng tamang sagot.
" Sila'y tatlong magkakapatid
sakdal naman nang ririkit,
ngunit ang nakahihigit,
si Donya Mariang mabait.
magtago
papangit
gaganda
Napag-isa ang prinsipe,
nagulo ang dili-dili,
gayunpama'y pinagbuti
ang ginawang pangungubli.
pag-iisip
pagtago
pag-alis
Loob niya'y naguluhan,
pinilit na mapahusay;
binuo sa gunam- gunam,
sa magdamag ay maghintay.
isip
katawan
alaala
Sa gitna ng pananabik
ng sumisikdong dibdib,
natanaw yaong langit
na laon nang panaginip.
mapatid
kumakaba
nag-aalala
Panuto : Tukuyin ang kahulugan ng sumusunod na mga pahayag na binitiwan ng mga tauhan sa akda. Piliin ang titik ng tamang sagot.
" Giliw ko, ang singsing ko'y bayaan na, ang pagparoon mong mag-isa'y lubha kong inaalala". Donya Leonora
Nangngamba si Donya Leonora na sa muling pagbabalik ni Don Juan sa balon ay mapahamak ang prinsipe.
Walang halaga kay Donya Leonora ang singsing dahil hindi na niya ito kailangan
Gustong samahan ni Donya Leonora si DOn Juan sa pagbabalik nito sa balon.
" Kay Don Juan ano kaya ang ginhawang mapapala? Ang mamamatay sa pagluha at mabuhay na kawawa". ( Don Pedro )
Ipinahihiwatig ni DOn Pedro kay Leonora na tanging luha at pasakit lamang ang kanyang mapapala sa piling ni Don Juan.
Ipinaliliwanag ni Don Pedro kay Leonora na limutin na si Don Juan dahil siya'y aba at taksil sa pag- ibig.
Hindi tapat ang pag-ibig ni Don Juan kung kaya't snasabi ni Don Pedro kay Leonora na ang buhay niya sa piling nito ay magiging kawawa.
Kung ako man ay umalis di sa iyo'y hinanakit, manapa nga'y sa pag-ibig maligtas ka sa pasakit. Ibong Adarna
Umalis ang Ibong Adarna sa palasyo dahil nawala ang tiwala at malasakit kay Don Juan.
Umalis ang Ibong Adarna sa palasyo nang walang hinanakit kay DOn Juan dahil nais na nitong maging malaya.
Walang sama ng loob nang umalis ang Ibong Adarna sa palasyo kay Don Juan sa halip sa kanyang paglisan ang kanyang hangarin ay maligtas siya sa panganib.
Panuto : Tukuyin ang angkop na hinuha hinggil sa kaung ano ang maaaring mangyariu sa tauhan batay sa mga nakatalang bahagi ng akda. Piliin ang titik ng tamang sagot.
Wala siyang itinira , kapatak ma'y said na, ngunit laking pagtataka, puno pa rin nang makita"!Ang naramdaman ni Don Juan pagkatapos niyang inumin ang tubig ay ....
Nasabi niya sa kanyang sarili na ang kanyang naranasan ay maaari din niyang matutuhan at magawa.
Natakot si Don Juan sa naranasan sapagkat naisip niyang ang matanda ay isang engkantado.
Ninais din ni Don Juan na mapasakanya ang kapangyarihang taglay ng matanda.
Doon ay kanyang dinatnan ang isang ermitanyong mahal, ang balbas ay hanggang baywang kasindak - sindak pagmasdan". Ang nangyari sa matanda nang unang makita ni Don Juan ay ....
Malugod na tinanggap si Don Juan at agad na pinatuloy sa kanyang tahanan.
Nagtago ang matanda nang makita nito ang binatang dumating sa kanyang lugar.
Nagulat at nagtaka ang matanda nang makita si Don Juan kaya naman inutusan niya ang binatang lumayo sa kanya.
Pagkat kita'y iniibig, pag- ibig ko'y hanggang langit. Don Juan di ko nais mabilang ka sa naamis"Ang ginawa ni Donya maria upang hindi mapahamak ang sinisinta ay ...
Itinago niya si Don Juan upang hindi siya makita ng kanyang amang si Haring Salermo.
Inutusan niya si Don Juan na umalis na agad sa kanilang lugar upang siya ay hindi mapahamak.
Itiinuro niya kay Don Juan ang mga bagay na dapat niyang isagot at gawin kapag siya ay humarap kay Haring Salermo
Ito ay isang Panitikang Pilipino na kung saan ang kwento ay nakasentro sa isang mahiwagang ibon na nagtataglay ng kapangyarihan na nakapagpapagaling ng anumang karamdaman.
Ibong Mandaragit
Ang mahiwagang ibon
Ibong Adarna
Wala sa nabanggit
Ano ang panata ni Donya Leonora sa kanyang namayapang ina?
Mag-aasawa siya upang maipasa ang kanilang lahi
Hindi muna siya mag-aasawa
Sasama siya kay Don Juan at hindi kay Don Pedro
Itago ang singsing na binigay sa kanya
Ang Korido ay tungkol sa pananampalataya, pakikipagsapalaran ng mga bida, at kababalaghan.
Tama
Mali
Sino ang mapapangasawa no Don Pedro?
Donya Maria
Donya Leonora
Donya Juana
Donya Isabel
Ano ang ginawa ni Haring Salermo kay Don Juan ng mapagalaman niyang tumakas si Donya Maria Blanca kasama nito?
Isumpa niya na hindi na nito makikita si Donya Maria Blanca
Isumpa niya na hindi na ito makakabalik sa Reyno De Los Cristalles
Isumpa niya na mamatay ito sa pakikipagdigma
Isumpa niya na makakalimutan niya si Donya Maria Blanca at magmamahal ito ng iba
Ilang taon ang hiniling ni Donya Leonoro upang pansamantalang makulong sa isang lihim na silid bago magpakasal kay Don Pedro?
Apat
Lima
Anim
Pito
Ito ay anumang pangyayari na kagaganap lamang, naiiba sa karaniwan, makatotohanan, at walang kinikilingan. Ito ay maaaring makuha sa pamamagitan ng pagbabasa
sa pahayagan, pakikinig sa radyo, at panonood ng telebisyon.
Balita
Talumpati
Panradyo
Komentaryo
Tumatalakay sa mga mahahalagang pangyayaring nagaganap sa buong bansa.
Balitang Panlokal
Balitang Pampolitika
Balitang Pambansa:
Tumatalakay sa mga pangyayaring may kinalaman sa
edukasyon.
Balitang Panlibangan
Balitang Pangkabuhayan
Balitang lokal
Balitang Pang-edukasyon
Ang katawan ng balita ang siyang nagbibigay ng mga detalyeng paliwanag hinggil sa mga datos na binabanggit sa pamatnubay. Kilala ito bilang mga pansuportang detalye.
Pamatnubay
Katawan
Hindi Gaanong mahalagang detalye
