NEW
Font size
WorksheetsREVIEW QUIZ (G-7)
Total questions: 45
Worksheet time: 34mins
Ito ay pag-aaral sa iba’t ibang kalupaan at katubigan, kinaroroonan, sukat, at lawak , klima at likas na yaman ng isang lugar, bansa o kontinente.
A. Kasaysayan
B. Heograpiya
C. Sosyolohiya
D. Heolohiya
2. Bakit mahalagang pag-aralan ang Asya? Dahil ang Asya ay _________________
A. pinagmulan ng kabihasnan na siyang naging bahagi ng kabihasnan ng mundo
B. batayan ng pamumuhay ng mga tao sa kontinente
C. binubuo ng mga makasaysayang tao, lugar, at pangyayari
D. naging kanlungan ng sinaunang tao sa mundo
3. Ano ang katotohanan sa pagkakabuo ng Asya bilang isang rehiyon?
A. Ang Asya ay iisa.
B. Napakarami at iba-iba ang wika, relihiyon, at etnisidad sa buong Asya.
C. Walang isang partikular na katangiang-pisikal ang maaaring maging pagkakilanlan at tagapag-isa ng Asya bilang isang rehiyon.
D. Bunga ng pagtingin ng mga Griyego na dapat na nakahiwalay sila sa mga karatig-pook.
____ 5. Ang linyang tumatakbo paikot ng globo mula hilaga hanggang timog at nagbibigay ng direksyong pakanluran at pasilangan mula sa prime meridian.
A. guhit longhitud
B. guhit latitud
C. ekwador
D. International Date Line
____ 8. Ang rehiyon sa Asya na may pinakamaraming bilang ng mga bansa.
A. Kanlurang Asya
B. Timog Asya
C. Timog-Silangang Asya
D. Hilagang Asya
_____9. Ito ang ang hangganan ng Asya sa kanluran.
A. Bulubunduking Ural
B. Dagat Aegean
C. Dagat Caspian
D. Pacific Ocean
Ano ang tawag sa pinakamalaking dibisyon ng lupain sa daigdig?
Arkipelago
Kontinente
Peninsula
Rehiyon
14. Ano ang pinakabagong idineklarang bansa sa Timog-Silagang Asya?
A. Laos
B. Timor-Leste
C. Brunei Darussalam
D. Myanmar
Alin sa mga sumusunod ang tinaguriang pinakamalaking kontinente sa daigdig?
Africa
Europe
Asya
Australia
Ang bansang Pilipinas ay kabilang sa anong rehiyon sa Asya?
Hilagang Asya
Silangang Asya
Timog-Silangang Asya
Timog Asya
Ano ang tawag sa guhit sa globo na naghahati sa mundo sa pagitan ng Timog at Hilaga?
Equator
Latitude
Longitude
International Date Line
Ano ang tawag sa guhit ng Globo na natutukoy sa Hilaga at Timog ng Equator?
International Date Line
Longitude
Latitude
Prime Meridian
Ang Asya ay may 300 na aktibong mga bulkan. Alin sa mga sumusunod na Anyong lupa ang halimbawa ng bulkan?
Mt. Fuji
Mt. Everest
Himalayas
Gobi
Ang isang bansa ay tinatawag na kapuluan dahil...?
Maraming taong nakatira na rito.
Pinapalibutan ito ng maraming bansa.
Maraming dumadayo na mga turista.
Binubuo ito ng maraming pulo.
Ang Tibetan Plateu ay halimbawa ng anong uri ng anyong lupa?
Disterto
Kapatagan
Talampas
Tangway
Ang Asya ay may apat na katangi-tanging lawa. Ang mga sumusunod na anyong tubig ay mga halimbawa ng lawa maliban sa isa...?
Aral sea
Caspian sea
Huang Ho
Lake Baikal
Ang mga sumusunod ay ang pinagbabasihan ng pagkapangkat-pangkat ng rehiyon sa Asya maliban sa
Lokasyon
Kasaysayan
antas ng pamumuhay
kultura
Ang likas na hangganan ng Asya sa SIlangan ( East) ay ang
Indian Ocean
Artic Ocean
Pacific Ocean
Ilang rehiyon mayroon ang Asya
4
7
5
Saang rehiyon matatagpuan ang Hilaga at Timog Korea?
Silangang Asya
Timog Silangang Asya
Timog Asya
Kanlurang Asya
Anong rehiyon matatagpuan ang India?
Hilagang Asya
Silangang Asya
Timog Asya
Kanlurang Asya
Sino ang "Ama ng Kasaysayan"?
Herodotus
Sardar
Vivekananda
Ano ang tawag sa mga naglalakihang masa ng lupa sa daigdig na kadalasang pinaghihiwa- hiwalay ng malalawak na karagatan?
Isla
kapatagan
kontinente
peninsula
Saan matatagpuan ang Taj Mahal?
China
Cambodia
India
Philippines
Sa anong rehiyon kabilang ang bansang Japan?
Gitnang Asya
Kanlurang Asya
Silangang Asya
Timog Asya
Timog-Silangang Asya
Ito ang pananaw na ang mga Europeo ang nang-aangkin ng dakilang tradisyon, kasaysayan, at kultura
Asian-centric
Eurocentric
asiacentrism
Ito ang humahati sa globo sa dalawang bahagi, ang silangang hating-globo at kanlurang hating globo.
Prime Meridian
latitud
longhitud
latitud at longhitud
Ano ang itinuturing na kauna-unahang imperyo sa buong mundo?
Imperyong Akkadian
Imperyong Babylonian
Imperyong Assyrian
Imperyong Chaldean
Ang tawag sa maraming kikikilalang diyos?
Monotheism
Polytheism
Trinity
wala sa nabangit
Ang tawag sa paniniwala na iisang Dios
Monotheism
Polytheism
Trinity
wala sa nabangit
Ang pinakamahalagang kontribusyon ng Phoenecian.
Coins
Cunieform
Alpabeto
Kalendaryo
Ang ________ ay pinumumunuan ng isang gobernador na may direktang kontrol sa kanyang mga nasasakupan. Ito ay itinilaga ni Darius upang maging mapayapa ang kanyang nasasakupan.
Mensahero
Sundalo
Satrapy
Heneral
Estrukturang pinagawa ni haring Nebuchadenezzer para sa kanyang asawa na itinanghal bilang isa sa Seven Wonder of the World.
Hanging Garden
Star grazers of Babylon
Pyramid of Giza
Royal Road
7. Alin ang hindi kabilang sa mga katangiang pisikal ng kontinente ng Asya?
A. Hangganan ng Asya sa iba pang mga lupain ay maaaring nasa anyong lupa o tubig.
B. Ang Asya ay tahanan ng iba't ibang uri ng anyong lupa.
C. Ang Asya ay may taglay na napakaraming uri ng behetasyon.
D. Ang iba't ibang panig ng Asya ay nagtataglay ng iisang uri ng klima
Ito ang kahulugan ng salitang "Asu" na pinanggalingan ng salitang "Asya"
Pagbubukang Liwayway
Paghahating Gabi
Paglubog ng Araw
Pagtatakip - silim
Bakit kinakailangang hatiin ang Asya sa iba't ibang rehiyon?
Dahil ito ay napakayaman.
Dahil sa laki at lawak nito.
Dahil sa masaganang likas na yaman nito.
Dahil sa hugis nito/
Ito ang tuwirang pananakop ng isang bansa sa iba pa upang mapagsamantalahan ang yaman nito o makuha rito ang iba pang pangangailangan ng mangongolonya.
Kolonyalismo
Neokolonyalismo
Imperyalismo
Neo-imperyalismo
Ito ay batas o paraan ng pamamahala kung saan ang malalaki o makapangyarihang mga bansa ang naghahangad upang palawakin ang kanilang kapangyarihan sa pamamagitan ng pagsakop o paglulunsad ng mga pagtaban o kontrol na pangkabuhayan at pampolitika sa ibabaw ng ibang mga bansa.
Kolonyalismo
Neokolonyalismo
Imperyalismo
Neo-imperyalismo
Patakarang isinakatuparan ng isang bansa upang mapalawak ang kapangyarihan at impluwensiya sa mga kolonya, protektorado, at konsesyon.
nasyonalismo
kolonyalismo
imperyalismo
neokolonyalismo
Siya ay isang Italyanong adbenturerong nagmula sa Venice.
Marco Paolo
Marc Jacobs
Mark and Spencer
Marco Polo
Ang lugar kung saan unang sumibol ang relihiyong Zoroastrianismo.
India
Mesopotamia
Persia
Syria
Saan umusbong ang Kabihasnang Indus?
Lambak sa pagitan ng Ilog Indus at Ilog Ganges
Lambak sa pagitan ng Ilog Tigris at Euphrates
Lambak sa pagitan ng Ilog Huang Ho at Yangtze
Lambak malapit sa IIog Amazon
