wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP7 Ikalawang Markahan Review

Total questions: 43

Worksheet time: 22mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang pangunahing dahilan ng pagpunta ng mga Kanluranin sa Timog-Silangang Asya?

a)

Pagpapalaganap ng Islam

b)

Paghahanap ng pampalasa

c)

Pagpapalawak ng lupaing sakop

d)

Pagpapalaganap ng sining

2.

Ang Malacca ay kilala bilang sentro ng kalakalan ng _______.

a)

Pilak

b)

Alahas

c)

Pampalasa

d)

Tela

3.

Ang caravel ay isang uri ng ________.

a)

Kagamitang panukat

b)

Barkong ginagamit sa paglalayag

c)

Sandatang pandigma

d)

Relihiyosong kasangkapan

4.

Ang pagbagsak ng Constantinople noong 1453 ay nagdulot ng_______.

a)

Pagsikat ng mga lungsod-estado sa Greece

b)

Paghina ng kalakalan sa Asya-Europa

c)

Paghinto ng mga Krusada

d)

Paglawak ng teritoryo ng France

5.

Sa tatlong G’s na motibo ng kolonyalismo, alin ang tumutukoy sa paghahanap ng kayamanan?

a)

God

b)

Gold

c)

Glory

d)

Government

6.

Sino ang Italyanong manlalakbay na nagsulat ng kaniyang paglalakbay sa Asya?

a)

Christopher Columbus

b)

Marco Polo

c)

Ferdinand Magellan

d)

Amerigo Vespucci

7.

Sino ang unang manlalakbay na nakarating sa Pilipinas sa ngalan ng Espanya?

a)

Vasco da Gama

b)

Ferdinand Magellan

c)

Bartholomeu Dias

d)

Juan Sebastian Elcano

8.

Anong barko ni Magellan-Elcano ang unang nakalibot sa buong daigdig?

a)

Trinidad

b)

Victoria

c)

Santiago

d)

Concepcion

9.

Sino ang naging tagapamagitan sa alitan ng Spain at Portugal sa pag-aangkin ng mga lupain?

a)

King Philip II

b)

Pope Alexander VI

c)

Prince Henry

d)

Ferdinand Magellan

10.

Ano ang itinatakda ng Kasunduan sa Tordesillas (1494)?

a)

Ang pagkakaroon ng kolonya ng France sa Asya

b)

Pagbabahagi ng mga lupain sa pagitan ng Portugal at Spain

c)

Pagbibigay ng kalayaan sa mga bansang sinakop

d)

Pagpapatigil sa kalakalan sa Asya

11.

Bakit nagkaroon ng kasunduan sa Tordesillas?

a)

Dahil sa tunggalian ng France at Britain

b)

Dahil sa pagtatalo ng Spain at Portugal sa mga lupain

c)

Dahil sa pag-aalsa ng mga kolonya

d)

Dahil sa pagbaba ng ekonomiya sa Europa

12.

Ang paniniwalang tungkulin ng mga puti na “tulungan” ang ibang lahi ay tinatawag na __________.

a)

Humanismo

b)

White Man’s Burden

c)

Social Darwinism

d)

Manifest Destiny

13.

Alin sa mga ideolohiyang ito ay naniniwala na mas nakaangat ang lahing Kanluranin kaysa sa iba.?

a)

White Man’s Burden

b)

Manifest Destiny

c)

Social Darwinism

d)

Nationalism

14.

Ano ang ibig sabihin ng Manifest Destiny?

a)

Paniniwalang may basbas ng langit ang pagpapalawak ng U.S.

b)

Paniniwalang pantay ang lahat ng lahi

c)

Paniniwalang dapat tulungan ng puti ang iba

d)

Paniniwalang dapat itaguyod ang nasyonalismo

15.

Bakit hindi nasakop ang Thailand ng mga Kanluranin?

a)

Walang likas na yaman

b)

Naging mapayapa sa lahat ng bansa

c)

Naging buffer zone sa pagitan ng France at Britain

d)

Malayo sa Timog-Silangang Asya

16.

Sino ang kilalang hari ng Thailand na nagpatupad ng mga reporma upang mapanatili ang kalayaan nito?

a)

Haring Rama I

b)

Haring Chulalongkorn

c)

Haring Bhumibol

d)

Haring Ananda

17.

Anong patakarang ipinatupad ni Haring Chulalongkorn upang mapanatili ang kalayaan ng Thailand?

a)

Pagpapalaganap ng Kristiyanismo

b)

Modernisasyon at reporma sa pamahalaan

c)

Pakikipaglaban sa France at Britain

d)

Pagpapasakop sa Espanya

18.

Sino si Bartholomeu Dias sa kasaysayan ng eksplorasyon?

a)

Ang Portuges na unang nakaikot sa daigdig

b)

Ang Portuges na nakarating sa dulo ng Africa

c)

Ang Italyanong nakarating sa Amerika

d)

Ang Espanyol na unang nakarating sa Pilipinas

19.

Dahil sa pagbagsak ng Constantinople, ang mga Europeo ay _______.

a)

Tumigil sa pakikipagkalakalan

b)

Naghahanap ng bagong rutang pangkalakalan papuntang Asya

c)

Nagpatayo ng bagong imperyo sa Africa

d)

Nagpadala ng misyonerong Kristiyano sa India

20.

Bakit itinuturing na napakahalaga ng mga pampalasa noong Panahon ng Eksplorasyon?

a)

Ginagamit sa paggawa ng papel

b)

Ginagamit sa pagpapatamis ng pagkain

c)

Ginagamit sa pagpreserba ng karne at paggawa ng pabango

d)

Ginagamit bilang sandata sa digmaan

21.

Sino si Christopher Columbus?

a)

Portuges na nakarating sa India

b)

Italyanong manlalakbay na nakatuklas ng Amerika

c)

Espanyol na nakarating sa Pilipinas

d)

Pranses na sumakop sa Asya

22.

Sino ang nagdala ng ekspedisyon na unang nakarating sa Pilipinas noong 1521?

a)

Miguel López de Legazpi

b)

Ferdinand Magellan

c)

Philip II

d)

Andres Bonifacio

23.

Sino ang nanalo laban kay Magellan sa Mactan?

a)

Rajah Humabon

b)

Lapu-Lapu

c)

Rajah Sulayman

d)

Andres Bonifacio

24.

Saan itinayo ang unang pamayanang Espanyol noong 1565?

a)

Maynila

b)

Cebu

c)

Leyte

d)

Cavite

25.

Anong uri ng pamahalaan ang ipinatupad ng mga Espanyol sa Pilipinas?

a)

Federalismo

b)

Representative Colonial

c)

Demokratiko

d)

Monarkiya

26.

Sino ang pinakamataas na pinuno ng kolonya na kinatawan ng Hari ng Espanya?

a)

Alcalde Mayor

b)

Gobernadorcillo

c)

Gobernador-Heneral

d)

Viceroy

27.

Ano ang tawag sa patakaran kung saan ang isang pangkat ng tao ay inaangkop sa ibang kultura?

a)

Reduccion

b)

Plaza Complex

c)

Asimilasyon

d)

Polo y Servicio

28.

Ano ang tawag sa sapilitang paglipat ng mga Pilipino mula sa maliliit na pamayanan patungo sa kabayanan?

a)

Encomienda

b)

Reduccion

c)

Tributo

d)

Monopolyo

29.

Anong sistemang piyudal ang nagkaloob ng lupa at mamamayan sa mga Espanyol bilang gantimpala?

a)

Reduccion

b)

Encomienda

c)

Tributo

d)

Polo y Servicio

30.

Ano ang tawag sa sapilitang pagbabayad ng buwis ng mga katutubo?

a)

Polo y Servicio

b)

Encomienda

c)

Tributo

d)

Monopolyo

31.

Ano ang tawag sa kabayaran upang makaiwas sa Polo y Servicio?

a)

Tributo

b)

Falla

c)

Monopolyo

d)

Encomienda

32.

Alin sa mga sumusunod ang mabuting epekto ng kolonyalismo?

a)

Racial discrimination

b)

Paglaganap ng Kristiyanismo sa hilaga

c)

Pag-usbong ng damdaming makabansa

d)

Sapilitang buwis

33.

Bakit ipinatupad ang Reduccion?

a)

Upang mapadali ang pamamahala

b)

Upang tumaas ang produksyon ng tabako

c)

Upang turuan ang mga Pilipino ng Espanyol

d)

Upang iwasan ang pag-aalsa

34.

Sino ang pinuno ng unang pag-aalsa sa Leyte noong 1565?

a)

Dagohoy

b)

Dagami

c)

Palaris

d)

Tamblot

35.

Sino ang pinuno ng pinakamahabang pag-aalsa laban sa Espanyol (1744-1829)?

a)

Francisco Dagohoy

b)

Andres Bonifacio

c)

Marcelo H. del Pilar

d)

Jose Rizal

36.

Ano ang ginamit na sagisag-panulat ni Marcelo H. del Pilar?

a)

Dimasalang

b)

Plaridel

c)

Laong Laan

d)

Kalipulako

37.

Sino ang tagapaglathala ng La Solidaridad?

a)

Mariano Ponce

b)

Graciano Lopez Jaena

c)

Emilio Aguinaldo

d)

Apolinario Mabini

38.

Ano ang pangunahing layunin ng mga Repormista sa kilusang Propaganda noong panahon ng mga Espanyol?

a)

Agad na makamit ang Kalayaan ng Pilipinas

b)

Magkaroon ng reporma at pantay na karapatan sa ilalim ng pamahalaang Espanyol

c)

Itatag ang isang rebolusyonaryong pamahalaan

d)

Ibagsak ang simbahan at kolonyal na sistema

39.

Paano naiiba ang Himagsikan sa Propaganda Movement?

a)

Ang Himagsikan ay tahimik na panawagan para sa pagbabago

b)

Ang Himagsikan ay rebolusyon na may armadong pakikibaka para sa kalayaan

c)

Ang Himagsikan ay ginamit upang ipagtanggol ang mga Espanyol

d)

Ang Himagsikan ay kampanya para sa edukasyon ng kababaihan

40.

Ano ang pangunahing dahilan ng mga pag-aalsa ng mga Pilipino laban sa mga Espanyol?

a)

Pag-aagawan sa teritoryo

b)

Pagtutol sa pang-aabuso at kawalan ng katarungan

c)

Pagtuturo ng Kristiyanismo

d)

Pagpapalaganap ng kalakalan

41.
  1. Ano ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa paglalayag ni Ferdinand Magellan?

  1. 1. Pagdating sa Pilipinas

  2. 2. Pag-alis sa Spain

  3. 3. Paglalaban sa Mactan

  4. 4. Pagbalik ng barkong Victoria sa Spain

a)

2 – 1 – 3 – 4

b)
  1. 1 – 2 – 3 – 4

c)
  1. 2 – 3 – 1 – 4

d)
  1. 3 – 2 – 1 – 4

42.

Ano ang tamang pagkakasunod ng mga kaganapan sa pag-aalsa ng mga Pilipino laban sa mga Espanyol?

a)

Gomburza – Sumuroy – Rizal – KKK – Propaganda

b)

Sumuroy – Gomburza – Propaganda – Rizal – KKK

c)

Sumuroy – Rizal – Gomburza – Propaganda – KKK

d)

Propaganda – Gomburza – Rizal – KKK – Sumuroy

43.

Alin sa mga sumusunod ang itinuturing na unang pag-aaklas ng mga Pilipino laban sa pang-aabuso ng mga Espanyol?

a)

Pagbitay sa Gomburza

b)

Pag-aalsa ni Sumuroy

c)

Pagpatay kay Rizal

d)

Himagsikan ng Katipunan