WorksheetsSummative Test 2 – Ikatlong Markahan – Araling Panlipunan 3
Total questions: 20
Worksheet time: 11mins
Itinayo ito bilang pag-alala sa unang engkuwentro sa pagitan ng mga sundalong Espanyol at ng rebolusyonaryong grupo ni Andres Bonifacio.
Arkong Bato
Asilo de Huerfanos
Bahay ni Dr. Pio Valenzuela
Monumento ni Andres Bonifacio
Dito naganap ang mapayapang rebolusyon bilang protesta sa pagmamalabis sa kapangyarihan ng pamahalaang pinamunuan ni Pangulong Ferdinand E. Marcos noong taong 1986
Coconut Palace
EDSA Shrine
Liwasang Rizal
Parola ng Napindan
Ito ang nagsisilbing pasukan at labasan ng Bayan ng Polo na bilang tanda ng
hangganan ng mga lalawigan ng Rizal at Bulacan
Arkong Bato
Asilo de Huerfanos
Bahay ni Dr. Pio Valenzuela
Monumento ni Andres Bonifacio
Tinawag itong “Freedom House” dahil ang parehong paksyon ng pampulitika ay maaaring gamitin ang bahay bilang isang lugar para sa kanilang lihim na pagpupulong.
Bahay na Tisa
Bitukang Manok
Bahay ni Dr. Pio Valenzuela
Pinaglabanan Memorial Shrine
Ang gusali ay nagsilbing bahay ng Tribunal ng Amerika nang sakupin ng mga
Amerikano ang Pilipinas at naging tanggapan ng Imperyal ng mga Hapones noong 1942 hanggang 1945.
Dambana ng mga Alaala
Jesus dela Pena Chapel
Kapitan Moy Residence
San Felipe Neri Church
Ito ay isang makasaysayang instrumentong natatangi sa mundo na matatagpuan sa St. Joseph Church na binubuo ng 1,031 na tubo na yari sa kawayan ang 902 nito at bakal naman ang iba.
Organong Kawayan
Simbahan ng Sta. Ana
The Philippine Veterans Museum
Manila American Memorial Cemetery
Ito ay isang nakatalabing prosenyong ampiteatro kung saan ipinapalabas ang mga katutubong sining ng ating lahi at mga sikat na konsyerto.
Ninoy Aquino International Airport
Cultural Center of the Philippines
Gusali ng Senado ng Pilipinas
Folk Arts Theater
Ito ay kilala sa tawag na “Tahanang Pilipino” na isang gusali ng pamahalaan na matatagpuan sa Sentro ng Kultura ng Pilipinas at naging opisyal na tirahan ng Bise-Presidente sa panahon ni Jejomar Binay.
Coconut Palace
EDSA Shrine
Liwasang Rizal
Parola Napindan
Ang mga lungsod na ito ay parehong nagdaraos ng kapistahan na may kaugnayan sa pagkain na tanyag sa kanilang lugar.
Caloocan at Malabon
Navotas at Valenzuela
Caloocan at Navotas
Malabon at Valenzuela
Sa mga lungsod na ito ginaganap ang mga tradisyong Buling-Buling Festival at Panatang Sayaw o Bailes de los Archos na parehong nilalahukan ng mga dalagang nagsasayawan.
Lungsod ng Maynila at Makati
Lungsod ng Pasay at Quezon
Lungsod ng Quezon at Makati
Lungsod ng Pasay at Manila
Magkaiba ng mga isinasagawang tradisyon sa mga lungsod na ito. Ang isa ay patuloy na ginagawa ang pinakamatandang senakulo sa Pilipinas, samantalang ang isa naman ay itinatampok sa pagdiriwang ang sikat na sikat na pagkain sa lugar na ito.
Lungsod ng Pasay at Manila
Lungsod ng Pasay at Quezon
Lungsod ng Manila at Makati
Lungsod ng Quezon at Makati
Ang pahayag na ito ay nagpapakita ng pagkakatulad o pagkakaiba ng mga
lungsod ng Pasig at San Juan.
Ang mga lungsod na ito ay parehong may tradisyon na ipinagdiriwang na may
kaugnayan sa relihiyon o pananampalataya ng mga tao.
Nagdiriwang ang mga lungsod na ito ng Ka-Angkan Festival at Lavandera Festival na parehong nagpapakita ng kaugalian nating mga Pilipino.
Isinasagawa sa mga lungsod na ito ang Sapatos Festival na may layunin na mapalakas ang industryia ng sapatos sa lungsod at ang Basaan Festival na ginagawa bilang pag-alala sa buhay at misyon ni San Juan.
Sa pagdiriwang ng Sapatos Festival sa lungsod ng Pasig ay itinatampok ang pangunahin nilang produkto na sapatos, samantalang sa lungsod naman ng San Juan ay ipinagdiriwang ang Itik-Itik Festival na ang itinatampok naman ay ang itik bilang pangunahing sangkap.
Ang mga lungsod na ito ay patuloy pa rin na nagpapakita ng kanilang mga pagdiriwang ang mga sinaunang kaugalian nating mga Pilipino gaya ng sinaunang tradisyon ng paglalaba, pagiging romantiko sa iniibig at ang pagiging maginoo, at ang paggamit ng pamaypay bilang isang tradisyunal na gamit pampawi ng init.
Pasay, Makati at Las Piñas
Makati, Manila at Muntinlupa
Malabon, Valenzuela, Quezon at Pateros
Mandaluyong, Marikina, Caloocan at Parañaque
Ito ay isang magandang katangian na parehong tinataglay ng mga naninirahan sa CALABARZON at ng mga taga-NCR. Sila ay gumagamit ng “po” at “opo” sa pakikipag-usap sa mga nakatatanda.
magalang
masipag
matapat
matipid
Isa ito sa mga tradisyon ng mga Caviteño at Pasayeño at ginagawa nila ito bago ang pagsapit ng Araw ng Pasko.
Harana
Pamamanhikan
Penitensiya
Simbang Gabi
Ang tradisyon na pagdiriwang tuwing buwan ng Disyembre ng mga Kapampangan at taga taga Las Pinas. Isa itong Festival.
Lantern
Malatarlak
Palay
Palis Lasa
Isa sa mga pinaniniwalaan ng mga tao sa Rehiyon 3 at taga-NCR ang hindi pagkanta sa harap nito dahil may masamang mangyayari o hindi makapag-aasawa.
kalan
kaldero
kawa
kawali
Ang Lungsod ng Marikina ay katulad ng lalawigan ng Laguna na itinatampok ang produkto sa kanilang pagdiriwang.
damit
pagkain
sapin sa paa
walis
Ang mga mamamayan sa Lungsod ng San Juan at lalawigan ng Quezon ay parehong nagbubuhusan nito sa kanilang isinasagawang pagdiriwang.
barya
bulaklak
tubig
ulan
Ang chicharon na ito ay kilala sa Tarlac at siyang itinatampok sa kanilang Chicharon Iniruban Festival tulad ng kilala naman ang Pansit Malabon sa Lungsod ng Malabon.
chicharon bagnet
chicharon baboy
chicharon bulaklak
chicharon kropek
