Worksheets(Q3) 5-Pansariling Salik sa Pagpili ng Kurso o Bokasyon sa SH
Total questions: 15
Worksheet time: 15mins
Ang mga sumusunod ay mga pansariling salik na kinakailangang bigyang pansin sa pagpili ng kurso sa SHS o kolehiyo, MALIBAN sa:
Mithiin
Talino
Hilig
Katayuang Pinansyal
Ang People Skill ay kabilang sa anong pansariling salik sa Pagpili ng Kurso o Track?
Kasanayan
Talento
Hilig
Mithiin
Alin sa mga sumusunod ang unang hakbang sa pagpaplano ng iyong kukuning track sa SHS?
Pagsusuring Pansarili
Pag-enrol sa SHS
Pagpili ng paaralan
Pagpapatahi ng Uniporme
Sa resulta ng Multiple Intelligence Survey ni Ranna, nakakuha siya ng pinakamataas na iskor sa Bodily Kinesthetic. Ano ang ibig sabihin nito?
Siya ay mahilig sa pag-awit at pagtugtog ng musical instruments.
Siya ay may talento sa pagkulay at pagguhit ng mga anyo.
Siya ay matalino sa numero at problem solving.
Siya ay mayroong talento sa pagsayaw at mayroong mahusay na koordinasyon sa kanyang isip at kilos.
Ayon kay Jurgen Habermas, Alemang pilosoper, ang tao ay nilikha upang makibahagi sa buhay-sa-mundo (lifeworld). Kung gayun, ang tao ay inaasahang:
maging makasarili
makipagkapuwa
makialam
magpakitang-gilas
Bakit mahalagang maitugma ang taglay na talento, kasanayan, hilig at pagpapahalaga sa iyong trabaho?
Makakamit mo ang kagalingan at produktibong paggawa.
Kikita ka ng malaki.
Kakaingitan ka ng lahat.
Mas marami kang magagawang hanapbuhay.
Ito ay pambihirang biyaya at likas na kakayahang taglay ng tao.
Kakayahan
Talento
Kapangyarihan
Kasanayan
Ang taglay na ____________ ay tumutukoy sa mga bagay o gawaing ikaw ay mahusay o magaling.
Talento
Hilig
Kasanayan
Propesyon
Ang mga taong may mataas na interes sa kalayaan, pagkamalikhain at paggamit ng imahinasyon ay maituturing na:
Artistic
Investigative
Realistic
Conventional
Si Justin ay mahusay sa pagbuo ng mga gamit, pagbutingting at pagaayos ng mga makina. Siya ay nagtataglay ng kasanayang:
Data Skills
People Skills
Things Skills
Idea Skills
Mahalaga kay Janna na matapos agad ang kanyang pagkukumpuni ng makina. Mas gusto niyang gumawa ng tahimik at nag-iisa. Anong pagpapahalaga ang tinataglay niya?
Competition
Working Alone
Creativity
Recognition
Bakit mahalagang mapili mo ang nababagay na track o kurso sa iyo?
Upang magkaroon ng makabuluhang buhay.
Upang maging produktibong manggagawa.
Upang ikaw ay makabahagi sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.
Lahat ng nabanggit.
Tumutukoy ito sa iyong paboritong gawain, kinagigiliwan at gusto mong ginagawa nang hindi nakararamdam ng pagod o suya.
Hilig
Trabaho
Utos
Kakayahan
Si Vince ay mayroong natatanging talino sa matematika, mahusay at mahilig siya sa pagkukumpuni ng mga sirang gamit o makina. Ano ang tugmang SHS strand sa kanya?
STEM
HUMSS
TVL
ICT- Programming
Mahusay sa klase si Arthur, nais niyang maging Doktor ngunit kapos sila sa pinansyal. Alin sa mga sumusunod ang HINDI niya maaaring gawin?
Kung kakayanin, mag-working student.
Humanap ng sponsorship o scholarship.
Kumuha muna pansamantala ng ibang kursong kaugnay ng medisina, magtrabaho at mag-aral muli.
Limutin na lamang ang pangarap at kumuha ng kursong kaya ang tuition.
