wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA CLE/ESP 10

Total questions: 40

Worksheet time: 40mins

Name
Class
Date
1.

Sinasagot nito ang tanong na: Ano ang magagawa ko para sa bayan at sa kapuwa ko?

a)

kabayanihan

b)

pagsunod sa batas

c)

kalayaan

d)

katarungan

2.

Alin ang hindi kabilang sa mga pagpapahalagang dapat linangin upang tuwirang maisabuhay ang pagmamahal sa bayan?

a)

Paggalang at pagmamahal

b)

Katahimikan at kapayapaan

c)

katotohanan at pananampalataya

d)

katarungan at pagkakaisa

3.

Alin ang hindi angkop na kilos ng nagmamahal sa bayan?

a)

Pagiging tapat sa sarili, sa kapwa, sa Gawain at sa lahat ng pagkakataon.

b)

Pag-awit sa Pambansang Awit nang may paggalang at dignidad.

c)

Pagsisikap na makamit ang mga pangarap para guminhawa ang sariling pamilya.

d)

Paggawa ng paraan upang makatulong sa mga suliranin ng bansa.

4.

Ang kalikasan ay tumutukoy sa___________________.

a)

Lahat ng nakapaligid sa atin

b)

Lahat ng nilalang na may buhay

c)

Lahat ng bagay na nagpapayaman sa tao

d)

lahat ng mga salik na tumutugon sa

pangangailangan ng mga nilalang na may buhay.

5.

Ang sumusunod ay maling pagtrato sa kalikasan, maliban sa ___________.

a)

Hindi maayos na pagtatapon ng basura.

b)

Paghihiwa-hiwalay ng basura bilang nabubulok at di nabubulok.

c)

Pagtatapon ng basura sa mga anyong tubig.

d)

Pagsusunog ng basura.

6.

Ang pagiging tagapangalaga ng kalikasan ay nangangahulugang________.

a)

Paggamit sa kalikasan na naaayon sa sariling kagustuhan.

b)

Paggamit sa kalikasan ng may pananagutan.

c)

Paggamit sa kalikasan ng walang pakundangan.

d)

Paggamit sa kalikasan ng hindi isinasang-alang ang iba.

7.

Ito ang personal na ugnayan sa Diyos. Isa itong malayang desisyon na malaman at tanggapin ang katotohanan sa pagkatao.

a)

espiritwalidad

b)

pananampalataya

c)

panalangin

d)

pag-ibig

8.

Ang pagsasabuhay ng pananampalataya ng mga Muslim ay nakabatay sa limang haligi ng Islam. Ang sumusunod ay sakop nito maliban sa:

a)

pagdarasal

b)

pag-aayuno

c)

pagninilay

d)

pagsamba

9.

Ang sumusunod ay mahahalagang aral ng pananampalatayang kristiyano maliban sa:

a)

Magmahalan at maging mapagpatawad sa bawat isa.

b)

Ang Diyos ay nasa ating lahat sa bawat pagkakataon ng ating buhay.

c)

Pagpapabuti sa pagkatao sa pamamagitan ng pag-iwas sa material na bagay.

d)

Tanggapin ang kalooban ang Dios na may kagaanan at likas na pagsunod.

10.

Alin sa sumusunod ang naglalarawan ng aral ng Budismo?

a)

Pag-aayuno.

b)

Pagmamahal at pagpapatawad.

c)

Pagdarasal ng limang beses sa isang araw.

d)

Pagpapahalaga sa kabutihang panloob at mataas na antas ng moralidad.

11.

Ang sumusunod ay naglalarawan ng buhay na pananampalataya maliban sa:

a)

Kumikilala at nagmamahal sa Diyos.

b)

Naglilingkod at palagiang nananalangin sa Diyos

c)

Nagmamahal at tumutulong sa kapwa.

d)

Nagmamahal sa Diyos at nagmamahal sa kapuwa.

12.

Bakit mahalaga sa buhay ng tao ang panahon ng pananahimik o pagninilay?

a)

Upang malaman ng tao ang mensahe ng Diyos sa kaniyang buhay.

b)

Upang lumawak ang kaniyang kaalaman at magsabuhay ng aral ng Diyos.

c)

Upang lumalalim ang kaniyang pakikipag-ugnayan sa Diyos

d)

Upang lalong makilala ng tao ang Diyos at maibahagi ang kaniyang salita.

13.

“Ang nagsasabi na iniibig ko ang Dios, subalit napopoot naman sa kaniyang kapatid ay sinungaling.” Ang pahayag ay____________.

a)

Tama, dahil dapat mahalin ang kapwa.

b)

Mali,Dahil maipapakita ang pagmamahal sa Diyos sa pamamagitan ng pagdarasal at

pagsisimba.

c)

Mali, dahil ang pagmamahal sa Diyos ay maipapakita sa mabuting ugnayan sa Kaniya.

d)

Tama, dahil maipapakita lamang ang tunay na pagmamahal sa Diyos kung minamahal din ang

kapwa.

14.

Araw-araw ay nagsisimba si aling Cora at hindi nakakalimot na magdasal. Siya rin ay nagbabasa ng Bibliya bago matulog sa gabi. Kahit ganito, malupit si aling Cora sa kaniyang kasambahay. Pinarurusahan niya ito kapag sila ay nagkakamali. Nagsasabuhay ba si Aling Cora ng kaniyang pananampalataya.

a)

Oo, dahil ginagawa naman niya ang kaniyang tungkulin sa Diyos.

b)

Oo, dahil ang kaniyang pagsisimba, pagdarasal, at pagbabasa ng Bibliya ay ikinalulugod ng

Diyos.

c)

Hindi dahil siya ay nagpaparusa sa kaniyang kasambahay.

d)

Hindi dahil nababalewala ang kaniyang uganayan sa Diyos kung hindi maganda ang ugnayan sa kaniyang kapuwa.

15.

Sinasabi sa Hebreo 11:1 na “Ang pananampalataya ang siyang kapanatagan sa mga bagay na inaasam, ang Kasiguruhan sa mga bagay na hindi nakikita.” Alin sa sumusunod na pahayag ang tama ukol dito?

a)

Nagiging panatag ang tao dahil iniibig siya ng Diyos.

b)

Nagiging panatag ang tao dahil siya ay naniniwala at nagtitiwala sa Diyos.

c)

Nagiging panatag ang tao dahil siya ay umaaasa sa pagmamahal ng Diyos.

d)

Nagiging panatag ang tao dahil alam niya na hindi siya pababayaan ng Diyos.

16.

Ang malawakang pag-iiba-iba ng mga salik na nakaaapekto sa panahon na nagdudulot nang matinding pagbabago sa pangmatagalang sistema ng klima.

a)

Global Warming

b)

Climate Change

c)

Ubanisasyon

d)

Quarrying

17.

Ang patuloy na pagtaas ng temperature bunga ng pagdami ng tinatawag na greenhouse gases lalo na ang cabon dioxide sa ating atmospera.

a)

Global Warming

b)

Climate Change

c)

Urbanisasyon

d)

Quarrying

18.

Ito ay tumutukoy sa pag-uugali ng tao at mga kilos na nagpapakita nang labis na pagpapahalaga na kumita ng pera o kaya ay pagmamahal sa mga materyal na bagay sa halip na ibang mga pagpapahalaga.

a)

Urbanisasyon

b)

Komersiyalismo

c)

Global Need

d)

Hoarding

19.

Itinuturo nito ang buhay na halimbawa ng pag-asa, pag-ibig at paniniwalang ipinakita ni Hesukristo.

a)

Kristiyanismo

b)

Buddhismo

c)

Islam

d)

Hinduismo

20.

Ito ay itinatag ni Mohammed, isang Arabo. Ang mga banal na aral ay matatagpuan sa Koran.

a)

Kristiyanismo

b)

Buddhismo

c)

Isla

d)

Hinduismo

21.

Ito ay isa sa Limang Haligi ng Islam. Ayon sa mga Muslim, walang ibang Diyos na karapat-dapat pag-ukulang ng pagsamba maliban kay Allah at kay Mohammed na Kaniyang Sugo.

a)

Ang Shahadatain

b)

Ang Salah

c)

Ang Sawm

d)

Ang Zakah

e)

Ang Hajj

22.

May limang takdang pagdarasal ang Islam sa araw-araw. Ito ay paraan upang malayo sila sa tukso at kasalanan.

a)

Ang Shahadatain

b)

Ang Salah

c)

Ang Sawm

d)

Ang Zakah

e)

Ang Hajj

23.

Ito ay obligasyon ng bawat Muslim na may sapat na gulang at kalusugan ng katawan tuwing buwan ng Ramahdan.

a)

Ang Shahadatain

b)

Ang Salah

c)

Ang Sawm

d)

Ang Zakah

e)

 Ang Hajj

24.

Ito ay hindi lamang boluntaryong pagbibigay sa mga nangangailangan kundi isang obligasyong itinakda ni Allah.

a)

Ang Shahadatain

b)

Ang Salah

c)

Ang Sawm

d)

Ang Zakah

e)

Ang Hajj

25.

Ang bawat Muslim, lalaki at babae, na may sapat na gulang, mabuting kalusugan at kakayahang gumugol sa paglalakbay ay nararapat na dumalaw sa banal na lugar ng Meca, ang sentro ng Islam sa buong mundo.

a)

Ang Shahadatain

b)

Ang Salah

c)

Ang Sawm

d)

Ang Zakah

e)

Ang Hajj

26.

Ito ay nakatuon sa aral ni Sidhartha Gautama o ang Budha , na isang dakilang mangangaral.

a)

Kristiyanismo

b)

Islam

c)

Buddhismo

d)

Hinduismo

27.

Ito ay paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa Diyos.

a)

Pag-aaral ng Salita ng Diyos

b)

Panahon ng Pananahimik o Pagninilay

c)

Pagbabasa ng mga aklat tungkol sa espiritwalidad

d)

Pagsisimba o Pagsamba

e)

Panalangin

28.

Ito ay makatutulong sa tao upang makapag-isip at mauunawaan ang tunay na mensahe ng Diyos sa kanyang buhay.

a)

Pag-aaral ng Salita ng Diyos

b)

Pagbabasa ng mga aklat tungkol sa espiritwalidad

c)

Pagmamahal sa Kapuwa

d)

Pagsisimba o Pagsamba

e)

Panahon ng Pananahimik o Pagninilay

29.

Ito ay nakatutulong sa tao upang lalo pang lumawak ang kaniyang kaalaman sa Salita ng Diyos at maibahagi ito sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng kaalaman na napulot.

a)

Pagsisimba o Pagsamba

b)

Panahon ng Pananahimik o Pagninilay

c)

Pag-aaral ng Salita ng Diyos

d)

Panalangin

e)

Pagbabasa ng mga aklat tungkol sa espiritwalidad

30.

Upang lubos na makilala ng tao ang Diyos, nararapat na malaman ang Kaniyang mga turo o aral.

a)

Pagbabasa ng mga aklat tungkol sa espiritwalidad

b)

Pag-aaral ng Salita ng Diyos

c)

Pagsisimba o Pagsamba

d)

Panahon ng Pananahimik o Pagninilay

e)

Panalangin

31.

Hindi masasabi na maganda ang ugnayan ng tao sa Diyos kung hindi maganda ang ugnayan niya sa kaniyang kapuwa. Mahalagang maipakita ng tao ang paglilingkod sa kaniyang kapuwa.

a)

Pagmamahal sa Kapuwa

b)

Pagbabasa ng mga aklat tungkol sa espiritwalidad

c)

Panalangin

d)

Pag-aaral ng Salita ng Diyos

e)

Panahon ng Pananahimik o Pagninilay

32.

Malaki ang maitutulong nito sa tao para lubos nyang makilala ang Diyos sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga ito.

a)

Pagsisimba o Pagsamba

b)

Panalangin

c)

Pagbabasa ng mga aklat tungkol sa espiritwalidad

d)

Pag-aaral ng Salita ng Diyos

e)

Panahon ng Pananahimik o Pagninilay

33.

Ito ay ang pagmamahal bilang magkakapatid, lalo na sa mga magkakapamilya o maaaring sa mga taong nagkakilala at nagging malapit o palagay na ang loob sa isa’t isa.

a)

Affection

b)

Agape

c)

Eros

d)

Philia

34.

Ito ay pagmamahal ng magkakaibigan.

a)

Affection 

b)

Agape

c)

Eros 

d)

Philia

35.

Ito ay pagmamahal batay sa pagnanais lamang ng isang tao. Kung ano ang makapagdudulot ng kasiyahan sa kaniyang sarili.

a)

Affection

b)

Agape

c)

Eros

d)

Philia

36.

Ito ang pinakamataas na uri ng pagmamahal. Ito ang pagmamahal na walang kapalit.

a)

Affection

b)

Agape

c)

Eros

d)

Philia

37.

Alin ang hindi kabilang sa mga pagpapahalagang dapat linangin upang tuwirang maisabuhay ang pagmamahal sa bayan?

a)

Paggalang at pagmamahal

b)

Katotohanan at pananampalataya

c)

katahimikan at kapayapaan

d)

katarungan at pagkakaisa

38.

Paano nakahahadlang ang pandaraya at pagkamakasarili sa pag-unlad ng isang bayan gayundin sa pagka-Pilipino natin?

a)

Hindi ito nagpapahayag ng pagmamahal sa bayan.

b)

Masamang matutuhan ng mga batang Pilipino.

c)

Nawawala ang kapayapaan sa bayang sinilangan.

d)

Nakaaapekto sa mabuting pakikipagkapuwa.

39.

Ano ang paraan na maaaring gawin ng isang simpleng mamamayan bilang tagapamahala at tagapangalaga ng kalikasan?

a)

Magtapon ng basura sa tamang tapunan.

b)

Magpatupad ng mga batas.

c)

Magkaroon ng pagkukusa at maging disiplinado.

d)

Maging mapagmasid at matapang sa pakikipaglaban para sa bayan.

40.

Ano ang pangunahing dahilan kung bakit kailangan ng tao na pangalagaan ang kalikasan?

a)

Sa kalikasan nanggagaling ang mga materyal na bagay na bumubuhay sa kaniya.

b)

Responsibilidad itong ipinagkatiwala sa kaniya na dapat niyang gampanan.

c)

Ang kalikasan ay kakambal ng kaniyang pagkatao; ito ang bubuhay sa kaniya at bilang kapalit, kailangan niya itong alagaan at pahalagahan.

d)

Sa kalikasan nakadepende ang hinaharap ng tao dahil sa biyayang taglay nito.