WorksheetsESP2 Q3 ASSESSMENT
Total questions: 30
Worksheet time: 23mins
Kinakain ni Jona ang gulay na inihahain ng kanyang Nanay. Anong karapatan ang tinatamasa nito ?
Mabigyan ng sapat na edukasyon.
Mapaunlad ang kasanayan.
Magkaroon ng sapat na pagkain at malusog na katawan.
Hindi nakikinig sa pari ang mga batang nagsisimba. Sila ay paikot-ikot lamang sa loob ng simbahan. Tama ba ang kanilang ginagawa?
Hindi po, sapagkat magagalit ang pari.
Hindi po, dapat igalang ang pook-sambahan.
Opo.
Ang kapitbahay mong kasing-edad mo lang ay namamalimos sa kalye at nag-aalaga ng kapatid na maliit. Anong karapatan ang hindi niya natatamasa?
Karapatang makapag-aral.
Karapatang mapaunlad ang kakayahan.
Karapatang makapagpahayag ng sariling pananaw.
Nakakapaglaro si Tommy kasama ang kaniyang mga kaibigan. Kumakain din siya ng masustansiyang pagkain. Anong karapatan ang natatamasa ni Tommy?
Karapatang makapag-aral.
Karapatang mabuhay.
Karapatang maging malusog.
Paano mo maipapakita ang paggalang sa karapatan ng iyong kaklase?
Hindi ko siya kakaibiganin.
Kukunin ko ang kanyang lapis na di nagpapaalam.
Bibigyan ko siya ng baon kong tinapay kapag may sobra.
Paano mo maipakikita ang iyong pasasalamat sa pagtatamasa ng mga karapatan?
Magbibigay-galang sa mga nakatatanda.
Tatakas sa bahay kapag inuutusan.
Matutulog habang nagtuturo ang guro.
Paano mo maipakikita ang iyong pasasalamat sa magulang?
Susundin ko ang kanilang mga utos.
Magpapabili ako ng maraming damit at laruan.
Manonood ako ng TV kahit may takdang-aralin.
Isang araw sa iyong paglalakad ay nauhaw ka. Bumili ka ng isang bote ng mineral water sa tindahan. Ano ang dapat mong gawin sa bote ng mineral water?
Itatapon sa kanal.
Susunugin ko na lang ito.
Itatapon ko sa tamang lalagyan.
Gumagamit ka ng papel sa paaralan. Bakit kailangang tipirin ito?
Dahil ang papel ay galling sa mga puno.
Dahil ang papel ay ginagamit araw-araw.
Dahil wala kaming perang pambili ng papel.
Nakita mong pinitas ng iyong kaklase ang bulaklak sa harapan ng inyong paaralan. Isusumbong mo ba siya sa inyong guro?
Hindi po, kasi baka magalit siya.
Opo, kasi hindi tama ang kaniyang ginawa.
Hindi po, kasi wala po akong pakialam sa kaniya.
May proyekto ang paaralan tungkol sa paghahalaman sa tahanan. Maliit lamang ang inyong bakuran. Ano ang dapat mong gawin?
Magtatanim ako sa paso.
Hindi na lang ako magtatanim.
Magtatanim ako sa kapitbahay.
Nagpicnic kayo sa tabi ng Ilog Marikina kasama ang buong pamilya. Matapos kumain, iniligpit ng iyong nanay ang mga ginamit sa pagkain at hinakot ng iyong tatay ang ibang gamit sa inyong sasakyan. Ano ang dapat mong gawin?
Papanoorin ko sila sa kanilang ginagawa.
Tatawagin ko ang janitor upang linisin ang lugar na ginamit.
Pupulutin ko ang mga basurang nakakalat at itatapon sa tamang lalagyan.
Lagi na lang hindi nagbubuhos ng inidoro ang iyong kaklase pagkatapos gumamit. Pagsasabihan mo ba siya?
Hindi po, baka magalit siya sa akin.
Opo, sapagkat mali ang kaniyang ginagawa.
Hindi po, dahil hindi naman ako ang guro.
Nakita mong inaapakan ng ibang bata ang mga damo sa parke. May nakasulat na “Huwag Tapakan”. Ano ang dapat mong gawin?
Panonoorin ko sila.
Makikisali ako sa kanilang ginagawa.
Sasabihin ko sa kanila na ingatan ang mga halaman.
Pinagwalis kayo ng inyong guro sa likuran ng inyong silid-aralan. Ano ang dapat mong gawin sa tuyong dahong inyong naipon?
Susunugin namin.
Itambak sa puno ng kahoy.
Itatapon sa compost pit para maging pataba sa halaman.
Nakita mo ang bagong tanim na gulay sa inyong paaralan na nalalanta dahil nakalimutan itong diligan. Ano ang dapat mong gawin?
Puputulin ko ang halaman.
Didiligan ko ito upang mabuhay.
Pabayaan ko ito para lalong matuyo.
Pauwi na sina Pam at Lita. Kulay pula ang ilaw trapiko sa tawiran. Ano ang gagawin nila upang makatawid?
Tumuloy agad sa pagtawid.
Tumawid sa maling tawiran.
Maghintay na magkulay berde ang ilaw sa pagtawid.
Tulong tulong ang inyong pamilya sa paglilinis ng bakuran kapag araw ng Sabado. Ano ang dapat mong gawin sa mga basura?
Ipapaanod ko sa ilog ang mga basura.
Pabayaan ko sila na tapusin ang gawain.
Paghihiwalayin ko ang nabubulok at di-nabubulok na basura.
Paano mo maipakikita ang pagiging ehemplo ng kapayapaan?
Masaya akong makikipaglaro sa mga bata.
Lagi akong magsusumbong sa aking guro
Hindi ako pipila sa pagpunta sa canteen.
Nanonood ka ng paborito mong cartoon sa TV. Dumating ang nanay mo galling trabaho at gusto niyang manood ng balita. Ano ang dapat mong gawin?
Hindi ko na lang papansinin dahil ako naman ang naunang manood.
Ililipat ko muna ang TV sa balita. Mamaya na lang ako manood ng cartoons.
Magpapabili ako ng sarili kong TV sa Nanay ko.
Ito ay nadarama ng bawat bata kung natatamasa at natatanggap nila ang kanilang karapatan.
kakulangan
kasiyahan
katamaran
May natatangi kang kakayahan, karapatan mong ito ay _____.
mapaunlad
mabigyang-pansin
maipakita
Ano ang katumbas ng karapatang tinatamasa ng bawat bata?
hangarin
pangarap
tungkulin
Ano ang dapat nating tugon sa mga karapatang laging natatamo?
panalangin
pananawagan
pasasalamat
Dinadala ka ng nanay mo sa doctor upang ipagamot.
Karapatang kumain
Karapatang mabuhay
Karapatang maging malusog
Nagsisimba ang pamilya tuwing Linggo.
Karapatan sa sariling relihiyon
Karapatang mag-aral
Karapatang mahalin
Sumasali ka sa paligsahan ng pag-awit, pagsayaw, o pagpinta.
Karapatang paunlarin ang kakayahan
Karapatang maging masaya.
Karapatang maglaro.
Nag-aaral sa pampublikong paaralan ang mga anak ni Aling Nelly.
Karapatang mag-aral
Karapatang mabuhay
Karapatang maglibang
Ang paaralan ay nagbibigay sa atin ng karapatang matutong magbasa, magsulat at magbilang. Alin sa mga ito ang dapat gawin upang mapangalagaan ang ating paaralan?
Itatapon ko ang aking basura sa tamang lagayan.
Iihi ako sa pader kapag sarado ang kubeta ng paaralan.
Didikitan ko ng kung annu-anong larawan ang aking upuan.
Gustong-gusto mong matutong maggitara ngunit wala kayong perang pambili ng gitara. Ano ang dapat mong gawin?
Iiyak ako upang ibili ako ng gitara.
Magbabago na lang ako ng hilig.
Manghihiram na lang ako sa aking kaibigan.
