NEW
Font size
WorksheetsIkatlong Markahang Pagsusulit sa Araling Panlipunan 8
Total questions: 35
Worksheet time: 35mins
Lahat ng sumusunod na pahayag tungkol sa mga Bourgeoisie ay totoo maliban sa:
Mayayaman at kabilang sila sa uring nobilidad at kaparian.
Tinagurian silang “Middle Class” o panggitnang uri.
Nagsimula sila na mga mangangalakal sa mga bayan at lungsod.
Nakatulong sila sa pagbubunsod ng rebulusyong pampolitika at pang-ekonomiya.
Ano ang pinagkaiba ng pamumuhay ng Bourgeoisie sa pamumuhay ng Aristokrasya?
Ang daigdig ng Bourgeoisie ay nakapaloob sa manor at simbahan.
Ang mga Bourgeoisie ay hindi nakatali sa mga panginoong may lupa.
Ang yaman ng mga Bourgeoisie ay nangagaling sa lupa.
Ang mga Bourgeoisie ay hindi nakikisangkot sa “kalakalan”.
Ang lakas ng Bourgeoisie at bunga ng kayamanan at bunga ng pakikipag-alyansa nila sa ________ laban sa landlord?
Hari
Kabalyero
Vandal
Vassal
Alin sang hindi kabilang sa mga propesyon ng mga Bourgeoisie?
Banker
Ship owner
Landlord
Wala sa nabanggit
Alin ang naglalarawan sa sitemang Merkantilismo?
Nakatuon ito sa pag-iipon ng mga hilaw na materyales.
Mas binibigyang-diin nito ang pagluluwas kaysa pag-aangkat ng produkto.
Hindi ito nasisiyahan sa angking dami ng ginto at pilak.
Ang sistema ng
pamamahala sa pangangalakal at ang sistemang
ibinunga nito.
Ang mga sumusunod ay katangian ng Nation-State maliban sa…….
Ito ay pinananahanan ng mga mamamayan na may iisang wika, kultura, relihiyon, at kasaysayan.
Ito ay may tiyak na teritoryo.
Ito ay may sentralisadong pamahalaan.
Wala itong hukbo ng propesyunal na sundalo na tapat sa hari.
Inilahad niya ang “Heliocentric Theory”.
Copernicus
Newton
Machiavelli
Galilei
Ipinaliwanag nya kung bakit bumabalik sa lupa ang lahat ng ihagis paitaas.
Copernicus
Newton
Machiavelli
Galilei
Bakit may mga nagsasabi na ang Renaissance ay hindi indikasyon ng pagwawakas ng Middle Age?
Dahil hindi naman talaga nagwakas ang “Middle Age”.
Dahil hindi naman talaga isang mahalagang pangyayari ang Renaissance, at ang pagtatapos ng Middle Age ay nagsimula nang bumagsak ang Banal na Imperyo ng Rome.
Dahil hindi lahat ng mga sinasabing mahahalagang pangyayari sa Renaissance ay sabay-sabay magkakasunod na nangyari sa loob ng isang panahon.
Wala sa nabanggit
Ang kaganapang yumanig sa kakristiyanuhan noong 1400-1700 na humantong sa pagkakahati-hati ng Simbahang Kristiyano ay tinatawag na:
Repormasyon
Kontra-Repormasyon
Enlightenment
Renaissance
Ayon sa Romans 1:17 ng Bibliya, “Ang pagpapawalang-sala ng Diyos sa mga tao ay nagsisimula sa pananampalataya, at ang naging ganap sa pamamagitan ng pananampalataya.” Ayon kay Martin Luther, alin ang tumataliwas sa bersikulong ito?
Pagpapakumpisal sa mga Katoliko
Paghingi ng ikapo mula sa mga Katoliko
Pagbibili ng indulhensya
Pagpapabinyag
Ano ang Inquisition?
Pagpapalining sa mga hari at reyna sa sagradong libingan.
Pakikipagdigma ng mga Kristiyano laban sa mga Muslim.
Lupon ng mga kawani ng simbahan na humahatol sa mg erehe/ heretiko.
Pagtitiwalag sa isang kasapi ng Simbahang Katoliko.
Ano ang naimbento ni Thomas Edison?
Telepono
Telegrapo
Gravitational force
Bumbilya
Saan nagsimula ang Renaissance?
Italya
Alemanya
Pransya
Inglatera
Sino sa sumusunod na hari ng Inglatera ang nagpalakas ng mga korte ng hari at sistema ng hustisya?
William I
Henry II
John
Henry VIII
Ano ang pinirmahan ni Haring John na naglagay ng limitasyon sa kapangyarihan ng hari at nagprotekta sa karapatan ng mga vassal ng hari?
Magna Carta
Oath of Salisbury Plain
Treaty of Westphalia
English Parliament
Alin ang tamang pagkasunod-sunod ng mga hakbang na kailangan pagdaanan ng mga miyembro ng guild noon?
apprentice – journeyman – master
journeyman – apprentice – master
master – journeyman - apprentice
journeyman – master – apprentice
Ano ang tawag sa mga taong may kahusayan at talento sa iba’t ibang larangan noong panahon ng Renaissance?
Renaissance man
Renaissance genius
Renaissance idol
Renaissance hero
Alin sa sumusunod na kaganapan ang nakatulong sa pag-usbong ng mga bourgeoisie?
Panunumbalik ng kalakalan at pagbuo ng mga grupo ng mangangalakal at artisano.
Pagtatayo ng mga bayan.
Pakikipagkasundo sa mga panginoon ng manor para sa kanilang seguridad kapalit ng kanilang serbisyo.
Pagsakop ng mga bayan ng mga bourgeoisie.
Sino ang hari ng Pransya na nakipagdigma kay Haring John ng Inglatera at naging matagumpay sa pagbalik ng teritoryo ng mga haring Ingles sa Pransya?
Philip I
Philip II
Henry I
Henry II
Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa pagpupulong ng Parliyamentong Ingles?
Mga mayayaman na baron
Mga kinatawan ng simbahan
Mga kabalyero na kumakatawan sa mga probinsya
Mga dayuhan ng probinsya
Bakit itinuturing na bagong antas panlipunan ang bourgeoisie noong Gitnang Panahon?
Sila ay malaya at nabibilang sa mga magsasaka at alila.
Sila ay hindi kabilang ng dating mga mayayaman o mga aristokrata.
Hindi sila kasing yaman ng mga aristokrata ngunit hindi sila kasing hirap ng mga magsasaka.
Bigla-bigla na lamang silang sumulpot sa lipunang Europeo.
Sino ang Ama ng Humanismo?
Francesco Petrarch
Leonardo da Vinci
Martin Luther
Johannes Gutenberg
Bakit tinawag na panahon ng rebirth o muling pagkabuhay ang panahong Renaissance?
Muling nabuhay ang mga namatay na tao mula sa salot na Black Death.
Muling nagkaroon ng interes sa mga ambag ng kabihasnang Griyego at Romano.
Kumalat ang paniniwala tungkol sa reincarnation.
Nagpasya ang nakararaming tao na magbagong buhay upang maging mas mabuting mga tao.
Ano ang tawag sa gitnang uri ng lipunang malaya, nakapag-aral, at nanirahan sa mga bayan?
Bourgeoisie
Merchant guild
Craft guild
Apprentice
Tukuyin kung TAMA o MALI ang mga sumusunod na pangungusap o pahayag.
Si Francesco Petrarch ang “Ama ng Humanismo.”
TAMA
MALI
Tukuyin kung TAMA o MALI ang mga sumusunod na pangungusap o pahayag.
Isa sa mga naging epekto ng repormasyon ay ang pagkakaroon ng dibisyong panrelihiyon sa Europe kung saan ang hilaga ay naging protestante samantalang ang timog naman ay nanatiling Katoliko.
TAMA
MALI
Tukuyin kung TAMA o MALI ang mga sumusunod na pangungusap o pahayag.
May tatlong lebel na pagdadaanan ang isang tao bago maging ganap na kasapi ng craft guild.
TAMA
MALI
Tukuyin kung TAMA o MALI ang mga sumusunod na pangungusap o pahayag.
Ayon kay Rembrandt, ang mga bourgeoisie ay may katangiang social climber.
TAMA
MALI
Tukuyin kung TAMA o MALI ang mga sumusunod na pangungusap o pahayag.
Ang pangunahing interes ng bourgeoisie ay ang pagpapayabong ng kanilang mga negosyo o ng kanilang propesyon.
TAMA
MALI
Tukuyin ang inilalarawan sa bawat pangungusap. Piliin sa kahon ang tamang sagot.
Akdang nagbigay tolerasyon sa relihiyon.
Konseho ng Trent
Edict of Nantes
John Calvin
Santo Papa
Martin Luther
Tukuyin ang inilalarawan sa bawat pangungusap. Piliin sa kahon ang tamang sagot.
Konsehong itinalaga upang gumawa ng reporma sa simbahan
Konseho ng TrenT
Edict of Nantes
John Calvin
Heswita
Martin Luther
Tukuyin ang inilalarawan sa bawat pangungusap. Piliin sa kahon ang tamang sagot.
Pranses na pastor at Repormista.
Edict of Nantes
John Calvin
Santo Papa
Heswita
Martin Luther
Tukuyin ang inilalarawan sa bawat pangungusap. Piliin sa kahon ang tamang sagot.
Pinakamataas na posisyon sa Simbahang Katoliko.
Konseho ng Trent
Edict of Nantes
Santo Papa
Heswita
Tukuyin ang inilalarawan sa bawat pangungusap. Piliin sa kahon ang tamang sagot.
Kilala din sa tawag na Society of Jesus.
Konseho ng Trent
Edict of Nantes
John Calvin
Heswita
