WorksheetsFilipino 2 Assessment Test ( Q3 )
Total questions: 30
Worksheet time: 30mins
Nagpunta kami sa probinsya para kumustahin ang aking lolo na si Lolo Jun.
Ano ang pangngalang pantangi sa pangungusap?
Lolo Jun
lolo
probinsya
Ang batang si Angelina ay nag-aaral sa tulong ng kanilang magulang. Ano ang pangngalang pantangi na nabanggit sa pangungusap?
magulang
nag-aaral
Angelina
Si Jenny ay nagpunta sa zoo noong nakaraang Enero. Ano ang pangngalang pambalana sa pangungusap?
zoo
Enero
Jenny
Sa pangungusap sa ibaba, alin ang halimbawa ng panghalip?
Siya ay kumain ng kendi kaya sumakit ang kaniyang ngipin kagabi.
siya
kendi
kumain
1. Ang pangalan ng aking mga kalaro ay Pia, Sam at Res. ____ ay mababait at masisipag na mga bata.Anong panghalip ang angkop para mabuo ang diwa ng pangungusap?
ako
siya
sila
Dahil sa kakulitan ni Marta, siya ay nadapa at nasugatan sa tuhod.
Ano ang naging sanhi ng pagkadapa ni Marta batay sa pangungusap?
siya
tuhod
kakulitan
Ano ang maaring bunga kung ikaw ay nagtatapon ng basura sa kanal?
Hindi magagalit ang iyong nanay
Magiging masaya ang iyong kapitbahay
Hindi makakaagos nang maayos ang tubig sa kanal
Alin ang nagpapakita ng ugnayan ng sanhi at bunga?
Si Marta
Nakapagpasa siya sa takdang oras
Masipag magsagot ng modyul si Marta kaya nakakapagpasa siya sa takdang oras.
Si Paolo ay nagmamano sa kaniyang lolo at lola tuwing bibisita sila sa probinsya. Siya ay gumagamit ng po at opo sa pakikipag-usap sa kaniyang magulang at mga kapatid. Anong katangian ni Paolo ang inilalarawan sa talata?
masinop
magalang
mapagmahal
Pagkatapos magsagot ni Cha Cha ng modyul, tumutulong siya sa kaniyang nanay sa paggawa ng gawaing bahay. Anong angkop na katangian ang ipinapakita sa sitwasyon?
malinis
masayahin
matulungin
“Yehey! Mataas ang nakuha ko sa aming pagsusulit.” Ano ang ipinapahiwatig na damdamin sa pangungusap?
masaya
nagagalit
malungkot
Ang paboritong pusa ni Ruru ay namatay kanina. Ano ang akmang damdamin ni Ruru sa sitwasyon?
matakot
magalit
malungkot
Noong nagdaan ang bagyong Ulysses, naranasan ninyong mabaha at masira ang ilang gamit. Nabalitaan mo na may paparating na naming bagyo, ano dapat mong gawin?
Maghahanda nang mabuti at ayusin ang mga gamit.
Hindi tutulungan ang magulang sa pag-aayos ng aming gamit.
Hayaan ang mga magulang na maghanda ng mga gamit dahil malalaki na sila.
Alin sa sumusunod na mga salita ang may tamang baybay?
kosena
kusena
kusina
Sa pangungusap sa ibaba, alin ang may maling pagbabaybay?
Namumulaklak na ang mga bulaklak na tinanim niAte sa bakoran.
ate
bakoran
namulaklak
Pag-aralan ang awit. (Para sa tanong bilang 16 at 17)
BAHAY KUBO
Bahay kubo, kahitmunti
ang halaman doon ay sari-sari.
Singkamas at talong, sigarilyas at mani
sitaw, bataw, patani.
Kundol, patola, upo’tkalabasa
at sakamayroon pa, labanos, mustasa.
Sibuyas, kamatis, bawang at luya.
Sa paligid-ligid ay puro linga.
Batay sa awiting bahay kubo, anong salita ang katugma ng kalabasa?
munti
linga
mustasa
Ano ang katugma ng salitang patani?
luya
mani
kalabasa
Masarap ang luto ni Nanay na adobo. Anong pang-uri na ginamit sa pangungusap?
luto
nanay
masarap
Masaya ang dalawang bata dahil sa bagong sapatos na bili ni Ate.
Alin ang salitang naglalarawan sa sapatos?
masaya
bago
dalawa
Maraming kabahayan ang nasira dahil sapananalanta ng bagyo sa aming lungsod. Ano ang pang-uring pamilang na ginamit sa pangungusap?
bagyo
marami
lungsod
Ito ang pinag-uusapan o tinutukoy sa isang talata o tula.
paksa
tula
kuwento
Ito ay binubuo ng dalawa o higit pang pangungusap na pinag-uugnay ng isang paksa o kaisipan.
paksa
parirala
talata
Ang mga bata ay masayang naglalaro.” Ito ay isang halimbawa
ng ____
pangungusap
salita
parirala
“Kapaligiran” Ito ay isang halimbawa ng ___
pangungusap
salita
parirala
Ang Paaralan ng STO.NIŃO ay malinis.”
Ang salitang naglalarawan sa pangungusap ay___
malinis
paaralan
STO.NINO
Saan madalas makikita ang sumusunod na mga babala?
“Bawal Pumitas ng Bulaklak”
sa parke
sa palengke
sa kalsada
Saan makikita ang babalabg ito?
Bawal Mag-ingay sa Silid – aklatan”
sa tahanan
sa paaralan
sa parke
Anong pantig ang pwedeng ipalit upang makabuo ng bagong salita?
dahon = ____hon
ka
ba
ta
maganda= ma___da
ma
tan
ban
Sabay-sabay kaming nagpupunta _______ upang magdasal at magpasalamat sa Dakilang Lumikha.
simbahan
parke
palaruan
