WorksheetsAP7 Reviewer
Total questions: 60
Worksheet time: 2hrs 0mins
Ano ang kinaroroonan at ang unang salik sa paghahati ng mga rehiyon sa Asya?
Kasaysayan
Klima
Kultura
Lokasyon
Kumpletuhin ang analohiya. Saudi Arabia: Kanlurang Asya, Pilipinas:__________
Hilagang Asya
Kanlurang Asya
Silangang Asya
Timog-Silangang Asya
Bakit namayani ang pananaw na Eurocentric sa Asia?
tinanggap ng mga Asyano ang kultura ng mga Kanluranin
sinakop ng mga Kanluranin ang mga bansa sa Asia
dahil may mga Asyanong nakapag-aral sa Europa
dahil mas mababa talaga ang Asyasentrikong pananaw
Kazakhstan: Hilagang Asya, China:__________
Hilagang Asya
Kanlurang Asya
Silangang Asya
Timog-Silangang Asya
Bakit mahalagang malaman at maunawaan ng mga Asyano ang mga likas na yaman ng Asia?
upang maisulong ang kaunlaran
upang magkaroon ng maayos na pamumuhay
upang mapakinabangan ang mga ito
upang magamit ito sa pakikipagkalakalan
Ang Asya ay mayaman sa malawak na lupain. Ano ang pangunahing ikinabubuhay ng mga Asyano?
pagmimina
pagsasaka
pagtotroso
pangingisda
Bakit Japan ang nangunguna sa pagpo-produce ng mga isda sa Asya?
dahil mahilig kumain ng isda ang mga Hapones
dahil dito matatagpuan ang pinakamalaki at pinakamodernong industriya ng pangingisda
dahil walang masyadong kabundukan sa Japan
dahil walang ibang hanapbuhay ang mga Hapones kundi pangingisda
Bakit itinuturing na makasasama ang sobrang pangingisda sa dagat?
masasayang ang mga huling isda
mamamatay ang mga nahuling maliliit na isda
mauubos ang mga binhing isda
walang masyadong bumibili ng isda
Paano nasolusyunan ng bansang India ang matinding tagtuyot noong 1965?
sa pamamagitan ng pagbili ng butil ng palay mula sa ibang bansa
sa pamamagitan ng pagtatanim ng wheat
sa pamamagitan ng pagpaparami ng ani ng trigo
sa pamamagitan ng paggamit ng makabagong pamamaraan ng pagsasaka
Paano itinuturing na sagrado ng mga Asyano ang Ilog Ganges?
nag-aalay sila ng mga dasal dito
nagsasagawa sila ng mga ritwal dito
nagdadaos sila ng mga pista dito
inaalayan nila ito ng pagkain
Ano ang tawag sa sangay ng agham panlipunan na nag-aaral at sumusukat sa paglaki ng populasyon?
Biology
Botany
Demography
History
Anong bansa sa Asia ang may pinakamalaking bilang ng populasyon?
China
India
Japan
Pilipinas
Bakit masasabing nakasasama rin sa isang bansa ang pagkakaroon ng malaking bilang ng populasyon?
dahil nagagamit ng lubusan ang mga likas na yaman
hindi na kayang tugunan ng bansa ang mga pangangailangan ng tao
naaabuso na ang kapaligiran
nagkukulang ang badyet ng pamahalaan dahil sa mga pangangailangan
Paano nakaaapekto ang pamahalaan sa literacy rate ng isang bansa?
Kakayahan ng pamahalaan na makapagbigay ng serbisyong edukasyon sa bansa
Kakayahan ng pamahalaan na makapagbigay ng sapat na trabaho sa mamamayan
Pagbibigay ng programa ng pamahalaan tungkol sa family planning
Pagbibigay ng pamahalaan ng libreng pabahay para sa mamamayan
Anong relihiyon ang may paniniwala sa iisang diyos na si Yahweh?
Confucianismo
Islam
Judaismo
Shintoismo
Anong relihiyon ang may paniniwala kay Muhammad at kay Allah?
Confucianismo
Islam
Judaismo
Shintoismo
Paano namuhay ang mga Tsino base sa kanilang paniniwala?
naniwala silang ang kanilang bansa ang sentro ng lahat
umiwas sila sa mga bayolenteng pamamaraan
naniniwala sila na si Buddha ang kanilang diyos
simple ang pamumuhay nila at sumusunod sa mga turo ni Confucius
Paano isinasagawa ng mga Muslim ang Salat?
sa pamamagitan ng pagbibigay tulong sa mahihirap
sa pamamagitan ng pagdarasal ng limang beses sa isang araw
sa pamamagitan ng hindi pagkain, pag-inom at pag-iwas sa mga nakasisiyang Gawain
sa pamamagitan ng paglalakbay sa Mecca
Tukuyin ang tamang pagkakasunod-sunod ng panahong prehistoriko.
Mesolitiko – Paleolitiko – Panahon ng Metal – Neolitiko
Neolitiko – Paleolitiko – Mesolitiko – Panahon ng Metal
Panahon ng Metal – Neolitiko – Mesolitiko – Paleolitiko
Paleolitiko – Mesolitiko – Neolitiko – Panahon ng Metal
Sa anong prehistorikong panahon natuklasan ng tao ang agrikultura?
Mesolitiko
Neolitiko
Paleolitiko
Panahon ng Metal
Paano namumuhay ang mga tao noong Panahong Paleolitiko?
sa pamamagitan ng paggamit ng magagaspang na bato at umaasa sa kapaligiran
sa pamamagitan ng pag-aalaga ng mga hayop na pinagmumulan ng karne
sa pamamagitan ng pangingisda at paggamit ng makinarya
sa pamamagitan ng paglusaw ng iba’t ibang elemento at pagkakatuklas ng metal
Paano natuklasan ng mga tao ang metal?
Dahil sa mga elementong nalusaw dahil sa pagsisiga sa tabi ng kabundukan
Lumikha sila ng mga piguring putik
Tinamaan ng kidlat ang mga bato na ginagamit nila at nakalikha ito ng apoy
Tumama ang ginagamit nilang magagaspang na bato sa pangangaso at nag-apoy
Sino ang kauna-unahang gumamit ng cuneiform?
Akkadian
Assyrian
Persian
Sumerian
Paano sinusulatan ang clay tablet?
sa pamamagitan ng paggamit ng lapis
sa pamamagitan ng paggamit ng stylus o matulis na patpat
sa pamamagitan ng matutulis na espada na kinuha mula sa mga digmaan
sa pamamagitan ng paggamit ng pluma
Saan sumasamba ang mga Sumerian?
Haggai
Patesi
Ur
Ziggurat
Sino ang nagtatag ng pinakaunang imperyo sa buong mundo?
Ashurbanipal
Cyrus the Great
Hammurabi
Sargon I
Bakit itinuturing na isang mahalagang ambag ng Babylonian ang Kodigo ni Hammurabi?
dahil dito ay nalaman ng mga tao ang tungkol sa mga tabletang luwad
dahil pinagtipon at inorganisa ni Hammurabi ang mga batas na umiral sa Mesopotamia
dahil nalaman ng mga tao ang mga sikreto ni Hammurabi sa Babylonia
dahil dito ay nakagawa sila ng iba’t ibang digmaan laban sa ibang kabihasnan
Bakit itinayo ng mga Chaldean ang Tower of Babel?
sa kagustuhang marating ang langit
sa kagustuhang maging pinakamataas sa buong mundo
sa kagustuhang mahanap si Hesus
sa kagustuhang maging magaling sa larangan ng arkitekto
Bakit tinawag ng mga Tsino ang kanilang bansa na Gitnang Kaharian?
dahil naniniwala silang sila ang pinakamakapangyarihang kaharian
dahil naniniwala silang ang ating mundo ay pantay
dahil naniniwala silang ang ating mundo ay bilog
dahil sa paniniwalang ang lahat ng pangyayari sa mundo ay nakasentro sa kanila
Paano nagkakatulad ang mga sibilisasyong sumibol sa Asya?
pare-pareho sila ng paraan ng pagsulat
magkakatulad ang kanilang sistemang politikal
bawat isa ay nagpakita ng kakayahan ng mga tao sa paggamit ng likas na kayamanan
nabuhay nang sama-sama ang mga tao sa pamamagitan ng maayos na pamayanan
Ano ang tawag sa kaisipang Asyano na nakatulong sa paghubog ng sinaunang mga kabihasnan sa Asya?
Asyasentriko
Confucianismo
Eurosentriko
Shintoismo
Paano naipakilala ang kaisipang Sinosentrisimo ng bansang China?
sa paniniwalang ang kanilang diyos ay anak ng hari
sa paniniwalang ang mundo ay isang gulong na pinaiikot ng isang diyos
sa paniniwalang ang kanilang kabihasnan ang pinakamataas sa lahat
sa paniniwalang ang kanilang hari ay mayroong basbas ng diyos
no ang tawag sa makabuluhang panahon sa kasaysayan ng Mesopotamia?
Panahon ng Neo-Babylonia
Panahon ng Sumer
Panahon ng mga Assyrian
Madilim na Panahon
Paano napamunuan ni Darius the Great ang malawak na sakop ng Imperyong Persian?
hinayaan niya ang mga mamamayan na ipagpatuloy ang nakagisnang kultura
ang mga teritoryo ay hinati sa mga satrapy
ipinatupad niya ang pagkakaroon ng pare-parehong pananalapi
nagpatayo siya ng mga estruktura tulad ng tahanan ng Persepolis
Alin sa mga sumusunod ang HINDI halimbawa ng Kodigo ni Hammurabi?
Dapat igalang ng mga bata ang mga magulang.
May mga batas sa pangangalakal, pangungutang, at pag-aasawa.
Nakawan din ang sinumang magnanakaw.
Kapag sinaktan ng anak ang kanyang ama, dapat putulin ang kanyang kamay.
Alin sa mga sumusunod ang HINDI ginawa ni Haring Nebuchadnezzar?
Siyudad ng Babylon
Hanging Gardens
Siyudad ng Nineveh
Ishtar Gate
Sino ang nagpasimula sa paggawa ng Great Wall of China?
Kublai Khan
Li Yuan
Liu Bang
Shi Huangdi
Anong dinastiya sa China nagsimulang ginamit ang pera sa unang pagkakataon?
Han
Sui
T’ang
Yuan
Anong dinastiya sa China naging popular ang Chang’an?
Han
Sui
T’ang
Yuan
Paano pinamahalaan ng dinastiyang Sung ang mga kawani ng pamahalaan?
Itinalaga ang mga kawani sa lugar na hindi nila tirahan
pinagawa ang Grand Canal
ginawang makapangyarihan ang mga eunuch
Pinamunuan nila ito sa mga dayuhan na nasa palasyo ng emperador
Anong dinastiya sinimulan ang pagtatayo sa Great Wall of China?
Ch’in
Han
Sui
T’ang
Paano pinamunuan ni Liu Bang ang kanyang dinastiya?
Nagtatag siya ng siyudad sa Chang’an
Pinaglayag niya si Cheng Ho upang ipakilala ang China sa buong mundo
Kinontrol niya ang galaw ng mga daimyo
Nagtayo siya ng mga garrison sa Silk Road
Paano pinamunuan ni Hung Wu ang kanyang dinastiya?
Nagtatag siya ng siyudad sa Chang’an
Pinaglayag niya si Cheng Ho upang ipakilala ang China sa buong mundo
Kinontrol niya ang galaw ng mga daimyo
Nagtayo siya ng mga garrison sa Silk Road
Alin sa mga sumusunod ang nasa tamang pagkakasunod ng mga pangyayari sa mga dinastiya ng China?
Imperyong Mongol – Silk Road – Great Wall of China – Chang’an
Silk Road – Chang’an – Imperyong Mongol – Great Wall of China
Great Wall of China – Chang’an – Silk Road – Imperyong Mongol
Chang’an – Great Wall of China – Silk Road – Imperyong Mongol
Sino ang nakatuklas ng Cape of Good Hope?
Bartholomew Diaz
Christopher Columbus
Ferdinand Magellan
Vasco da Gama
Bakit mga tauhan na lang ni Magellan ang nakaikot sa buong mundo?
nagpaiwan siya sa Pilipinas
napatay siya ni Lapu-lapu
nagpahinga muna siya
pinagbawalan siya ni Haring Carlos
Sino ang nag-akala na natagpuan niya na ang Japan?
Bartholomew Diaz
Christopher Columbus
Ferdinand Magellan
Vasco da Gama
Sino ang Reyna ng Great Britain noong panahon ng mga ekspedisyon?
Reyna Anne
Reyna Elizabeth
Reyna Emma
Reyna Victoria
Sino ang Hari ng Spain na sumuporta kay Magellan?
Haring Charles
Haring Felipe
Haring Henry
Haring Philip
Sino ang nanguna sa paglalayag ng Portugal?
Prinsipe Carlos
Prinsipe Henry
Prinsipe John
Prinsipe Paul
Ano ang tatlong dahilan ng paglalayag noong panahon ng ekspedisyon?
God, Gold, Gem
Gun, Gas, Glory
Gate, God, Great
God, Gold, Glory
Ano ang dahilan ni Magellan sa pagkakatuklas niya sa Pilipinas?
upang kumuha ng mga likas na yaman
upang makipagkalakalan
upang ipalaganap ang Kristiyanismo
upang makakuha ng mga spices dito
Ano ang tawag sa termino ng pananakop at pamumuno ng isang makapangyarihang bansa sa isang rehiyon?
Imperyalismo
Kolonyalismo
Pasismo
Terorismo
Ano ang nangangahulugang paglikha ng isang imperyo at ang pagpapalawig ng impluwensiya sa mga karatig na rehiyon o iba pa?
Imperyalismo
Kolonyalismo
Pasismo
Terorismo
Anong mga bansa ang kabilang sa Allied Powers?
Germany, Italy, Austria-Hungary
Germany, Great Britain, Japan
Great Britain, France, Russia
Great Britain, France, Japan
Anong mga bansa ang kabilang sa Central Powers?
A. C.
B. D.
Germany, Italy, Austria-Hungary
Germany, Great Britain, Japan
Great Britain, France, Russia
Great Britain, France, Japan
Paano ipinakita ng mga Kanlurang Asia ang kanilang pagkakaisa pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
kinontrol nila ang politika
nagkaroon sila ng nasyonalismo
sinanay nila ang mga kawani ng pamahalaan
kinontrol nila ang ekonomiya
Tama ba ang naging pagnanais ng mga Muslim na humiwalay sa India at lumikha ng hiwalay at nagsasariling estadong Muslim?
Oo, para mabigyan ng boses ang mga Muslim
Oo, para yumaman ang dalawang bansang ito
Hindi, para sakop lang sila ng mga Ingles
Hindi, dahil baka magkagulo lang
Bakit sumiklab ang digmaan sa pagitan ng mga Ingles at Tsino na tinawag na digmaang Opyo?
dahil parehong nalulong ang mga Ingles at Tsino sa opyo
dahil ninakaw ng mga opisyal ng adwana ang opyong kinakalakal ng mga Ingles
dahil sinira ng mga opisyal ng adwana ang opyong kinakalakal ng mga Ingles
dahil hindi nagbayad ng kaukulang buwis ang mga Ingles sa kalakal nilang opyo
Ang sumusunod ay mga dahilan kung bakit nakilala si Achmed Sukarno bilang mahalagang personalidad sa pagpupunyagi ng Indonesia para sa kalayaan MALIBAN sa –
Nakipagkasundo siya sa mga Dutch, British, at Hapones para sa kalayaan ng Indonesia
Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig idineklara niya ang Indonesia bilang isang malayang bansa
Naging popular siya sa kaniyang talino at kahusayan sa pagtatalumpati para sa kalayaan
Pinangunahan niya ang pagbuo ng isang komite bilang paghahanda tungo sa kalayaan
