NEW
Font size
WorksheetsBALIK ARAL - A.P. 2
Total questions: 20
Worksheet time: 40mins
Saan nakakakuha ng likas na yaman tulad ng ginto, tanso, at bakal?
sa baybay-dagat
sa kabundukan
sa katubigan
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng wastong pangangalaga ng likas na yaman?
pagkakaingin
pagsusunog ng mga plastik at basura
pagtatanim ng mga puno
Sila ang mga nagtatanim ng ating mga makakain.
mangingisda
magsasaka
minero
Hanapbuhay nila ang humuli ng mga yamang tubig gaya ng isda, alimango, at iba pa.
mangingisda
magsasaka
minero
Saan nakakakuha ng likas na yaman tulad ng kape, niyog, gulay, at prutas?
sa katubigan
sa kapatagan
sa kabundukan
Sila ang mga nagkukumpuni ng ating mga tirahan at kagamitan.
mananahi
magsasaka
karpintero
Bakit may mga pagawaan sa komunidad?
Dito ginagawa ang mga produktong kailangan natin.
Dito nagtatrabaho ang maraming tao.
Dito nakukuha ang mga likas na yaman.
Paano natutugunan ng komunidad ang iba't ibang pangangailangan natin?
Iba-iba ang mga katangian nito.
Iba-iba ang mga pangkat ng tao rito.
Iba-iba ang mga uri ng hanapbuhay rito.
Ano ang dapat nating gawin sa mga taong tumutugon sa ating mga pangangailangan?
Humingi ng tawad at tulong sa kanila.
Pahalagahan at pasalamatan sila.
Hayaan sila sa kanilang mga gawain.
Aling hanapbuhay ang maiuugnay sa malawak na kapatagan?
pangingisda
pagsasaka
pagmimina
Ano ang makatutulong para magkaroon ng mahusay na pinuno ang ating komunidad?
Piliin ang inyong kamag-anak.
Alamin ang katangian ng mabuting pinuno.
Kailangang matatanda na ang maging pinuno.
Ilan ang bilang ng kagawad sa barangay?
7
8
9
Sino ang pinuno ng ating barangay?
Tanod
Kapitan
Pangulo
Siya ang nagpapatupad ng mga batas at ordinansa sa barangay.
Kapitan
Kagawad
SK Chairman
Ilang taon manunungkulan o maninilbihan ang Sangguniang Pambarangay?
dalawa
tatlo
apat
Sino ang katuwang ng kapitan sa pagpapanatili ng kaayusan ng komunidad?
Barangay Tanod
Sangguniang Kabataan
Katipunan ng Kabataan
Ang mga miyembro ng Sangguniang Kabataan ay dapat na may edad _______________.
15 hanggang 30
18 hanggang 24
19 hanggang 25
Tuwing kailan nagpupulong-pulong ang mga Katipunan ng Kabataan?
tuwing dalawang buwan
tuwing anim na buwan
tuwing isang taon
Alin sa mga sumusunod ang hindi nararapat na katangian ng isang mabuting pinuno?
Maramot
Matapat
Matulungin
Alin sa mga sumusunod ang hindi nararapat na katangian ng isang mabuting pinuno?
Mapagmaliit ng kapwa
Mahal ang bansa
Responsable sa mga ginagawa
