WorksheetsPANANALIKSIK SUPER SPEYSYAL
Total questions: 20
Worksheet time: 11mins
Ito ay isang maingat at sistematikong pag-aaral at pagsisiyasat sa ilang larangan ng kaalaman na isinasagawa upang tangkaing mapagtibay o mapasubalian ang katotohanan o katwiran.
Pagbasa
Pananaliksik
Paghahanap-Kaalaman
Pagsusuri
Isang pangkalahatang estratehiya na pinipili ng mananaliksik upang pagsama-samahin ang lahat ng bahagi at proseso ng pananaliksik sa maayos at lohikal na paraan.
Anyo ng Pananaliksik
Uri ng Pananaliksik
Paraan ng Pananaliksik
Disenyo ng Pananaliksik
Nagsagawa ng pananaliksik sina Jim, Candy, at Gemini tungkol sa markang nakuha ng buong HUMSS-3 sa buong unang semestre ng taong panuruan 2021-2022. Anong disenyo ng pananaliksik ang kanilang gagamitin o magiging batayan sa paggawa?
Kwantitatibong Pananaliksik
Kwalitatibong Pananaliksik
Pagtugong Pananaliksik
Panimulang Pananaliksik
Ang pangongopya ng datos, mga ideya, mga pangungusap, buod at balangkas ng isang akda, himig at iba na hindi kinikilala ang pinagmulan o kinopyahan ay tinatawag na _______________.
Pangongopya
Panunulad ng Datos
Iligal na Pangongopya o Plagiarism
Clone Copying
Nagkaroon ng isang gawain sa klase ni Bb. Castro na magsusulat ang mga mag-aaral ng isang sulatin hinggil sa pagsugpo ng COVID-19. Makalipas ang pasahan, napansin ng guro sa pamamagitan ng plagiarism checker na tatlo sa kanyang mag-aaral ang natagpuang kumopya ngunit may binagong mga parirala at salita upang hindi ito mahalata. Maituturing pa rin ba itong isang iligal na pangongopya?
Oo, dahil hindi binigyan ng pagkilala ang pinagmulan ng sulatin
Hindi, dahil may pagbabago sa naging awtput ng mga mag-aaral
Hindi ako sigurado kung ito ay iligal na pangongopya.
Walang karampatang sagot para dito
Ano ang tumutukoy sa isang tiyak na diskurso o tuon ng pananaliksik?
Tesis
Ideya
Paksa
Batis
Alin sa sumusunod ang hindi maaaring pagpilian ng paksa ng pananaliksik?
Sarili
Aklatan
Mga awtoridad
mga estrangherong tao
Ito ay paghahanay ng mahahalagang bahaging nais ilagay sa sulating pananaliksik.
Concept Mapping
Pagbabalangkas
Topic Dissect
Methodology
Inaasahan sa bahagi ng konseptong papel na ito na makapagbibigay ka ng matalinong hula o prediksyon sa kung totoo o hindi ang iyong hypothesis o tesis na pangungusap
Rasyunal
Layunin
Metodolohiya
Inaasahang Bunga
Nakapili na ng paksa sina Reyner at Isaiah sa kanilang gagawing pananaliksik ngunit hindi nila alam kung paano nila ito ipapaliwanag. Ano ang mas mainam nilang gamitin na batayan ng epektibong pagpapaliwanag ng kanilang paksa?
Fishbone Planner
Hierarchy Chart
Concept Mapping
Cyclical Chart
Ito ang pamamaraan o mga hakbang na gagawin sa pag-aaral upang mabigyang kasagutan ang mga tanong ng pananaliksik.
Rasyunal
Layunin
Metodolohiya
Inaasahang Bunga
Ang pananaliksik at naglalahad ng mga impormasyong hindi basta galing sa opinyon o kuro-kurong pinapanigan ng manunulat kundi nakabatay sa mga datos na maingat na sinaliksik, tinaya, at sinuri.
Dokumentado
Obhetibo
Sistematiko
Kritikal
Ang kongklusyon at mga impormasyon ng pananaliksik ay nakabatay sa mga nakalap na datos mula sa tunay na naranasan at na-obserbahan ng mananaliksik
Dokumentado
Obhetibo
Empirikal
Kritikal
Alin sa mga sumusunod ang hindi maaaring mapagkunan ng datos sa pananaliksik?
Sarbey
Panayam
Internet
Balita
Laging nire-record ni Genevy ang bawat sanggunian na kanyang pinagkunan ng ginagawang pananaliksik upang maiwasan ang iligal na pangongopya. Nagpapakita ito na ang pananaliksik ay dapat _______________.
Dokumentado
Obhetibo
Empirikal
Sumusunod sa Pamantayan
Isang kinikilalang karapatan na hindi maaaring kopyahin, nakawin o kunin ang isang ideya o likha na galing sa isang tao.
Karapatang Pag-aangkin
Karapatang Ari
Intelektwal na Pag-aari
Karapatang Legal
Isa itong karapatan na kinikilala ng batas na nagbibigay ng kaukulang pagkilala bilang awtor at kaakibat na pinansiyal na karapatan sa mga indibidwal na lumikha ng mga akda.
Karapatang Pag-aangkin
Karapatang-Ari
Intelektwal na Pag-aari
Karapatang Legal
Ano ang pandaigdigang at pinakamadaling sanggunian na nagbibigay ng napakalawak na impormasyong maaaring pagpiliian ng paksa ng pananaliksik?
Aklat
Internet
Social Media
Archival Findings
Alanganin si Dindi sa paksa tungkol sa ambag o kontribusyon ng komiks sa pagiging matatas ng mga mag-aaral sa wikang Filipino. Anong hakbang sa pagpili ng paksa ang isinasaalang-alang ng mananaliksik?
Pagpili ng paksa batay sa interes, hilig o malapit
Pagpili ng paksa na may katiyakan
Pagpili ng paksa na may kaisahan
Pagpili ng paksa na napapanahon
Ang mga pananaliksik na nasa larangan ng Edukasyon, Sikolohiya, at Agham Panlipunan ay gumagamit ng anong format ng sanggunian?
APA
MLA
Chicago-style
IEEE-format
