NEW
Font size
WorksheetsSUBUKAN NATIN: KABANATA 1 -14
Total questions: 20
Worksheet time: 3mins
Ang tawag sa sasakyang patubig na naglalakbay sa pagitan ng Maynila at Laguna.
Bapor Toba
Bapor Tabo
Bapor Lato
Bapor Quiapo
Ang ginang na nanglalait ng mga Indiyo kahit na siya mismo ay isang Indiyo.
Donya Florentina
Donya Huli
Donya Isabela
Donya Victorina
Ang manunulat na nagpapalagay sa sarili na siya lamang ang tanging nag-iisip sa Maynila.
Ben Zayb
Basilio
Isagani
Makaraig
Ano ang huling pinag-uusapan nina Kapitan Basilio, Isagani at Basilio sa ilalim ng kubyerta?
Tungkol sa Ilog Pasig.
Tungkol sa mga alamat sa Ilog Pasig.
Tungkol sa Akademya ng Wikang Espanyol.
Tungkol kay Simoun.
Ang alamat tungkol sa isang batumbuhay na sagrado noon pa man, diumano’y tirahan ng mga espiritu ngunit nang ito ay mawala ay nawala rin ang mga pamahiin.
Alamat ng Yungib ni Donya Geronima
Alamat ng Malapad na Bato
Alamat ng Buwayang Bato
Alamat ng Ilog Pasig
Ang paring Tagalog na may ugaling malumanay, tapat, tahimik, walang bisyo, mahilig mag-isa at amain ni Isagani.
Padre Salvi
Padre Camorra
Padre Irene
Padre Florentino
Ang matandang kumupkop sa may sakit na batang si Basilio at ang ama ni Kabesang Tales.
Don Custodio
Don Rafael Ibarra
Tandang Selo
Hermana Penchang
Ang anak na babae ni Kabesang Tales at nobya ni Basilio.
Maria Clara
Huli
Paulita Gomez
Joanna
Anong payo ni Tandang Selo sa kanyang anak nang pinagbayad sila ng upa sa lupang pag-aari naman nila?
“Hayaan mo na sila at sila’y parurusahan din ng Diyos.”
“Ipagdasal mo na lang sila nang matauhan sila.”
“Magtiis ka at ipagpalagay na lamang na natalo ka sa sugal o kinain ng buwaya.”
“Humigi ka ng tulong kay Simoun.”
Nang mabihag si Kabesang Tales sa mga tulisan, magkano ang hininging kapalit ng mga ito?
limang daang piso
dalawandaang piso
isang libong piso
isang daang piso
Sino ang sakay ng karwahe papuntang San Diego sa gabi ng Noche Buena?
Maria Clara
Basilio
Simoun
Don Custodio
Naantala si Basilio sakay ng karwahe papuntang bahay ni Kapitan Tiago dahil pinigil ng guardia civil ang kutsero sa anong dahilan?
Nakipagkumustahan ang kutsero sa guardia civil.
Nakipagaway ang kutsero sa guardia civil.
Nakalimutan ng kutsero na dalhin ang cedula.
Hinuli si Basilio ng guardia civil.
Nais ni Kapitan Tiyago na maging manananggol si Basilio ngunit mas pinili niya ang pag-aaral ng anong kurso?
negosyo
guro
inhinyero
medisina
Bakit nagpunta si Basilio sa kagubatan na noo’y pag-aari ng mga Ibarra sa gabi ng Noche Buena?
Sapagkat doon nakalibing ang kanyang ina.
Dahil siya ay nawala at hindi alam ang daan pabalik.
Nais niya lamang magmuni-muni.
Gusto niyang mapag-isa.
Ano ang ginagawa ni Simoun sa kagubatan sa gabi ng Noche Buena?
Bumubuo ng plano.
Nakipagkita sa kanyang kasintahan.
Naghuhukay
Naghahanap ng diyamante.
Siya ang unang nakatuklas sa lihim ni Simoun.
Isagani
Basilio
Makaraig
Placido Penitente
Anong nangyari kay Tandang Selo noong araw ng pasko?
Nabihag ng mga tulisan.
Nagkasakit
Napipi
Nagdasal
Kanino namasukan si Huli para may maipantubos sa kanyang nabihag na ama?
Hermana Penchang
Donya Victorina
Kapitana Tika
Tiya Isabel
Ang binatang masipag mag-aral, pinakamatalino sa naturuan ni Padre Valerio ngunit ibig ng huminto sa pag-aaral.
Juanito Pelaez
Placido Penitente
Basilio
Makaraig
Bakit umalis sa klase sa pisika si Placido Penitente?
Tinatawag siya ng kalikasan.
Ipinatawag siya ng kanyang ama.
May aksidenteng nangyari sa kanilang bahay.
Nagalit siya sa guro dahil sa matinding panglalait nito sa kanya.
