NEW
Font size
WorksheetsSektor ng Agrikultura
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
1. Alin sa mga pahayag ang HINDI nagpapakita ng katuturan tungkol sa Sektor
ng Agrikultura?
A. nagbibigay ito ng kita
B. nagbibigay ito ng trabaho sa mga tao
C. nagpoproseso ng mga hilaw na materyal
D. ang agrikultura ay pangunahing pinagmumulan ng pagkain
2. Ang Pilipinas ay isang agrikultural na bansa dahil malaking bahagi nito ang
kumakatawan sa mga gawaing agrikultural. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng kahalagahan ng Sektor ng Agrikultura?
A. Pinagmumulan ng hilaw na materyal
B. Nagbibigay ito ng trabaho sa mga Pilipino
C. Pangunahing pinagmumulan ng pagkain
D. Nakagagawa ng produkto gamit ang makina
3. Paano nakatutulong ang sektor ng agrikultura sa ekonomiya ng ating bansa?
A. Nagbibigay ng proteksyon sa mga mamamayan.
B. Nagbibigay ng pinansiyal sa mga mamamayan.
C. Pinagkukunan ng pinansyal na pangangailangan.
D. Pinagkukunan ng kitang panlabas mula sa mga produktong agrikultural na ibinebenta sa pandaigdigang pamilihan.
4. Ang patakarang ito ay ukol sa reporma sa lupa na naglalayong ipamahagi ang
lahat ng pampubliko at malalaking pribadong sakahan sa mga magsasakang
walang sariling sakahan?
A. Republic Act 3844
B. Republic Act 1400
C. Republic Act 6657
D. Presidential Decree 2
5. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng epekto ng kakulangan sa
makabagong kagamitan at teknolohiya sa Sektor ng Agrikultura?
A. Mabagal na pagsasaka
B. Kalabaw pa rin ang gamit sa pag-aararo
C. Pagkakaroon ng kakompetensya ang mga lokal na produkto
D. Ang mga magsasaka ay patuloy na gumagamit ng mga lumang kagamitan
6. Bakit mahalagang pagtuunan ng pansin ng ating pamahalaan ang sektor ng
agrikultura?
A. Nagpapakita ito ng kaayusang teknolohikal
B. Dito nanggagaling ang serbisyong teknikal at konstruksiyon.
C. Nagbibigay ng pagkakataon na malinang ang kaisipan ng mga tao
D. Dito nagmumula ang mga pagkain na tumutugon sa ating mga pangangailangan
7. Anong uri ng pangingisda ang gumagamit ng mga bangka na may kapasidad
na hihigit sa tatlong tonelada para sa pagnenegosyo?
A. aquaculture
B. thrawl fishing
C. munisipal na pangingisda
D. komersyal na pangingisda
8. Anong sub-sektor ng agrikultura nabibilang ang aquaculture?
A. pagsasaka
B. paggugubat
C. pangingisda
D. paghahayupan
9. Sa anong sub-sektor napabilang ang pagniniyog, maisan at palayan?
A. pagtotroso
B. pangingisda
C. paghahalaman
D. paghahayupan
10.Anong ahensiya ng pamahalaan ang nangangasiwa sa sektor ng agrikultura?
A. Bureau of Customs
B. Department of Agriculture
C. Department of Labor and Employment
D. Department of Environment and Natural Resources
