Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Edukasyon sa Pagpapakatao

Total questions: 15

Worksheet time: 43mins

Name
Class
Date
1.

Hindi kumakain ng baboy si Hajib bilang pagsunod sa paniniwala nilang mga Muslim. Pinaplano mo na imbitahan siya at inyong mga kaibigan sa iyong kaarawan. Nag-usap kayo ng inyong ina kung ano ang mga ihahanda.

4 lines
2.

Si Josh ay isang katoliko. Palagi siyang may dalang rosaryo. Isang araw, tinukso ni Kiko si Josh dahil sa pagdadala niya ng rosaryo sa paaralan. Hinablot ito ni Kiko at pinaglaruan hanggang sa ito ay masira.

4 lines
3.

Naputol ang isang binti ng iyong kamag-aral dahil sa isang aksidente. Paano mo palalakasin ang loob niya.

4 lines
4.

Hilig ng iyong kapatid na lalaki ang pagkanta. Subalit hindi siya makasali sa mga paligsahan dahil hindi pa siya gaanong marunong kumanta.

4 lines
5.

Ang kapatid mo na babae na natalo sa isang Dance Contest.

4 lines
6.

Ang iyong nakababatang kapatid ay malungkot dahil palagi itong bumabagsak sa kaniyang mga pagsusulit. At dahil dito ay ayaw na niyang pumasok sa paaralan. Ano ang iyong nararapat na gawin?

4 lines
7.

Isang araw nagpunta ang iyong kaibigan sa inyong bahay dahil gusto na niyang sumuko sa kaniyang pangarap na maging isang magaling na mananayaw. Ano ang iyong dapat na gawin?

4 lines
8.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng mabuting pagkakaibigan?

a)
b)
c)
d)
9.

Iguhit ang isang importanteng bagay na binigay sayo ng iyong kaibigan.

10.

Isulat kung ano ang isang bagay na hindi mo makakalimutan na sinabi sayo ng iyong kaibigan.

11.

Nakita mo ang iyong kamag-aral na malungkot at nag-iisa sa isang sulok ng inyong silid. Ano ang iyong dapat na gawin?

a)

a. Hahayaan ko nalamang siya dahil ang mahalaga ay hindi ko problema ang problema niya.

b)

b. Lalapitan ko siya at kakausapin at susubukan kong magbiro sa kaniya upang siya ay maging masaya.

c)

c. Tutuksuhin ko siya dahil wala siyang kaibigan, ngunit titigil din ako kapag siya ay umiyak.

12.

Nagsabi sa iyo ng isang sikreto ang iyong kaibigan.

a)

a. Ipagkakalat ko ang kaniyang sikreto upang siya ay tuksuhin ng iba.

b)

b. Itatago ko ang sikreto ng aking kaibigan dahil nagtiwala siya sa akin na hindi ko yun ipagsasabi.

c)

c. Sasabihin ko sa aking isang kaibigan ang kaniyang sikreto at makikiusap na wag din ito ipagsasabi sa iba.

13.

Nakita mo ang iyong kaibigan na nahihirapan sa inyong pagsusulit.

a)

a. Papakopyahin ko na lang siya para di na siya mahirapan pa.

b)

b. Tutulungan ko ang aking kaibigan sa kaniyang pagsusulit at ipapaliwanag sa kaniya ng maayos ang mga hindi niya maintindinhan.

c)

c. Sasabihin ko na hindi ko pa nagagawa ang aming pagsusulit.

14.

Napansin mo na hindi pa kumakain ang iyong kaibigan ng hapunan.

a)

a. Iimbitahin ko siya sa aming tahanan upang kumain ng hapunan.

b)

b. Sasabihin ko na umuwi na siya at doon kumain sa kanila.

c)

c. Sasabihin ko na wala kaming pagkain sa aming bahay.

15.

May bagong kayong kaklase. Napansin mo na walang lumalapit sa kaniya. Ano ang gagawin mo?

4 lines