wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

4th Q_FT no.1_Tugon ng mga Pilipino

Total questions: 15

Worksheet time: 8mins

Name
Class
Date
1.

Ang mga Pilipino ay karaniwang matiisin at walang kibo sa mga

   nararanasang paghihirap sa pamahalaang kolonyal. Anong tugon ang inilalarawan sa pangungusap?

a)

Pag-aalsa

b)

Yumakap sa Kolonyalismo

c)

Pagiging Taksil

d)

Tumakas at Namundok

2.

Hindi lahat ng mga Pilipino ay nagsawalang kibo sa mga patakarang 

    ipinatupad ng mga Espanyol. Mayroong mga Pilipino na mas pinili 

    nilang takasan ito. Anong tugon ito?

a)

Pag-aalsa

b)

Pagiging Taksil

c)

Tumakas at Namundok

d)

Gumamit ng lakas ng panulat

3.

Mga Pilipinong nagbulag-bulagan sa nagaganap sa bansa. Ang mahalaga sa kanila ay maproteksyonan ang kanilang kabuhayan at mahal sa buhay. Anong tugon ito?

a)

Pag-aalsa

b)

Nanahimik at Nagtiis

c)

Tumakas at Namundok

d)

Pagiging Taksil

4.

 Mga Pilipinong mas pinili ang pansariling kapakanan kahit na ang

    katumbas nito ay kasawian ng kapwa Pilipino. Anong tugon ito?

a)

Tumakas at Namundok

b)

Yumakap sa Kolonyalismo

c)

Pag-aalsa

d)

Pagiging Taksil o Mesenaryo

5.

May mga matatapang na Pilipino na idinaan sa dahas ang naising

pagbabago sa ilalim ng pamamahala ng mga dayuhan. Anong tugon ito?

a)

Pag-aalsa

b)

Tumahimik at Namundok

c)

Yumakap sa Kolonyalismo

d)

Pagiging Taksil

6.

Siya ang namuno sa pag-aalsa sa Mexico, Pampanga at hinikayat ang mga taga-Pangasinan na tutulan ang sapilitang paggawa, bandala at pagbabayad ng buwis. Sino Siya?

a)

Gabriela Silang

b)

Francisco Maniago

c)

Magat Salamat

d)

Juan Sumuroy

7.

Siya ang anak ni Lakandula na nagpatuloy nang pakikipaglaban sa mga Espanyol at nagtatag ng lihim na samahan. Sino siya?

a)

Gabriela Silang

b)

Francisco Maniago

c)

Magat Salamat

d)

Juan Sumuroy

8.

Siya ang maybahay ni Diego Silang na nagpatuloy nang pag-aalsa ngunit nahuli rin at binitay. Sino siya?

a)

Gabriela Silang

b)

Francisco Maniago

c)

Magat Salamat

d)

Juan Sumuroy

9.

Siya ay kilala bilang Hermano Pule na nagtatag ng Confradia de San Jose. Sino siya?

a)

Juan Sumuroy

b)

Diego Silang

c)

Apolinario dela Cruz

d)

Francisco Dagohoy

10.

Siya ay isang Waray na nag-aklas laban sa sa polo y servicio sa Samar. Ipinadala ang mga Waray sa Cavite para gumawa ng barko. Sino siya?

a)

Magat Salamat

b)

Juan Sumuroy

c)

Lapu-Lapu

d)

Lakandula

11.

Siya ang nag-aklas sa Vigan dahil sa mabibigat na pagpapataw ng buwis, pagsikil sa kalayaan at pag-aabuso ng alcalde-mayor. Itinatag din niya ang malayang Ilocandia. Sino siya?

a)

Diego SIlang

b)

Gabriela Silang

c)

Tamblot

d)

Bancao

12.

Siya ay ang-aklas dahil sa kanyang personal na hinanakit laban sa mga paring tumangging basbasan ang bangkay ng kanyang kapatid. Ito ay itinuring na pinakamatagal na pag-aalsang naganap sa Pilipinas. Sino siya?

a)

Tamblot

b)

Lakandula

c)

Lapu-Lapu

d)

Francisco Dagohoy

13.

 Sila ang nag-aklas sa Bohol at Leyte dahil sa panrelihiyon na dahilan. Nais nilang bumalik sa nakagisnan nilang relihiyon. Sino siya?

a)

Tamblot at Bancao

b)

Lakandula

c)

Lapu-Lapu

d)

Francisco Dagohoy

14.

Siya ay nag-aklas dahil sa pagpataw ng buwis sa kanilang angkan. Ninais niyang ibalik ang karapatan nila hindi pagbabayad ng buwis batay sa kasunduan nila ni Legazpi. Sino siya?

a)

Gabriela Silang

b)

Lakandula

c)

Juan Sumuroy

d)

Lapu-Lapu

15.

Siya ang pinakaunang Pilipino na tumutol at lumaban sa mga dayuhang Espanyol. Sino siya?

a)

Magamat Salamat

b)

Bancao

c)

Lapu-Lapu

d)

Lakandula