WorksheetsEKONOMIKS
Total questions: 17
Worksheet time: 56mins
1. Batay sa larawan, Ano ang ipinapakitang ugnayan ng demand at presyo sa isang pamilihan?
A. Di-Pantay
B. Tuwiran
C. Di-Tuwiran
D. Pantay
Para sa bilang na 2-3, unawain ang bawat sitwasyon at tukuyin kung ito ay nakaaapekto sa pagbabago ng demand. Piliin ang (T) kung tumaas ang demand, (B) kung bumaba ang demand, at (W) kung wala itong pagbabago.
2. (T, W,B) Nagkaroon ng kalamidad sa bayan ng Malolos at tumaas ang presyo ng baboy at manok sa pamilihan.
T
W
B
Para sa bilang na 2-3, unawain ang bawat sitwasyon at tukuyin kung ito ay nakaaapekto sa pagbabago ng demand. Piliin ang (T) kung tumaas ang demand, (B) kung bumaba ang demand, at (W) kung wala itong pagbabago.
3. (T,W,B) Nalalapit na ang pista sa bayan ng Apalit at ang mga residente ay naghahanda na para dito.
T
W
B
4. Si Ana ay pumuntang palengke para ibili ang kanyang ina ng bulaklak para sa nalalapit na Mother’s Day. Kung ang demand function ng bulaklak ay Qd=600-3P, ano ang quantity demanded kung ang presyo ng bulaklak ay ₱140.00?
A. 160
B. 180
C. 200
D. 260
5. Si Gab ay mahilig bumili ng mga tsokolate sa mall kung ang demand function ng tsokolate ay Qd=300-2P at ang katumbas ng quantity demanded ay 50, magkano ang presyo ng tsokolate?
A. 125
B. 135
C. 145
D. 155
6. Suriin ang mga pahayag sa ibaba at tukuyin kung anong pinagkaiba ng normal goods sa inferior goods.
A. Ang normal goods ang tawag sa mga produkto na hindi tumataas ang demand kahit tumataas ang kita ng tao. Inferior goods naman ay tumutukoy sa pagtaas ng demand at kita ng tao.
B. Ang normal goods ang pagtaas ng produkto ng demand at pagbaba ng kita ng tao. Inferior goods naman ay tawag sa pagtaas ng kita ng tao kasabay ng pagbaba ng demand.
C. Ang normal goods ang pagbaba ng demand at pananatili ng kita ng tao. Inferior goods naman ang tawag kung ang demand sa produkto ay tumataas at ang kita ng tao ay hindi nagbabago.
D. Ang normal goods ang pagbaba ng demand at pananatili ng kita ng tao. Inferior goods naman ang tawag kung ang demand sa produkto ay tumataas at ang kita ng tao ay hindi nagbabago.
7. Alin sa mga sumusunod na salik ang tumutukoy sa pagbaba ng supply ng isang produkto?
I. Malaking gastos ng produksyon
II. Pagtaas ng presyo sa mga komplementaryong produkto
III. Walang ekspekulasyon sa pagtaas ng presyo
A. I lamang
B. I at II
C. I at III
D. I, II at III
8. Batay sa graph na inyong nakikita, ano ang maaaring maging dahilan nang paglipat ng kurba ng supply ng asukal mula kaliwa patungong kanan?
A. Bumaba ang supply ng asukal dahil sa kaunting bilang ng mga nagtitinda.
B. Tumaas ang supply ng asukal dahil ang mga prodyuser ay gumamit ng makabagong teknolohiya.
C. Bumaba ang supply ng asukal dahil tumataas ang presyo ng komplementaryong produkto.
D. Tumaas ang supply ng asukal dahil ang mga prodyuser ay gumamit ng makalumang pamamaraan ng produksyon.
9. Batay sa datos ng market schedule, ano ang presyo ng Punto A kung ang quantity supplied ay 24?
A. 2
B. 2.5
C. 3.5
D. 3
10. Batay sa datos ng market schedule, ano ang quantity supplied ng Punto C kung ang presyo ay ₱8.00?
A. 64
B. 69
C. 72
D. 74
11. Kompyutin ang elastisidad ng supply para sa produkto ng mais at tukuyin kung anong uri ng elastisidad mayroon ito.
A. 0.12 inelastic
B. 1.02 elastic
C. 1 unitary
D. 1.12 elastic
12. Ang ____ ay isang lugar na kung saan nagaganap ang interaksyon sa pagitan ng mga mamimili at tindera.
A. Paaralan
B. Pamilihan
C. Malls
D. Simbahan
Para sa bilang na ito, tukuyin at unawain kung anong uri ng pamilihan ang umiiral sa bawat sitwasyon, piliin ang (M) kung ito ay monopolyo, (O) kung ito ay oligopolyo, at (MO) kung ito ay monopsonyo.
13. (M, O, MO) Sa bayan ng Apalit, ang mga mamamayan ay nagbabayad ng kanilang kuryente sa PELCO III.
M
O
MO
Para sa bilang na ito, tukuyin at unawain kung anong uri ng pamilihan ang umiiral sa bawat sitwasyon, isulat ang (M) kung ito ay monopolyo, (O) kung ito ay oligopolyo, at (MO) kung ito ay monopsonyo.
14. (M,O,MO) Sa nagdaang krisis sa bansang Ukraine at Russia, maraming negosyo ang naaapektuhan isa na rito ay ang pagtaas ng presyo ng mga gasolina nang hindi inaasahan.
M
O
MO
15. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa katangian ng pamilihan na may ganap na kompetisyon?
A. I at III
B. II at III
C. III lamang
D. I, II at III
16-25. Batay sa interaksyon ng demand at supply, Ipaliwanag kung paano nakaaapekto ang presyo sa kalagayan ng pamilihan. Magbigay ng limang (5) pangungusap at tukuyin kung ito ba ay positibo o negatibong epekto sa pamilihan.
26-35. Batay sa batas na Republic Act 7581 o mas kilala sa tawag na Price Control Act. Ipaliwanag ang layunin ng batas na ito at sumulat ng hindi hihigit sa sampung (10) pangungusap kung bakit mahalaga ang pagkontrol ng pamahalaan sa presyo ng mga produkto sa pamilihan.
