WorksheetsUnang Pagtataya
Total questions: 10
Worksheet time: 3mins
1. Ito ay isang aktibidad na nagiging sanhi ng pagbaha, soil erosion, at pagkasira ng mga tahanan ng mga ibon at hayop.
A. Migrasiyon
B. Pagtatapon ng basura sa mga katubigan
C. Illegal logging
D. Decluttering
2. Ang mga kawani ng gobyerno ay may karapatan na supilin ang "illegal logging" sa anong aspekto?
A. Ipakulong ang mga nagpuputol ng puno.
B. Ipaubaya na lamang sa ahensiya ng kalikasan ang usaping ito.
C. Ipagbawal ang pagpuputol ng puno sa anumang dahilan.
D. Maglunsad ng batas upang labanan ito at siguraduhing naisasakatuparan.
3. Ito ay tumutukoy sa kusang paglipat ng pook panirahan ng pangmatagalan o pansamantalang panahon.
A. board and lodging
B. evacuation
C. migrasyon
D. relocation
4. Ito ay isa sa mga sanhi ng pagtaas ng demand sa pangunahing produkto at pagkasira ng mga kagubatan.
A. Illegal logging
B. ilegal na pagmimina
C. price ceiling
D. pagtaas ng populasyon
5. Ito ay ang paggamit ng puno bilang panggatong at ang isang halimbawa nito ay ang paggawa ng uling mula sa mga puno.
A. coal-fired power planting
B. illegal logging
C. fuel wood harvesting
D. subsurface mining
6. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa masasamang dulot ng migrasyon sa isang lugar?
A. population growth
B. waste reduction
C. Pagkakaingin sa mga kagubatan
D. Kawalan ng sustansiya ng mga lupain
7. Alin sa mga nabanggit ang hindi epekto ng mabilis na pagtaas ng populasyon?
A. pagbuo ng mga plantasyon
B. paglulunsad ng mga kooperatiba
C. pagpapatayo ng mga tahanan
D. pagpapatayo ng mga subdivision
8. Ang mga sumusunod ay ang dahilan ng deforestation maliban sa;
A. illegal logging
B. ilegal na pagmimina
C. migrasyon
D. polusyon
9. Ang ahensiya ng gobyerno na tumutulong sa pagpapanatili ng maayos na kalagayan ng ating kapaligiran at mga likas na yaman sa ating bansa.
A. Department of Environment
B. Department of Environment and Natural Resources
C. Department of State and Natural Resources
D. Ministry of Environmental Protection
10. Bakit kinakailangang putulin ang mga puno sa operasyon ng pagmimina?
A. Hindi maganda ang dulot ng mga puno sa pagmimina.
B. May kemikal ang mga puno na maaaring humawa sa mga yamang mineral.
C. Ito ay nagsisilbing sagabal sa mabilis na operasyon sa pagmimina.
D. Iniingatan ng mga minero ang kanilang kalusugan sa operasyon sa pagmimina.
