wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Q4-MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 1

Total questions: 60

Worksheet time: 3600secs

Name
Class
Date
1.

Ano ang tawag sa lipon ng mga salita na hindi buo ang diwa?

a)

pangngalan

b)

pangungusap

c)

parirala

2.

Ano ang tawag sa lipon ng mga salita na buo ang diwa?

a)

pagdadaglat

b)

pangungusap

c)

parirala

3.

Ano ang angkop na parirala para sa larawan?

a)

ang araw

b)

ang mga bata

c)

ang mga hayop

4.

Ano ang angkop na pangungusap para sa larawan?

a)

Ang mga bata ay nagdadasal.

b)

Ang mga bata ay naglalaro.

c)

Ang mga bata ay nagsusulat.

5.

Alin sa sumusunod ang halimbawa ng parirala?

a)

masiglang kumakain

b)

Naglilinis si Nanay ng bahay.

c)

Masayang naglalaro sina ate at kuya.

6.

Alin sa sumusunod ang halimbawa ng pangungusap?

a)

sina Eba at Adan

b)

masayang naglalaro

c)

Sina Eba at Adan ay masayang naglalaro.

7.

Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng wastong pagkakasulat ng pangungusap?

a)

ako ay nag-aral kahapon.

b)

Ako ay nag-aral kahapon

c)

Ako ay nag-aral kahapon.

8.

Ano ang angkop na pangungusap para sa larawan?

a)

Ang bata ay naghihilamos.

b)

Ang bata ay nagsisipilyo.

c)

Ang bata ay naliligo.

9.

Ano ang angkop na parirala para sa larawan?

a)

ang mga aso

b)

madaming kumain

c)

masayang nagkukulay

10.

Ang bawat kasapi ng pamilya ay nagtutulungan.

a)

Parirala

b)

Pangungusap

11.

sa tabing dagat

a)

Parirala

b)

Pangungusap

12.

alamin ang kabutihan

a)

Parirala

b)

Pangungusap

13.

Ang mga hayop at halaman ay alagaan natin.

a)

Parirala

b)

Pangungusap

14.

Nakatanggap ako ng regalo mula kay nanay.

a)

Parirala

b)

Pangungusap

15.

Ano ang TOTOO sa panaguri?

a)

Ito ay maaring pandiwa o pang -uri.

b)

Ito ay nagtatapos sa tandang pananong.

c)

Ito ay dinadagdagan ng panlapi.

16.

Anong simuno ang angkop sa larawang ito?

a)

ang malinis na daigdig

b)

ang malayang daigdig

c)

ang nasisirang daigdig

17.

Aling larawan ang angkop sa panaguring ito?

(ay masayang nagsasayawan)

a)
b)
c)
d)
18.

Ano ang tawag sa bahaging pinag-uusapan sa pangungusap?

a)

panaguri

b)

simuno

19.

Aling panaguri ang bubuo sa pangungusap na ito?

(Ang karagatan ___________________.)

a)

ay tubig na nagmumula sa mataas na lugar

b)

ay malalim at malawak

c)

ay mataas at sumasabog

20.

Aling larawan ang angkop sa simunong ito?

(ang makukulay na bulaklak)

a)
b)
c)
d)
21.

Ang simuno o paksa ay...

a)

ang bahaging pinag-uusapan sa pangungusap

b)

ang bahaging nagkukwento, nagsasabi, nagpapaliwanag o naglalarawan sa pangungusap

c)

ang tawag sa pinagsama-samang pangungusap

22.

Ang araw ay sumisikat na.

a)

Karaniwan

b)

Di Karaniwan

23.

Unti-unting nawawala ang dilim.

a)

Karaniwan

b)

Di Karaniwan

24.

Bumangon mula sa kanyang kama si Crispin.

a)

Karaniwan

b)

Di Karaniwan

25.

Si Inay ay nagluluto ng almusal.

a)

Karaniwan

b)

Di Karaniwan

26.

Ang mga tandang ay tumitilaok nang malakas.

a)

Karaniwan

b)

Di Karaniwan

27.

Ginigising nila ang mga tao sa pamayanan.

a)

Karaniwan

b)

Di Karaniwan

28.

Ang mga ani ay ibebenta nila sa palengke.

a)

Karaniwan

b)

Di Karaniwan

29.

Masayang umuwi mula sa palengke sina Tatay at Crispin.

a)

Karaniwan

b)

Di Karaniwan

30.

Bumili ng sariwang isda at manok si Inay.

a)

Karaniwan

b)

Di Karaniwan

31.

Ayos ng pangungusap na nauuna ang panaguri sa simuno.

a)

Karaniwan

b)

Di Karaniwan

32.

Ayos ng pangungusap na nauuna ang simuno sa panaguri.

a)

Karaniwan

b)

Di Karaniwan

33.

Anong pangungusap na pasalaysay ang angkop sa larawan?

a)

Naghuhugas ng mesa ang bata.

b)

Ang bata ay nagpupunas ng mesa.

c)

Nag-aayos ng mesa ang bata.

34.

Anong pangungusap na padamdam ang angkop sa larawan?

a)

Wow! Sumabog ang bulkan!

b)

Kailan sumabog ang bulkan?

c)

Naku! Sumabog ang bulkan!

35.

Anong pangungusap na pautos ang angkop sa larawan?

a)

Isara mo ang mga bintana.

b)

Pakisara mo ang mga bintana.

c)

Isinara ng bata ang mga bintana.

36.
Ang school bus ay sumusundo sa mga mag-aaral.
a)
SIMUNO
b)
PANAGURI
37.

Ang mga bata ay naglalaro sa parke.

a)
SIMUNO
b)
PANAGURI
38.
Nagmimisa tuwing Linggo ang aking pamilya.
a)
SIMUNO
b)
PANAGURI
39.
Nagbigay ng pasalubong ang aking pinsan.
a)
SIMUNO
b)
PANAGURI
40.
Si Gng. Bautista ay nagluto ng pritong manok.
a)
SIMUNO
b)
PANAGURI
41.
Ang aking lola ay maalaga at mapagmahal.
a)
SIMUNO
b)
PANAGURI
42.
Ang aming klase ay naglilinis ng silid-aralan araw-araw.
a)
SIMUNO
b)
PANAGURI
43.

Anong pangungusap na patanong ang angkop sa larawan?

a)

Ano ang nasa pinggan?

b)

May dalawang mansanas sa pinggan.

c)

Pakikuha mo nga ang mga mansanas.

44.

Anong pangungusap na pakiusap ang angkop sa larawan?

a)

Masarap ba ang iyong pagkain?

b)

Pakiusap ubusin mo ang iyong pagkain.

c)

Ubusin mo ang iyong pagkain.

45.

Anong panapos na bantas ang angkop sa pangungusap?

Saan mo nais magdiwang ng iyong kaarawan_____

a)

?

b)

!

c)

.

46.

Piliin ang angkop na bantas para sa pangungusap.

Maagang pumasok sa paaralan si Ashley ______

a)

.

b)

?

c)

!

47.

Anong panapos na bantas ang angkop sa pangungusap?

Pakihugasan mo naman ang mga pinagkainan______

a)

.

b)

?

c)

!

48.

Piliin ang angkop na bantas para sa pangungusap.

Yehey, mamamasyal kami bukas ______

a)

.

b)

?

c)

!

49.

Piliin ang angkop na bantas para sa pangungusap.

Ilagay mo ang mga ito sa ibabaw ng mesa _____

a)

.

b)

?

c)

!

50.

Sa Linggo ay pupunta kami sa bahay nila Tita Penny.

a)

PASALAYSAY

b)

PATANONG

51.

Anong oras darating si tatay?

a)

PATANONG

b)

PAUTOS

52.

Pakiabot mo naman ang basahan.

a)

PADAMDAM

b)

PAKIUSAP

53.

Masayang kumain ang aming pamilya.

a)

PASALAYSAY

b)

PAUTOS

54.

Kunin mo ang baso.

a)

PAUTOS

b)

PADAMDAM

55.

Ano ang ulam mo kahapon?

a)

PATANONG

b)

PADAMDAM

56.

Pakiabot mo ang plato kay Tita Penny.

a)

PAUTOS

b)

PAKIUSAP

57.

Bakit nabasag ang baso mo?

a)

PAUTOS

b)

PATANONG

58.

Hala! Nabasag ang baso.

a)

PAUTOS

b)

PADAMDAM

59.

Ang mga bata ay naglalaro.

a)

PASALAYSAY

b)

PADAMDAM

60.

Saan ka nakatira?

a)

PAUTOS

b)

PATANONG