WorksheetsBalik-Karunungan sa Mapanubok na Pagtataya
Total questions: 55
Worksheet time: 34mins
Si Mandy ay masipag na panadero na laging gumigising nang maaga.
Katotohanan
Opinyon
Mas masarap ang tinapay ni Mandy kaysa kay Barney.
Katotohanan
Opinyon
Si Barney ay naiinggit sa tagumpay ni Mandy.
Katotohanan
Opinyon
Ang tindahan ni Mandy daw ang pinakamaganda sa buong bayan.
Katotohanan
Opinyon
Ayon sa mga mamimili, nagpapakita ng mabuting asal si Mandy kaya marami siyang benta.
Katotohanan
Opinyon
Ang mga panadero ay gumigising nang maaga upang magluto ng tinapay.
Realidad
Pantasya
Nakakapag-usap ang mga tinapay at nagbibigay ng payo sa panadero.
Realidad
Pantasya
Ang mga mamimili ay pumupunta sa tindahan ng mga panadero upang bumili ng tinapay.
Realidad
Pantasya
Ang panaderya ni Barney ay biglang nagiging yelo kapag siya’y nagagalit.
Realidad
Pantasya
Natututo ang panadero ng bagong resipi sa paggawa ng tinapay.
Realidad
Pantasya
Masaya ang mga mamimili dahil masarap ang tinapay ni Mandy.
Sanhi
Bunga
Maaga siyang nagbukas ng tindahan, kaya marami siyang nabentang tinapay.
Sanhi
Bunga
Hindi maganda ang ugali ni Barney, kaya iniiwasan siya ng mga mamimili.
Sanhi
Bunga
Maraming tinapay ang nabili kaya maagang naubos ang paninda ni Mandy.
Sanhi
Bunga
Nagtagumpay ang panaderya ni Mandy kaya dumami ang kanyang suki.
Sanhi
Bunga
Si Mandy ay may pusong ginto sa pakikitungo sa mga mamimili.
Konotasyon
Denotasyon
Si Barney ay bumili ng asukal para sa kanyang panaderya.
Konotasyon
Denotasyon
Dahil sa inggit, naging maitim ang puso ni Barney.
Konotasyon
Denotasyon
Nagluluto si Mandy gamit ang pugon sa kanyang panaderya.
Konotasyon
Denotasyon
Ang tinapay ay gawa sa harina at tubig.
Konotasyon
Denotasyon
Nais malaman ni Mandy kung sino ang may-akda at ang pamagat ng aklat.
pabalat
pahina ng karapatang sipi
glosaryo
indeks
Gusto ni Mandy malaman ang kahulugan ng mahihirap na salita na nakita niya sa huling bahagi ng aklat.
bibliyograpiya
talaan ng nilalaman
glosaryo
pabalat
Naghahanap si Barney ng pahinang tumatalakay sa salitang "tinapay" upang makita kung anong bahagi ito matatagpuan.
indeks
katawan ng aklat
pabalat
bibliyograpiya
Si Barney ay nagnanais makita ang mga sanggunian o pinagkunan na ginamit ng awtor.
indeks
katawan ng aklat
pabalat
bibliyograpiya
Hinahanap ni Barney kung saan mababasa ang maikling panimula ng awtor tungkol sa aklat bago magsimula ang mga kabanata.
pahina ng karapatang sipi
katawan ng aklat
talaan ng nilalaman
paunang salita
Tok-tok-tok!” ang tunog ng pintuang binuksan ni Mandy sa panaderya.
onomatopeya
asonansiya
alitersyon
Masipag si Mandy sa paggawa ng maraming masasarap na tinapay.
onomatopeya
asonansiya
alitersyon
Humuhuni ang hangin habang naglalakad si Barney sa umaga.
onomatopeya
asonansiya
aliterasyon
Tumatalbog-talbog ang tinapay sa mesa kapag minamasa.
onomatopeya
asonansiya
aliterasyon
Sa panaderya ni Mandy, umaalingawngaw ang masarap na amoy ng tinapay.
onomatopeya
asonansiya
aliterasyon
Si Mandy ay isang panaderong kilala sa sipag at tiyaga sa kanyang trabaho. Gumigising siya nang maaga upang makapaghanda ng masasarap na tinapay. Lagi siyang nakangiti at magalang sa lahat ng kanyang mamimili. Dahil dito, maraming tao ang humahanga at palaging bumabalik sa kanyang panaderya.
Unang pangungusap
Ikalawang pangungusap
Ikatlong pangungusap
Ikaapat na pangungusap
Si Barney ay may sariling panaderya na katabi lamang ng kay Mandy. Madalas siyang mainggit dahil mas marami ang bumibili sa paninda ng kanyang katunggali. Hindi siya nagsusumikap na pagandahin ang kalidad ng kanyang tinapay. Dahil dito, mas lalong lumiit ang bilang ng kanyang mga suki.
Unang pangungusap
Ikalawang pangungusap
Ikatlong pangungusap
Ikaapat na pangungusap
Araw-araw ay maingat na minamasa ni Mandy ang harina upang makagawa ng malambot na tinapay. Pinipili niya ang sariwa at de-kalidad na sangkap para sa kanyang mga paninda. Sinisigurado rin niyang malinis ang kanyang lugar sa paggawa. Ang maayos na paggawa ng tinapay ang sikreto ni Mandy sa masarap na produkto.
Unang pangungusap
Ikalawang pangungusap
Ikatlong pangungusap
Ikaapat na pangungusap
Napansin ni Barney na mas dumarami ang mamimili sa panaderya ni Mandy. Sa halip na magsikap, mas pinili niyang pag-isipan kung paano sisirain ang negosyo ng kanyang katunggali. Hindi niya tinanggap ang mga payong ibinigay ng komunidad sa kanya. Sa huli, mas napalayo ang mga mamimili dahil sa kanyang masamang asal.
Unang pangungusap
Ikalawang pangungusap
Ikatlong pangungusap
Ikaapat na pangungusap
Tukuyin ang angkop na pandiwa upang mabuo ang pangungusap.
Si Mandy ay maaga ______ upang ihanda ang tinapay.
gumising
bumili
naglakad
humingi
Tukuyin ang angkop na pandiwa upang mabuo ang pangungusap.
Araw-araw, si Mandy ay masipag na ______ ng masasarap na tinapay.
nagluto
nagluluto
magluluto
kaluluto
Tukuyin ang angkop na pandiwa upang mabuo ang pangungusap.
Si Mandy ay masayang ______ ng tinapay sa mga mamimili.
nagbebenta
naglilinis
nagwawalis
naglalaro
Tukuyin ang angkop na pandiwa upang mabuo ang pangungusap.
Dahil sa sipag at tiyaga, ang panaderya ni Mandy ay ______.
nalulugi
nagtatagumpay
nawawala
nasisira
Pagsamahin ang mga panlapi at salitang-ugat upang mabuo ang bagong salitang pandiwa.
mag- + luto = (a)
Pagsamahin ang mga panlapi at salitang-ugat upang mabuo ang bagong salitang pandiwa.
um- + alis = (a)
Pagsamahin ang mga panlapi at salitang-ugat upang mabuo ang bagong salitang pandiwa.
in- + sulat = (a)
Pagsamahin ang mga panlapi at salitang-ugat upang mabuo ang bagong salitang pandiwa.
-um- + takbo = (a)
Pagsamahin ang mga panlapi at salitang-ugat upang mabuo ang bagong salitang pandiwa.
pag-…-in + linis = (a)
Pagsamahin ang mga panlapi at salitang-ugat upang mabuo ang bagong salitang pandiwa.
nag- + sayaw + -an = (a)
Magluluto pa si Mandy ng espesyal na ensaymada mamayang hapon.
Perpektibo (Naganap)
Imperpektibo (Nagaganap)
Kontemplatibo (Magaganap)
Perpektibong Katatapos
Kalilinis ni Barney ng malaking oven.
Perpektibo (Naganap)
Imperpektibo (Nagaganap)
Kontemplatibo (Magaganap)
Perpektibong Katatapos
Kakabukas lamang ni Mandy ng panaderya nang dumating ang mga suki.
Perpektibo (Naganap)
Imperpektibo (Nagaganap)
Kontemplatibo (Magaganap)
Perpektibong Katatapos
Nagsukat si Mandy ng harina para sa bagong resipe.
Perpektibo (Naganap)
Imperpektibo (Nagaganap)
Kontemplatibo (Magaganap)
Perpektibong Katatapos
Maghahanda sila ng libreng tinapay para sa mga bata bukas.
Perpektibo (Naganap)
Imperpektibo (Nagaganap)
Kontemplatibo (Magaganap)
Perpektibong Katatapos
Si Mandy ay naghurno ng tinapay ___ si Barney naman ay nag-aayos ng estante.
at
ngunit
o
kung
Masarap ang pandesal ___ bagong hurno ito.
o
kung
kaya
upang
Gumagawa si Barney ng doughnut ___ hindi siya pagod.
dahil
kapag
at
ngunit
Nagsasanay si Mandy araw-araw ___ gumaling pa siya sa paghurno.
kaya
upang
o
samantala
Pipili ka ba ng ensaymada ___ monay?
o
at
dahil
kaya
Magluluto sila ng tinapay ___ dumating ang maraming suki.
ngunit
kapag
dahil
samantala
