Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Uri ng Pangungusap

Total questions: 30

Worksheet time: 15mins

Name
Class
Date
1.

Talagang -talaga! Lubhang nakakatakot ang COVID19.

a)

Padamdam

b)

Pakiusap

c)

Pasalaysay

d)

Patanong

2.

May multa ang lalabag sa Curfew.

a)

Patanong

b)

Pautos

c)

Pakiusap

d)

Pasalaysay

3.

Tunay nga ba na nakapuputi at nakakikinis ng balat ang langis ng niyog?

a)

Pasalaysay

b)

Patanong

c)

Pautos

d)

Pakiusap

e)

Padamdam

4.

Charlton, pakikuha mo nga ang aking aklat sa mesa.

a)

Pasalaysay

b)

Patanong

c)

Pautos

d)

Pakiusap

e)

Padamdam

5.

Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng pautos na gamit ng pangungusap?

a)

Pakiabot naman ang aking charger na nasa mesa.

b)

Sige, patuluyin mo na rito ang iyong mga kaibigan.

c)

Doon tayo sa may kanto sasakay ng dyip.

d)

Marami akong natutuhan sa Life Class kahapon.

6.

Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng patanong na gamit ng pangungusap?

a)

Kumusta na kaya si Yuki?

b)

Maaari bang bilhan mo ako ng chocolate chip?

c)

Puwede bang pakikuha ang sandok sa kusina?

d)

Maaari bang kausapin mo si Maya para sa akin?

7.

Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng pasalaysay na gamit ng pangungusap?

a)

Lutuin mo nga ang daing at tinapa para sa ating almusal.

b)

Makisuyo naman akong ihatid mo ito kay Letisha.

c)

Huwag na huwag mong sasaktan ang damdamin niya.

d)

Ang sipag at tiyaga ay magdadala sa iyo sa tagumpay.

8.

Tukuyin ang uri ng pangungusap na nasa ibaba (ayon sa gamit):


Bilisan mo! May ahas ata rito sa kinatatayuan ko.

a)

Pautos

b)

Padamdam

c)

Pakiusap

d)

Pasalaysay

9.

Tukuyin ang uri ng pangungusap na nasa ibaba (ayon sa gamit):


Huwag kang manood ng mga palabas na hindi kaaya-aya para sa iyong edad.

a)

Pasalaysay

b)

Patanong

c)

Pautos

d)

Pakiusap

10.

Tukuyin ang uri ng pangungusap na nasa ibaba (ayon sa gamit):


Nagkainitan ang magkaibigan dahil sa maling impormasyon na ibinalita sa kanila.

a)

Pasalaysay

b)

Patanong

c)

Pautos

d)

Pakiusap

11.

Tukuyin ang uri ng pangungusap na nasa ibaba (ayon sa gamit):


Puwede mo ba akong turuan mag-bake ng custard cake?

a)

Pasalaysay

b)

Patanong

c)

Pautos

d)

Pakiusap

12.

Tukuyin ang uri ng pangungusap na nasa ibaba (ayon sa gamit):


Ano ba ang kulay na magko-complement sa kulay lila?

a)

Pasalaysay

b)

Patanong

c)

Pautos

d)

Pakiusap

13.

Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng padamdam na gamit ng pangungusap?

a)

Pakiusap, umalis ka na.

b)

Tigilan mo na ang pang-aasar, Jacob.

c)

Aba! Mukhang nanalo ka ata sa lotto. Ang dami mong pinamili.

d)

Kakayanin mo iyan.

14.

Tukuyin ang uri ng pangungusap na nasa ibaba (ayon sa gamit):


Maaari bang tulungan mo ako sa asignatura natin sa Matematika?

a)

Pasalaysay

b)

Patanong

c)

Pautos

d)

Pakiusap

15.

Tukuyin ang uri ng pangungusap na nasa ibaba (ayon sa gamit):


Tunay na mahusay ang batang iyan! Kaya nga ako humahanga sa kanya.

a)

Pasalaysay

b)

Patanong

c)

Padamdam

d)

Pakiusap

16.

Tukuyin ang uri ng pangungusap na nasa ibaba (ayon sa gamit):


Maganda ang mag-ipon para sa iyong kinabukasan.

a)

Pasalaysay

b)

Patanong

c)

Padamdam

d)

Pakiusap

17.

Tukuyin ang kayarian ng pangungusap sa ibaba.

"Maraming biyayang bigay ang kalikasan."

a)

payak

b)

tambalan

c)

hugnayan

d)

langkapan

18.

Tukuyin ang kayarian ng pangungusap sa ibaba.

"Ang biyaya ay kusang loob na ibinibigay at ito ay kaloob na walang bayad."

a)

payak

b)

tambalan

c)

hugnayan

d)

langkapan

19.

Tukuyin ang kayarian ng pangungusap sa ibaba.

"Mamamasyal kami sa plaza pagkatapos namin magsimba."

a)

langkapan

b)

hugnayan

c)

payak

d)

tambalan

20.

Tukuyin ang kayarian ng pangungusap sa ibaba.

"Iniisip mo sila kaya napahamak ka."

a)

tambalan

b)

langkapan

c)

payak

d)

hugnayan

21.

Tukuyin ang kayarian ng pangungusap sa ibaba.

"Natatapos kaagad ang mahirap na gawain kapag ginagamitan ng makabagong makinarya."

a)

tambalan

b)

hugnayan

c)

payak

d)

langkapan

22.

Tukuyin ang kayarian ng pangungusap sa ibaba.

"Napagkukunan ng lakas ang tubig at nakakukuha rin tayo rito ng pagkain."

a)

payak

b)

tambalan

c)

hugnayan

d)

langkapan

23.

Tukuyin ang kayarian ng pangungusap sa ibaba.


"Nahuli ng mga pulis ang lalaki na napaghihinalaang nagnakaw ng mga alahas."

a)

Payak

b)

Tambalan

c)

Hugnayan

d)

Langkapan

24.

Tukuyin ang kayarian ng pangungusap sa ibaba.


"Pag-aralan natin ang mga talambuhay nina Jose Rizal at Andres Bonifacio."

a)

Payak

b)

Tambalan

c)

Hugnayan

d)

Langkapan

25.

Palagi kang manood ng balita at suriin mo nang mabuti ang mga impormasyong inilalahad.

a)

Payak

b)

Tambalan

c)

Hugnayan

d)

Langkapan

26.

Nagbigay ang pamahalaan ng ayuda maging ang mga foundations ay namahagi ng donasyon upang matulungan ang lahat ng nangangailangan.

a)

Payak

b)

Tambalan

c)

Hugnayan

d)

Langkapan

27.

Maraming Pilipino ang nawalan ng trabaho dahil nagsara ang mga kompanyang kanilang pinagtrabahuhan.

a)

Payak

b)

Tambalan

c)

Hugnayan

d)

Langkapan

28.

Umuwi sa Pilipinas ang maraming OFW na nawalan ng trabaho.

a)

Payak

b)

Tambalan

c)

Hugnayan

d)

Langkapan

29.

Noong lockdown ay nag-aral siyang magluto at magpinta upang manatiling produktibo.

a)

Payak

b)

Tambalan

c)

Hugnayan

d)

Langkapan

30.

Malaki ang sakripisyo ng ating mga frontliner at ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya upang iligtas ang buhay ng maraming tao.

a)

Payak

b)

Tambalan

c)

Hugnayan

d)

Langkapan