NEW
Font size
Worksheets4th Q Week 3/4 Tayain Natin
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag na nagpapakita ng kahalagahan sa mga piling tauhan at tukuyin kung sino ang angkop na tauhan sa nabanggit na pahayag.
1. Kinakatawan ko si Leonor Rivera ang tunay na pag-ibig ni Dr. Jose Rizal, Itinuturing na mutya sa bayan ng San Diego mayumi at masunuring anak.
A. Donya Pia Alba
B. Sisa
C. Maria Clara
D. Sinang
2. Ako ang kumakatawan kay Dr. Jose Rizal, pitong taong nag-aral sa Europa pangarap kong makapagpatayo ng paaralan sa bayan ng San Diego upang matiyak ang magandang kinubukasan ng mga kabataan dito.
A. Don Rafael
B. Kapitan Tiyago
C. Elias
D. Crisostomo Ibarra
3. Maituturing ko ang aking sarili bilang isang kaibigan at tagapagligtas ni Crisostomo Ibarra sapagkat mula ng magkrus ang aming landas at iniligtas niya ako ay buo sa aking kalooban na ipakilala sa kanya ang kanyang bayan at mga suliranin nito. Hindi ako nag atubiling iligtas siya mula sa kamay ng mga Prayle kahit ibuwis ko pa ang sarili kong buhay.
A. Kapitan Tinong
B. Elias
C. Kapitan Tiyago
D. Tinyente Guevarra
4. Lingid sa kaalaman ng lahat marami akong alam sa bayan ng San Diego dahil sa marami kong nalalaman naging tagapayo ako ng mga marurunong na mamamayan sa bayan ng San Diego ngunit sa mga hindi nakapasok sa paaralan ako ay tinaguriang isang baliw.
A. Pilosopo Tasyo
B. Kapitan Tiyago
C. Kapitan Tinong
D. Tenyente Guevarra
5. Ako ay isang masintahing ina sa dalawa kong anak na itinuturing kong anghel ng buhay ko. Ang tanging kasalanan ko lamang ay magkaroon ng malupit at pabayang asawa.
A. Donya Pia Alba
B. Sisa
C. Maria Clara
D. Tiya Isabel
Basahin at unawain ang bawat pahayag at tukuyin ang tauhang nagwika nito.
6. “Ang kasawian ang nag-alis sa akin ng piring.”
A. Pilosopo Tasyo
B. Maria Clara
C. Elias
D. Crisostomo Ibarra
E. Kapitan Tiyago
7. “Ang bayan ay hindi na dumadaing sapagka’t siya’y piping tagasunod, hindi kumikilos, sapagkat’ nahihimlay”
A. Pilosopo Tasyo
B. Maria Clara
C. Elias
D. Crisostomo Ibarra
E. Kapitan Tiyago
8. “Dapat ko bang unahin dahil sa aking pag-ibig ang dangal ng aking amang turing o banal na pangalan ng aking amang tunay”.
A. Pilosopo Tasyo
B. Maria Clara
C. Elias
D. Crisostomo Ibarra
E. Kapitan Tiyago
9. “Ang mga Espanyol ay karapat-dapat at kapuri-puri”.
A. Pilosopo Tasyo
B. Maria Clara
C. Elias
D. Crisostomo Ibarra
E. Kapitan Tiyago
10. “Mamamatay akong di man lang nakikita ang maningning na pagbubukang-liwayway sa aking bayan”.
A. Pilosopo Tasyo
B. Maria Clara
C. Elias
D. Crisostomo Ibarra
E. Kapitan Tiyago
