WorksheetsGaano ka ka-SMART?
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
Sa mga batayan na dapat sundin sa pagtupad ng mithiin, alin sa mga ito ang tumutukoy sa pahayag na “Gusto kong maging guro.” ?
Specific o Tiyak
Relevant o Makabuluhan
Time bounded o Makakaya sa Takdang Panahon
Kilala si Joseph sa husay niya sa pag-awit. Noong nag-aaral pa lamang siya, lagi siyang iniimbita upang magbigay ng pampasiglang bilang sa kanilang paaralan. Sa kasalukuyan, ang talentong ito ang kaniyang pinagkakakitaan. Alin sa mga sumusunod ang akmang batayan sa sitwasyong inilahad.
attainable, relevant
time-bounded, action oriented
specific, timebounded
Pinangako ni Ben sa kanyag sarili na makukuha niya ang kanyang pinapangarap na lisenya, sampung taon mula ngayon. Anong pamantayan ang kanyang isinasaalang-alang?
Measurable o Nasusukat
Relevant o Makabuluhan
Time bounded o Makakaya sa Takdang Panahon
Alin sa sumusunod ang batayan na dapat sundin ng isang indibiduwal sa pagtupad ng kaniyang mithiin?
I.Specific (Tiyak)
II. Measurable (Nasusukat)
III. Attainable (Naaabot)
IV. Relevant (May kaugnayan sa nais/ makabuluhan)
V. Time Bounded (Makakaya sa takdang panahon)
VI. Action Oriented (May kaakibat na pagkilos)
I, II. IV, V
II, III. V, VI
I, II, III, IV, V, VI
Si Kristine ay mahusay sa Ingles at gusto niyang maging isang guro balang araw na siya naming sinusuportahan ng kanyang mga magulang.
time- bounded o makakaya sa takdang panahon
action- oriented o may kaakibat na kilos
measurable o nasusukat
Napansin ni May ang palagiang pagkakaroon ng sunog sa kanilang probinsiya. Nakikita niya kung gaano kahalaga ang papel na ginagampanan ng mga bumbero. Kung kaya, napag isipan niyang mapabilang sa mga ito balang araw. Alin sa mga pamantayan ang kanyang isinasang-alang?
relevant o makabuluhan
action- oriented o may kaakibat na kilos
attainable o naabot
Binibigyan ni Alma ang sarili ng tatlong buwan upang matapos ang research paper na ginagawa.
relevant o makabuluhan
time- bounded o makakaya sa takdang panahon
attainable o naabot
Matalino at mahusay si Karol sa matematika, sa katunayan ang mga grado niya sa Math ay palaging 90+ at siya rin ay nananalo sa mga paligsahan. Bago magtapos sa Junior High School ay nakapagpasya siyang kukuha ng kurong BS Accountancy sa kolehiyo.
specific o tiyak
time- bounded o makakaya sa takdang panahon
measurable o nasusukat
Magiliw at masayahin sa mga bata si Annie at sa tuwing may mga outreach program ang kanilang barangay ay aktibo siya. Natutuwa siyang maibahagi ang kanyang kaalaman sa kapwa niyang mga kabataan sa kanilang pamayanan.
action- oriented o may kaakibat na kilos
time- bounded o makakaya sa takdang panahon
relevant o makabuluhan
Alam ni Andres na
magastos ang gusto niyang kursong abugasya at hindi ito kakayanin ng kaniyang mga magulang. Dahil dito, nagpasya siya na maghanap ng scholarship upang matugunan ang kaniyang suliranin, inisa-isa niya ang mga institusyong makapagbigay ng scholarship sa kanya.
specific o tiyak
attainable o naabot
relevant o makabuluhan
