Font size
WorksheetsPagtataya
Total questions: 20
Worksheet time: 20mins
1. Ito ay ang pagbabago mula sa hamak na kalagayan tungo sa mas mataas na antas ng pamumuhay?
A. Pag-unlad
B. Pagsulong
C. Pag-usbong
D. Pag-angat sa Kahirapan
2. Ayon kay Feliciano R. Fajardo na ang pag-unlad ay isang isang progresibo at aktibong proseso samantalang ang pagsulong ay ang _______ ng prosesong ito?
A. Sanhi
B. Dahilan
C. Bunga
D. Wala sa Nabanggit
3. Ito ang pananaw na kung saan ay kinakailangang mas mapabilis at maparami ng bansa ang output kaysa sa bilis ng paglaki ng populasyon nito?
A. Makabagong Pananaw
B. Tradisyunal na Pananaw
C. Kontemporaryong Pananaw
D. Lahat ng Nabanggit
4. Ito ang pananaw na isinasaad na dapat kakikitaan ng malawakang pagbabago ang buong sistema ng lipunan?
A. Makabagong Pananaw
B. Tradisyunal na Pananaw
C. Kontemporaryong Pananaw
D. Lahat ng Nabanggit
5. Ito ay tumutukoy sa mga yamang natural na batayan ng kaunlarang pangkabuhayan ng isang bansa. Ito ay ang mga yaman na binubuo ng yamang-lupa, tubig, gubat at mineral?
A. Yamang Tao
B. Kalikasan
C. Buhay
D. Likas na Yaman
6. Ito ay ang paggamit ng mga bagong ideya, kagamitan o pamamaraan ay isa sa mga pinakamabisang paraan ng pagbabago mula sa nakasanayan tungo sa mas produktibo at episyenteng paglinang sa iba't ibang yaman ng bansa?
A. Yamang Tao
B. Kapital
C. Teknolohiya at Inobasyon
D. Likas na Yaman
7. Ito ay tumutukoy sa kakayahan ng tao na gumawa ng mga pagbabago sa kapaligiran sa pamamagitan ng kanyang taglay na talino at kahusayan sa paggawa?
A. Likas na Yaman
B. Yamang Tao
C. Pag-unlad
D. Pagsulong
8. Tumutukoy ito sa mga kalakal na nakalilikha ng iba pang produkto gaya ng makinarya, o iba pang kasangkapan upang mas mapabilis ang paggawa?
A. Kapital
B. Kalakal
C. Barter
D. Negosyo
9. Ito ay ang mga panukat upang malaman ang antas ng pag-unlad ng isang bansa, maliban sa isa?
A. GDP
B. GNP
C. Human Development Institution
D. Human Development Index
10. Ito ay tumutukoy sa pangkalahatang sukat ng kakayahan ng isang bansa na matugunan ang mahahalagang aspekto ng kaunlarang pantao gaya ng: kalusugan, edukasyon at antas ng pamumuhay?
A. Human Development Index
B. Human Development Institution
C. GDP
D. GNP
11. Pagkakaroon ng masaganang ani bunga ng paggamit ng teknolohiya. Ito ay isang palatandaan ng Pagsulong (PS) o Pag-unlad (PU)?
(a)
12. Pagpapatayo ng nagtataasang gusali sa mga kanayunan at kalungsuran. Ito ay isang palatandaan ng Pagsulong (PS) o Pag-unlad (PU)?
(a)
13. Pagbaba ng antas ng kahirapan. Ito ay isang palatandaan ng Pagsulong (PS) o Pag-unlad (PU)?
(a)
14. Kawalan ng discrimination. Ito ay isang palatandaan ng Pagsulong (PS) o Pag-unlad (PU)?
(a)
15. Paglaya sa kamangmangan. Ito ay isang palatandaan ng Pagsulong (PS) o Pag-unlad (PU)?
(a)
16. Kaligtasan mula sa karahasan. Ito ay isang palatandaan ng Pagsulong (PS) o Pag-unlad (PU)?
(a)
17. Seguridad sa kalusugan. Ito ay isang palatandaan ng Pagsulong (PS) o Pag-unlad (PU)?
(a)
18. Kasiguruhan sa hanapbuhay. Ito ay isang palatandaan ng Pagsulong (PS) o Pag-unlad (PU)?
(a)
19. Pagtaas ng antas ng GDI at GNI. Ito ay isang palatandaan ng Pagsulong (PS) o Pag-unlad (PU)?
(a)
20. Pagkakaroon ng maayos na transportasyon. Ito ay isang palatandaan ng Pagsulong (PS) o Pag-unlad (PU)?
(a)
