Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Hitik sa Kaalamang Filipino

Total questions: 100

Worksheet time: 21mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang ibig sabihin "Kung hindi ukol hindi bubukol" ?

a)

Kung swerte ay swerte mo talaga ito.

b)

Ang kapalaran ay sadyang mailap para sa walang pangarap.

c)

Ang swerte ay hindi para sayo kung hindi nakalaan para sayo.

d)

Kung ang kapalaran ay para sayo antayin mo ito at darating sa iyo.

2.

Ang buhok ni Katrina ay mas mahaba kaysa buhok ni Sarah. Ang kaantasan ng pang uring tinutukoy sa pangungusap ay _________?

a)

Lantay

b)

Pahambing

c)

Pasukdol

d)

Wala sa nabanggit

3.

Lahat ay nagsisikap na makakuha ng malaking marka ngunit si Shen ang pinakamatalino sa lahat. Ang salitang may salungguhit ay tumutukoy sa anong kaantasan ng Pang- uri?

a)

Lantay

b)

Pahambing

c)

Pasukdol

d)

Kapwa A at B

4.

Si Sonia ay talagang matalinong bata. Ang pangungusap ay _______?

a)

Pahambing

b)

Pasukdol

c)

Lantay

d)

Lahat ng nabanggit

5.

Ano ang tawag sa anyo ng panitikan na binubuo ng tugma, sukat at taludtod?

a)

Tula

b)

Tuluyan

c)

Katha

d)

dula

6.

Ito ay pagpapahayag ng mga tunay at tiyak na pangyayari sa buhay.

a)

Katha  

b)

Hindi kathang isip

c)

Kathang isip

d)

anekdota

7.

Ito ang uri ng panitikang tumatalakay sa kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga laban sa mga kaaway.

a)

Nobela 

b)

Epiko

c)

Maikling kuwento

d)

Mitolohiya

8.

Anong anyo ng panitikan ang Ibong Adarna?

a)

Prosa       

b)

Panulaan  

c)

Tuluyan

d)

Wala sa nabanggit

9.

Ito ay binubuo ng imahinasyon ng may-akda.

a)

prosa 

b)

kathang isip

c)

panuluyan

d)

dula

10.

Piliin ang angkop na karunungang-bayan sa pahayag na “Kapit tuko”

a)

Sawikain

b)

Kasabihan  

c)

Salawikain            

d)

. Palaisipan

11.

Siya ay isang propagandista kilala sa sagisag panulat na taga-ilog

(a)  

12.

Siya ay isang propagandistang kasama ni Rizal at kilala sa sagisag panulat na Pupdoh?

(a)  

13.

Tinaguriang demosthenes ng Pilipinas at itinatag ang pahayagang tagapamansag ng kilusang Propaganda ang La Solidaridad.

(a)  

14.

Siya ang supremo ng katipunan na nagtatag ng KKK.

(a)  

15.

Kilala bilang lola ng Balintawak, ang naglakas loob na gumamot sa mga Pilipinong kasapi sa hukbo.

(a)  

16.

Ito ay nagsisilbing daan upang maabot ng nakaraan ang kasalukuyan.

a)

panitikan

b)

panulaan

c)

kasaysayan

d)

Kapwa A at  B

17.

Anong aral ang makukuha sa salawikaing “Ubos-ubos na biyaya, Bukas nakatunganga”.

a)

Kailangang huwag unhin ang pagtitipid

b)

Dapat marunong tayong mag impok

c)

Mauubos ang pera mo kung nakatunganga ka lang.

d)

Lahat ay nabibili lang

18.

"Tapat na pagsuyong lalagi sa dibdib"

a)

katapatan

b)

Pagpapakumbaba

c)

Pagpapahalaga

d)

Makatotohanan

19.

. “Walang matira kundi ang pag-ibig.”

a)

Nangingibabaw ang pagsuyo

b)

Nangingibabaw ang paggilaw

c)

Nangingibabaw ang pagmamahal

d)

Nangingibabaw ang pag asa

20.

“Itong di matiis na pagdaralita.”

a)

Sobrang kahinaan

b)

Sobrang kahirapan

c)

Sobrang kalungkutan

d)

Sobrang tuwa

21.

Ang Florante at Laura ay isinulat ni______?

a)

Antonio Luna

b)

Francisco Balagtas

c)

Ildefonso Santos

d)

Valenciano Hernandez

22.

Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng monologo maliban sa isa;

a)

Pelikula

b)

pagtatalumpati

c)

sayaw

d)

mga palabas sa paaralan

23.

Alamin ang kahulugan ng salitang may salungguhit na nasa sawikain.

Lantang gulay si inay nang umuwi galing sa paglalabada.

a)

Sobrang saya

b)

Sobrang pagod

c)

Sobrang liksi

d)

Sobrang galaw

24.

Alamin ang kahulugan ng salitang may salungguhit na nasa sawikain.

Nasaktan ng lubusan ang aking kaibigan sa pag-iisang dibdib ng kanyang dating mahal.

a)

pagmamahal

b)

pagpapakasal

c)

pagtataksil

d)

pag iwan

25.

Alamin ang kahulugan ng salitang may salungguhit na nasa sawikain.

Nakakainis kapag may kasapi ng pangkat na kilos pagong.

a)

mabilis kumilos

b)

umiikot ikot lang

c)

mabagal kumilos

d)

gumagapang

26.

Ang Alamat ay isang tuluyang kwentong nagsasalaysay ng tradisyong Pilipino.

a)

Tama

b)

Mali

27.

Pang abay na panggaano kung ito ay sumasagot sa tanong na paano.

a)

Tama

b)

Mali

28.

Ito ay pang-abay na PAMANAHON AY gumagamit ng panandang noong, kung, buhat at mula

a)

Tama

b)

Mali

29.

Mahalaga rin para sa kanila ang pagdiriwang na ito.

Alin ang katagang ingklitik sa pangungusap?

a)

mahalaga

b)

para

c)

rin

d)

kanila

30.

Elemento ng alamat na nagpapakita ng mataas na emosyon sa kuwento ngunit

biglang papawiin ng iisang masamang pangyayari.

a)

Saglit na kasiglahan

b)

tagpuan

c)

Suliranin

d)

Tauhan

31.

Elemento ng alamat na nagpapakita ng problemang kinakaharap ng

pangunahing tauhan

a)

kakalasan

b)

kasukdulan

c)

suliranin

d)

katapusan

32.

Elemento ng alamat na nagpapakita ng pinakamagandang parte o bahagi

ng istorya.

a)

kakalasan

b)

kasukdulan

c)

saglit na kasiglahan

d)

Wala sa nabanggit

33.

Ang taong nagawang magtaksil alang-alang sa pag-ibig.

a)

Adolfo

b)

Florante

c)

Menalipo

d)

Emir

34.

Ang kaluluwa ko’y kusang dumadalaw” ay isang uri ng tayutay na______?

a)

Simili

b)

Pagtutulad

c)

Personipikasyon

d)

Sinekdoke

35.

Ang Florante at Laura ay hitik na hitik sa mga aral at pagpapahalagang

makagagabay sa pang-araw araw nating pamumuhay. Ang salitang hitik na hitik

ay nangangahulugan _______?

a)

Punumpuno

b)

Mabungang-mabunga

c)

Mahusay na mahusay

d)

Naglalaman

36.

Nag-umpisa ang palatun-tunan nang tanghali kaya naman pawisan ang mga nagsipagdalo. Ano ang binibigyang turing ng salitang “tangahali”?

a)

palatuntunan 

b)

nagsipagdalo     

c)

pawisan

d)

nag umpisa

37.

Ayon sa saknong 180 ng Florante at Laura, saan hango ang pangalan ni Florante na sumasalamin sa buhay at pighati nito?

a)

Bulaklak

b)

lumuluha

c)

Tagapagtanggol

d)

Pag ibig

38.

Ito ay isang uri ng liriko na isinulat sa isang saknong na may labing apat na taludtud na hinggil sa damdamin at kaisipan.

a)

Haiku

b)

Tanaga

c)

Soneto

d)

Parsa

39.

Ibigay ang analohiya ng obra maestra at ang natatanging pinaghahandugan na nagsilbing repleksyon ng kabuuang nilalaman nito.

a)

Ibng Adarna: Kababaihang Pilipino

b)

Florante at Laura: Kasintahang si Celia

c)

Noli Mr Tangere: Tatlog paring martir na Gomburza

d)

El Filipibusterismo: Katipunan

40.

Si Cherry ay masayang nakipag usap sa kanyang mga dating kalaro ng kami ay nakauwi sa probinsya.

a)

Perpektibo

b)

Imperpektibo    

c)

kontemplatibo

d)

Perpektibong katatapos

41.

Kung may isisuksok may madudukot balang araw.

a)

Perpektibo

b)

Imperpektibo

c)

Kontemplatibo

d)

Perpektibong katatapos

42.

Kinukuha na ani Stela ang damit sa kanyang kwarto.

a)

kontemplatibo

b)

Perpektibong katatapos

c)

Imperpektibo

d)

Wala sa Nabanggit

43.

Palaging napag-uusapan ng pamilya ang tungkol sa mga bagay na patungkol sa kanilang mga dapat na gawin ng pamilya sa gawing pag-aaral. Ang salitang may salungguhit ay ___________?

a)

pandiwa

b)

pang ukol

c)

pang abay

d)

pang uri

44.

Maraming humahanga sa kanya dahil siya ay mabait at mapagkakatiwalaang bata. Ang salitang may salungguhit ay_________________?

a)

pang abay

b)

pang uri

c)

pandiwa

d)

pangngalan

45.

Sino ang mga pangunahing tauhan sa Walang Sugat- Unang Yugto, Ikalawang Yugto ni Severino Reyes.

a)

Tenong at Julia

b)

Miguel at Julia

c)

Tenong at Lucing

d)

Lito at Juana

46.

Kinilala siya bilang Ama ng Sarsuwelang Tagalog.

a)

Fray Francisco de San Jose

b)

Andres Bonifacio  

c)

Aquino Cruz

d)

Severino Reyes

47.

Tungkol saan ang tunguhin ng tulang tradisyonal ?

a)

Pag ibig

b)

Buhay nayon

c)

Makabayan  

d)

Lahat ng nabanggit

48.

Unawain ang pahayag kung anong aspekto ng pandiwa.

Si Ben ay katatapos lang kumain.

(a)  

49.

Unawain at tukuyin ang aspekto ng pandiwa.

Nagdala ng maraming pasalubong si Harbey galing sa ibang bansa.

(a)  

50.

Unawain at tukuyin ang aspekto ng pandiwa

Magkukumpuni ng upuan ang aking tatay mamaya.

(a)  

51.

Unawain at tukuyin ang aspekto ng pandiwa.

Masayang naglalaba ang mga nanay sa ilog.

(a)  

52.

Unawain at tukuyin ang aspekto ng pandiwa.

Napagkasunduan naming magkakaibigan na sabay kaming magsisimba bukas.

(a)  

53.

Ang gumaganap at nagbibigay-buhay sa dula.

a)

Direktor

b)

Aktor

c)

Manonood

d)

Wala sa nabanggit

54.

Sila ang saksi sa isang pangtatanghal.

a)

Aktor

b)

Direktor

c)

Manonood

d)

Kapwa A at B

55.

Ito ay aspekto ng pandiwa na kung saan ito ay nagsasaad o nagpapahayag na ang kilos ay natapos na.

a)

Aspektong Perpektibo

b)

Aspektong Kontemplatibo

c)

Aspektong Imperpektibo

d)

Aspektong Perpektibong katatapos

56.

Taong _________ naitayo ag pangunahing estasyon ng telebisyon sa pangunguna ni James Lidenberg.

a)

1943

b)

1953

c)

1965

d)

1968

57.

Pag may isinuksok may madudukot.

a)

Tiyak na may magagastos ang taong marunong mag-impok

b)

Umuunlad ang mga bangko dahil sa mga perang iniipon ng mga tao

c)

Madalas ay inilalagay ng mga Pilipino ang pera sa alkansiya

d)

Iwasang gumastos

58.

Suriin ang kasalugat ng salitang may nakadiin sa pangungusap.

Ang perang ginagamit sa sugal ay madalas na NATOTODAS.

a)

dumarami

b)

nananalo

c)

natatalo

d)

wala sa nabanggit

59.

Kung anong taas ng paglipad, siyang lakas ng pagbagsak.

a)

Ang taong mapagmataas ang siyang kadalasang nakararanas ng matinding pagbagsak

b)

Madalas bumabagsak sa buhay ang taong sobrang taas ang pangarap

c)

Hindi masamang mangarap nang mataas, huwag lamang sa paraang pag isipan ng masama ang kapwa

d)

Kailangan ang pagsusumikap sa buhay sa pagtatagumpay

60.

Kapag maaga ang lusong ay maaga ang ahon.

a)

Kapag maagang nagsimula tiyak na maaga ring matatapos

b)

Lumulusong nang maaga upang makaahon sa buhay at matamo ang tagumpay

c)

Matutong umahon sa anumang pagsubok na iyong nilusong .

d)

Naghihikahos sa paglabas sa nasasadlakan

61.

Ang pangatnig na at saka at pati ay nabibilang sa ________?

a)

Pamukod

b)

Panalungat

c)

Pandagdag

d)

Panubali

62.

Ang magasin tungkol sa balitang showbiz.

a)

Cosmopolitan

b)

Metro 

c)

T3

d)

Yes!

63.

Tinatalakay nito ang mga kagustuhan at suliranin ng kabataan.

a)

Candy  

b)

FHM

c)

Good Housekeeping

d)

Men’s Health

64.

Ang magasin na ito ay pumapaksa sa mga gadgets at ipinapakita nito ang mga pinakahuling pagbabago sa Teknolohiya.

a)

Entrepreneur

b)

Good Housekeeping 

c)

T3

d)

Yes!

65.

Ano ang kauna-unahang magasin sa Pilipinas.

a)

Candy         

b)

Liwayway

c)

Lipang Liwayway

d)

Telembang

66.

Ang ___________ ay isang pampanitikang maituturing na maikling kuwento.

a)

Dagli

b)

Lipang kalabaw

c)

Liwayway

d)

Telembang

67.

Ang salitang EWAN ay nabibilang sa __________?

a)

Balbal

b)

Banyaga

c)

lalawiganin

d)

kolokyal

68.

Ang salitang PRANING ay nabibilang sa ___________?

a)

balbal

b)

banyaga

c)

lalawiganin

d)

kolokyal

69.

Ang salitang NGARUD ay nabibilang sa ________?

a)

balbal

b)

banyaga

c)

lalawiganin

d)

kolokyal

70.

Hanep ang saya pala talagang mag aral gamit ang kompyuter.

a)

balbal

b)

banyaga

c)

lalawiganin

d)

kolokyal

71.

Mabisa itong ginagamit sa pagpapalawak ng isang paksang isusulat at pangangalap ng mga kaugnay na karagdagang kaalaman.

a)

Brainstorming

b)

Imersiyon

c)

Pagsasarbey

d)

Pagbabasa at Pananaliksik

72.

Ito ay isang paraan ng pangangalap ng impormasyon sa pamamagitan ng pagmamasid sa mga bagay-bagay.

a)

Imersiyon

b)

Obserbasyon

c)

Pagsasarbey

d)

Sounding out friends

73.

Ito ay isang paraan ng pangangalap ng impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa sa pamamagitan ng pagsagot ng questionnaire sa isang grupo ng mga respondent.

a)

Brainstorming

b)

Imersiyon

c)

Pagsasarbey

d)

Pag-eeksperimento

74.

Ito ay sadyang paglalagay sa sarili sa isang karanasan o gawain upang makasulat hinggil sa karanasan o gawaing kinapalooban.

a)

Imersiyon

b)

Pagsasarbey

c)

Pag-eeksperimento

d)

Pagtatanong o questioning

75.

Sabi nila YOLO kaya sulitin mo ang lahat ng oras mo habang buhay ka pa.

a)

Balbal

b)

Lalawiganin

c)

kolokyal

d)

Pampanitikan

76.

Ang pagiging matapobre ay isang ugaling dapat iwaksi ng kabataan.

a)

madamot sa kapwa

b)

mapangmaliit sa kapwa

c)

mapang api sa mahihirap

d)

palaaway at mayabang

77.

Sa ugnayang ito ipinakikitang maaaring maganap o sumalungat ang pangyayari kung isasagawa.

a)

Kondisyon at Resulta

b)

Paraan at layunin

c)

Paraan at resulta

d)

Pag aalinlangan at pag- aatubili

78.

Isinasaad ng ugnayang ito kung paano makakamit ang mga mithiin at paraan ginagamitan ng pang ugnay na upang, para, nang at iba pa.

a)

Kondisyon at Resulta

b)

Paraan at Layunin

c)

Pag aalinlangan at Pag-aatubili

d)

Sanhi at bunga

79.

Gumagamit ng mga pangatnig na sapagkat, pagkat, palibhasa, dahil, kasi at kaya.

a)

Kondisyon at Resulta

b)

Paraan at Resulta

c)

Paraan at layunin

d)

Sanhi at Bunga

80.

Ito ay komposisyong pinakamdaling maunawaan dahil sa modernong salawikain sa kasalukuyan.

a)

awit

b)

Islogan

c)

Patalastas

d)

Rap

81.

Ang Florante at Laura ay isinulat ni Balagtas handog para kay (a)   ?

82.

Isulat ang kahulugan ng may salungguhit na mga idyoma.

Ang aming lupain sa Zambales ay di-maliparang uwak.



(a)  

83.

Isulat ang kahulugan ng mga nakasalungguhit na Idyoma.

Ang kanyang kuya ay nagbibilang ng poste.

(a)  

84.

Kumukulo ang dugo ko sa tuwing nakikita ko ang kasintahan ko na may kasamang iba.

(a)  

85.

Tukuyin ang may-akda ng "Ang pinagmulan ng Marinduque"

a)

Efren R, Ubueg

b)

Pablo M. Cuasay

c)

Ponciano B.P Pineda

d)

Severino Reyes

86.

Sino ang may akda ng akdang pampanitikang

"Saranggola"?

a)

Francisco "Balagtas" Baltazar

b)

Francisco "Soc" Rodrigo

c)

Efren R. Abueg

d)

Jose Corazon de Jesus

87.

Siya ang sumulat ng Amerikanisasyon ng isang Pilipino.       

a)

Joey Arrogante

b)

Jose P. Rizal

c)

Padre Domingo Nieva

d)

Ponciano B.P Pineda

88.

Ang mag akda ng Sa pula sa puti ay _________?

a)

Jose Corazon de Jesus

b)

Francisco "Soc" Rodrigo

c)

Pablo M. Cuasay

d)

Padre Domingo Nieva

89.

Ang "Biag ni Lam-ang ay isang epikong labis na pinahahalagahan at ipinagmamalaki ng mga:

a)

Bisaya

b)

Bikolano

c)

Ilokano

d)

Kapampangan

90.

Tukuyin ang tamang gamit ng bantas

ika,7 ng umaga

a)

TAMA

b)

MALI

91.

Tukuyin ang tamang gamit ng bantas

maka:diyos

a)

TAMA

b)

MALI

92.

Ito ay uri ng pang-abay na sumasagot sa tanong na paano ginawa ang sinasabi ng pandiwa sa pangungusap.

a)

Panlunan

b)

Panggaano

c)

Pamanahon

d)

Pamaraan

93.

Ilan ang kilalang pang-abay na ingklitik?

a)

13

b)

14

c)

15

d)

16

94.

Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng alamat?

a)

bantugan

b)

indarapatra

c)

lam-ang

d)

Marinduque

95.

"Hmp. Pagkadilat ng mata mo sa umaga, wala ka nang naisip na kumustahin at himasin kundi ang iyong tinali. Tila mahal mo pa ang mga tinali mo kaysa sa akin,"

a)

Pagsasaya

b)

pagkatakot

c)

pagseselos

d)

panunumbat

96.

Epiko ng maranaw _________?

a)

Bantugan

b)

Bantugan

c)

Indarapatra at Sulayman

d)

Karagatan

97.

Ang alamat ay mula sa salitang _______na nangangahulugang mabasa.

a)

legendus

b)

polisis

c)

matri

d)

sermantos

98.

Nang mabalitaan ni Miskoyaw, dating kaaway ni Haring Madali na namatay na si Bantugan ay dagli siyang nagpadala ng mga kawal upang salakayin ang Bumbaran. Si Haring Miskoyaw ay ________?

a)

Mapagpatawad sa kanyang mga kaaway

b)

Mapagsamantala sa kahinaan ng kapwa

c)

Matalino at mahinahong hari

d)

Mapagkumbaba sa lahat

99.

Ang makulay na guryon ay magandang pagmasdan.

a)

Lantay

b)

Pahambing na palamang

c)

Pahambing na pasukdol

d)

Pasukdol

100.

Si Alleyn ang pinakamapagkakatiwalaan pagdating sa pera sa aming silid.

a)

Lantay

b)

Pahambing na palamang

c)

Pahambing na pasahol

d)

Pasukdol