wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Diagnostic test in Filipino 8

Total questions: 25

Worksheet time: 9mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay tumutukoy sa pagbabagong anyo ng morpema dahil sa impluwensya ng mga katabing tunog nito.

a)

Asimilasyon

b)

Pagkakaltas

c)

Paglilipat

d)

Pagpapalit

2.

Tukuyin kung anong uri ng Pagbabagong morpoponemiko ang salitang linggo-linggo?

a)

Assimilasyon

b)

Pagkakaltas

c)

Pagpapalit

d)

Paglilipat

3.

Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin kadalasang pinapakilala ang iba sa mga tauhan ng kuwento.

a)

PANIMULA

b)

KASUKDULAN

c)

SULIRANIN

d)

WAKAS

4.

Pagkakasunud-sunod ng pangyayari sa kwento.

a)

SIMBOLISMO

b)

BANGHAY

c)

PAKSANG DIWA

d)

KAISIPAN

5.

Sino ang AMA NG BALAGTASAN?

a)

Francisco De Mortiz

b)

Francisco Balagtas Baltazar

c)

Francis Magalona

d)

Bazaar

6.

 

Ito ay isang uri ng karunungang bayan na naglalaman ng matalinghagang pahayag at mayroong nakatagong kahulugan.

a)

Sawikain

b)

Kasabihan

c)

Bugtong

d)

Salawikain

7.

Ito ay nagsisilbing libangan ng ating mga ninuno na nagtataglay ng maikli at tugmaang pahayag upang ipasagot sa iba.

a)

Dugtong

b)

Bugtong

c)

Sawikain

d)

Kasabihan

8.

Ito ay pasalitang anyo ng panitikan na nagsimula bago dumating ang mga mananakop, nagsasalaysay sa pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigidig.

a)

alamat

b)

epiko

c)

salawikain

d)

pabula

9.

Ang sumusunod ay mga paksa na tinatalakay sa alamat. Alin ang HINDI kabilang dito?

a)

mga hindi pangkariniwang pangyayari

b)

nagtataglay ng mga kababalaghan

c)

mga hayop ang pangunahing tauhan

d)

pumapaksa sa mga kaugalian, katutubong kultura at kapaligiran

10.

Ito ay isang halimbawa ng alamat.

a)

Si Pagong at si Matsing

b)

Si Pilandok at Datu Usman

c)

Bakit maalat ang tubig ng dagat?

d)

Ang Mabuting Samaritano

11.

Ito ay nagbibigay turing sa pandiwa, pang-uri at kapwa pang-abay.

a)

Pangngalan

b)

Pang-abay

c)

Pandiwa

12.

 

Pang-abay na nagsasaad kung saan ginanap, magaganap ang isang pandiwa.

a)

Pamanahon

b)

Panlunan

c)

Pamaraan

13.

Ito ay mahabang tulang pasalaysay tungkol sa kabayanihan ng pangunahing tauhan.

a)

Tula

b)

Alamat

c)

Maikling kuwento

d)

Epiko

14.

Ito ay tumutukoy sa pinagmulan o dahilan ng isang pangyayari.

a)

Sanhi

b)

Opinion

c)

Katotohanan

d)

Bunga

15.

Maraming ang nanghihinayang sa pagkamatay ng ilang Frontliners sapagkat sila ang higit nating kailangan sa panahon ngayon. Ano ang pahayag na nakasalungguhit?

a)

Opinion

b)

Sanhi

c)

Katotohanan

d)

Bunga

16.

Lumangoy kaming magkakaibigan sa lawa nitong sabado. Tukuyin ang pang-abay na panlunan sa pangungusap.

a)

sa lawa

b)

kaming magkakaibigan

c)

nitong Sabado

17.

Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa etiyolohikal na alamat?

a)

Ito ay mga alamat na nagsasalaysay kung bakit taglay ng mga bagay ang mga katangian na mayroon sila.

b)

Ito ay mga alamat na tumutukoy sa relihiyon, kultura, at tradisyon ng isang pangkat na nagpapahayag ng kasarinlan.

c)

Ito ay mga alamat na nagsasaad ng nakaraan at kasaysayan at pinagmulan ng isang pook o lugar

d)

Wala sa Nabanggit

18.

 

Sino ang unang pag-ibig ni Balagtas?

a)

Maria Leonor Rivera

b)

Maria Asuncion Rivera

c)

Maria Magdalena Rivera

d)

Juana Tiambeng

19.

 

Ito ay isang tradisyunal na tula, mabagal, at pasalaysay. May dadalawahing pantig.

a)

Awit

b)

Tuluyan

c)

Tula

d)

Korido

20.

 

Kailan lumaganap ang Florante at Laura?

a)

Panahon ng Amerikano

b)

Kasalukuyang Panahon

c)

Panahon ng Kastila

21.

Ang unang Edisyon ng Florante at Laura ay nailimbag noong 1828 nang 50 taong gulang si Balagtas.

a)

Tama

b)

Mali

22.

 

Ito ay nagsisilbing daan o tulay upang maabot ng nakaraan ang kasalukuyan.

a)

panitikan

b)

mamamayan

c)

kasaysayan

23.

 

Ito ay pagpapahayag ng mga tunay at tiyak na pangyayari sa buhay.

a)

katha

b)

hindi kathang-isip

c)

kathang-isip

24.

 

Ito ay mga halimbawa ng panulaan, maliban sa ______________ ,

a)

awit

b)

anekdota

c)

bugtong

25.

Anong anyo ng panitikan ang "Noli me Tangere"?

a)

nobela

b)

maikling-kwento

c)

talambuhay