wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Magagalang na Pananalita

Total questions: 10

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

Mga eksenang pantahanan

"Sa oras ng pagmamadali" gutom ka na ng sapitin mo ang inyong bahay mula sa paaralan, nataon na naguusap ang ang iyong nanay at sa isa niyang kakilala na nakaharang sa daan, ano ang nararapat mong sasabihin?

a)

Nakaharang kayo sa daan o!

b)

Makikiraan po!

c)

Ano ba naman yan, dito pa sa daan eh!

d)

Umaalis nga kayo sa daan!

2.

"Sa oras ng pagdating ng magulang" gabi na ng dumating ang iyong mga magulang mula sa kanilang trabaho, ano ang dapat mong sabihin?

a)

Ginabi ata kayo ah!

b)

Nasaan ang pasalubong ko?

c)

Oy, ang sisipag naman nyo!

d)

Magandang gabi po!

3.

"Sa oras ng panonood" Nanonood ang iyong mga kapatid ng paborito nilang programa sa telebisyon, at nataong na oras na rin ng programang iyong sinusubaybayan upang magamit ito para sa assignment sa eskwela, ano ang sasabihin mo sa kanila?

a)

ibang channel tayo ha!

b)

Sagwa naman ng pinanonood nyo, ibahin natin ang channel.

c)

kanina pa yang panonood nyo, ako naman!

d)

Maari bang ako naman, napakahalaga kasi ito sa assignment namin sa klase!

4.

"Sa oras ng kainan" may gusto kang abutin na ulam, ngunit malayo ito sa'yo, paano mo ito sasabihin?

a)

O yang ulam, dito naman!

b)

iabot sa akin yang ulam para matikman!

c)

paabot naman ng ulam!

d)

iabot nyo nga yang ulam!

5.

"Sa oras ng pagtulog" namataan mong bukas pa ang ilaw at nanonood pa ang iyong kapatid, ano ang dapat mong sabihin sa kanya?

a)

nakakaistorbo ka a, hala tulog!

b)

dagdag gastos na naman yan, matulog ka na nga!

c)

natutulog na lahat, mapupuyat ka niyan, bukas ulit ha!

d)

wala ka bang pakiramdam, nakakabulahaw ka!

6.

"Sa oras na may bisita" dumating mula sa ibang probinsya ang kamag-anak ng tatay mo na nasa likod-bahay lang, ano ang dapat na pagsalubong mo sa kanila?

a)

ay, nasa likod-bahay ang tatay, puntahan nyo na lang!

b)

Sino po sila, at ano ang kailangan?

c)

Sige po, tuloy muna kayo at maupo, tatawagin ko lang ang tatay.

d)

Sus, ang aga-aga nyo pa ah!

7.

"Sa mga gawaing bahay" Nag-utos ang nanay nyo na linisin ang loob ng bahay, at mag-igib ng tubig para gagamitin sa pananghalian at gabi, ngunit ang iyong mga kapatid ay hindi kumilos, ano ang dapat mong sasabihin sa kanila?

a)

para kayong mga patay na lukan ah, hindi nyo ba narinig ang utos ng nanay?

b)

Ano ba kayo, palamunin lang dito!

c)

Mga batugan kayo, hala kilos!

d)

Tulungan nyo naman ako, hindi ko kaya ito mag-isa!

8.

Sa mga eksenang may hinahanap.

"Sa mga nakatagong lugar" inutusan ka ng tatay mo na hanapin ang iyong tiyuhin sa isang barangay, ngunit hindi mo alam ang eksaktong lugar ng bahay. May nakasalubong kang isang matanda, ano ang dapat mong itanong sa kanya?

a)

Sandali po, may alam po ba kayo sa taong ito?

b)

alam mo ba ang bahay na ito, tanda?

c)

Tanda! maari mo bang sabihin sa akin kung saan ang bahay nito?

d)

Mawalang-galang na po lolo, alam po ba ninyo kung saan ang bahay nito?

9.

"Sa mga direksyon" papunta ka sa lugar ng kliyente ng amo mo, dahil baguhan ka pa lang sa lugar ay naligaw ka, nakita mo ang pulis, paano mo itanong ang direksyon?

a)

Mamang pulis, alam po ba ninyo ang lugar na ito?

b)

Sir, nakalilito naman ang lugar na ito, saan po ba ang lugar na ito?

c)

Magandang araw po mamang pulis, maari po bang magtanong?

d)

Naku naman mamang pulis, naligaw po ako papunta sa direksyon na ito!

10.

"Sa mga nawaglit o nawawalang mga gamit" dahil sa iyong pagmamadali, nalimutan mong dalhin ang compass na hiniram mo lang sa paaralan, binalikan moito, ngunit wala na sa iyong pinaglalagyan, paano mo ito sasabihin sa mga kasama sa bahay?

a)

tulungan niyo naman akong makita ang compass, hiniram ko kasi yon sa paaralan!

b)

Nasaan ang compass na nandito kanina, sino sa inyo ang nakialam?

c)

Sino ang kumuha ng compass dito, ibigay sa akin!

d)

Yong compass dito kanina, huwag ninyong itago, ibalik sa akin!