wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN - QUIZ 1

Total questions: 24

Worksheet time: 2mins

Name
Class
Date
1.

I. BASAHIN AT UNAWAIN ANG MGA PANGUNGUSAP. PILIIN ANG TAMANG KASAGUTAN SA BAWAT BILANG.

1. Ayon sa kanya ang kakayahan sa pagsulat nang mabisa ay isang bagay na totoong mailap para sa nakararami sa atin maging ito'y pagsulat sa Unang wika o Pangalawang wika man?

a)

Keller

b)

Badayos

c)

Murray

d)

Xing

2.

2. Ayon sa kanya ang pagsulat ay isang komprehensibong kakayahan na naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan sa madaling sabi gramatika?

a)

Peck at Buckingham

b)

Badayos et al.

c)

Keller et.al.

d)

Xing at Jin

3.

3. Ayon kay _______ " ang pagsulat ay isang biyaya, isang pangangailangan at isang kaligayahan ng nagsasagawa nito."

a)

Badayos

b)

XIng at Jin

c)

Keller

d)

Murray

4.

4. Para sa kanya ang pagsulat ay isang eksplorasyon, pagtuklas sa kahulugan, pagtuklas sa porma at iba pa.

a)

Murray

b)

Keller

c)

Badayos

d)

Jin

5.

5. Ayon kay Arrogante ang taong may kahinaan sa pagsasalita ay mahilig sumulat para mailabas lamang ang nasa kalooban may babasa man o wala. Anong Uri ng kahalagahan ng pagsulat ayon kay Arrogante?

a)

Kahalagahang Panterapyutikal

b)

Kahalagahang Pansosyal

c)

Kahalagahang Pang-Ekonomiya

d)

Kahalagahang Pangkasaysayan

6.

6. Ito'y ginagamit ng tao ang pagsulat upang mailabas ang mga nararamdaman nila nang tahimik. Anong kahalagahan ng pagsulat ito ayon kay Arrogante?

a)

Kahalagahang Pang -Ekonomiya

b)

Kahlagahang Pansosyal

c)

Kahlagahang Pangkasaysayan

d)

Kahalagahang Panterapyutikal

7.

7. Ang panulat ay mahalaga sa pagrereserba ng ating kasaysayang pambansa sa mga susunod na henerasyon. Anong kahalagan ng pagsulat ayon kay Arrogante?

a)

Kahalagahang Panterapyutikal

b)

Kahalagahang Pansosyal

c)

Kahalagahang Pang-Ekonomiya

d)

Kahalagahang Pangkasaysayan

8.

8. Ang tao'y sumusulat dahil kailangan para siya'y mabuhay, sa madaling salita ito'y nagiging kanyang hanapbuhay. Anong kahalagan ng pagsulat ayon kay Arrogante?

a)

Kahalagahang Panterapyutikal

b)

Kahalagahang Pansosyal

c)

Kahalagahang Pang-Ekonomikya

d)

Kahalagahang Pangkasaysayan

9.

9. Ito ay naghahangad na makapagbigay impormasyon at mga paliwanag. ANg pokus nito ay ang mismong paksang tinatalakay sa teksto?

a)

Impormatib na Pagsulat

b)

Mapanghikayat na pagsulat

c)

Malikhaing Pagsulat

d)

Pansariling Pagpapahayag

10.

10. Kilala ito sa tawag na persuasive writing. Naglalayon itong makumbinsi ang mga mambabasa tungkol sa isang katwiran, opinyon o paniniawala.

a)

Pansariling Pagpapahayag

b)

Malikhaing Pagsulat

c)

Mapanghikayat na Pagsulat

d)

Impormatib na Pagsulat

11.

11. Ito ay ginagawa ng mga manunulat ng mga akdang pampanitikan. Kadalasan ang pangunahing layunin ng awtor dito ay magpahayag lamang ng ng kathang -isip, imahinasyon, ideya, damdamin o kumbinasyon ng mga ito.

a)

Impormatib na Pagsulat

b)

Mapanghikayat na pagsulat

c)

Malikhaing Pagsulat

d)

Pansariling Pagpapahayag

12.

12. Sa layuning ito, ginagawa ang pagsulat bunga ng paniniwalang ito'y mapakikinabangan?

a)

Malikhaing Pagsulat

b)

Pansariling pagpapahayag

c)

Mapang hikayat na Pagsulat

d)

Impormatib na Pagsulat

13.

13. Dito nakapokus ang kronikal o pagkakasunud-sunod na daloy ng mga pangyayaring aktwal na naganap?

a)

Paglalahad

b)

Pagsasalaysay

c)

Pangangatwiran

d)

Paglalarawan

14.

14. Anyo ng pagsulat na nagpapaliwanag ang pinakasentro sa pagbibigay linaw sa pangyayari, sanhi at bunga, at mga pagkaka-ugnay na mga ideya.

a)

Pangangatwiran

b)

Paglalarawan

c)

Pagsasalaysay

d)

Paglalahad

15.

15. Ipinapahayag dito ang katwiran, opinyon o argumentong pumapanig o sumasalungat sa isang isyu na nakahain sa manunulat.

a)

Paglalahad

b)

Pagsasalaysay

c)

Pangangatwiran

d)

Paglalarawan

16.

18. Isinasaad ng panulat na ito ang obserbasyon, uri, kondisyon, palagay, damdamin ng isang manunulat hinggil sa isang bagay, tao, lugar, at kapaligiran.

a)

Pangangatwiran

b)

Paglalahad

c)

Pagsasalaysay

d)

Paglalarawan

17.

19. Ito ang unang hakbang na isinasagawa sa pagpapaunlad ng paksang isusulat.

a)

Pagsulat ng Burador

b)

Bago sumulat

c)

Pagrerebisa

d)

Pag-eedit

18.

18. Ang bahaging ito ay pagwawasto sa gramatika, ispeling, etraktura ng pangungusap, wastong gamit ng salita at iba pa.

a)

Pagrebisa

b)

Pagsulat ng burador

c)

Bago sumulat

d)

Pag-eedit

19.

19. Ito ay aktuwal na pagsulat nang tuloy-tuloy na hindi isinaalang-alang ang maaring pagkakamali.

a)

Bago sumulat

b)

Pagsulat ng Burador

c)

Pagrebisa

d)

Pag eedit

20.

20. Layunin ng Akademikong pagsulat na bigyang diin ang impormasyong gustong ibigay at ang argumento sa mga ideya na sumusuporta sa paksa.

a)

Paninindigan

b)

Pananagutan

c)

Obhetibo

d)

Subhetibo

21.

21. Ang ganitong uri ng sulatin ay pormal at hindi ginagamitan ng impormal na pananalita.

a)

Balbal

b)

Impormal

c)

Pormal

d)

Obhetibo

22.

22. Dapat alam ng nagsasagawa ng akademikong pagsulat .Ang pangongopya ng ipormasyon o ideya ng ibang manunulat o plagiarism ay isang kasalanan na may kaakibat na kaparusahan.

a)

Pananagutan

b)

Paninindigan

c)

Pagkaalam

d)

Kalinawan

23.

23. Ito'y dapat taglay ng isang nagsasagawa ng akademikong pagsulat ang katangiang kaya niyang depensahan at ipaliwanag ang ginawang pananaliksik.

a)

Pananagutan

b)

Paninindigan

c)

Pakikipaglaban

d)

Kalinawan

24.

24-25. Ano ang buong pangalan ng inyong guro sa SHS na nagtuturo ng " Pagsulat sa Filipino sa PIling Larangan"?

(a)