NEW
Font size
WorksheetsAP10 Reviewer Summative Test #1
Total questions: 15
Worksheet time: 5mins
1. Ito ay tumutukoy sa anumang pangyayari, ideya, paksa o suliranin na nagaganap isang lipunan, bansa o mundo na nagdudulot ng pagbabago sa kasalukuyang panahon.
Isyung Pangkalusugan
Kontemporaryong Isyu
Napapanahong Isyu
Isyung Panseguridad
Mahalaga ang pagkakaroon ng kasanayan sa pag-aaral ng mga isyu. Alin sa mga sumusunod na kasanayan ang kabilang sa mga kasanayang malilinang sa pag-aaral ng kontemporaryong isyu?
pangangalap ng mga datos ng walang batayan
pagatatalaga sa mga tao ng kung ano ang nais ng namumuno
pagsusuri at pagtataya ng mga ugnayan ng sanhi at epekto ng mga pangyayari
paggamit ng mga pormula sa matematika upang masukat ang epekto ng mga suliranin
Mahalagang malaman ang mga bagay na may kaugnayan sa pang-araw-araw nating pamumuhay. Paano makatutulong ang pag-aaral ng kontemporaryong isyu sa araw-araw nating buhay?
pagsali sa mga usapin ng bansa
nasusuri at natataya ang ugnayan ng mga pangyayari sa ating lipunan
lumawak ang kaalaman sa mga isyu na maaaring ibahagi sa iba at kapulutan ng aral
natututong makilahok sa mga pagtitipon na layong kalampagin ang pamahalaan sa pagkukulang nito
Ang pagkilala sa primarya at sekondaryang sanggunian ay kailangan sa pag-aaral ng kontemporaryong isyu. Paano nakakatulong ang sanggunian sa pag-aaral ng kontemporaryong isyu?
Nakapagliligtas ito sa tao sa tiyak na kapahamakan.
Nagbibigay ng paglalahat ang mga manunulat o mananaliksik.
Nagpapahiwatig ng saloobin at kaisipan ng tao tungkol sa inilahad na katotohanan.
Nakatutulong ito sa paggawa ng mahalagang desisyon at sa pakikilahok sa iba’t ibang proyekyo ng pamayanan.
Ang mga isyu gaya ng suliranin sa basura, polusyon, pagnipis ng ozone layer, climate change at kalamidad ay isyung may kaugnayan sa _______________.
Ekonomiya
Kalusugan
Lipunan
Kapaligiran
Maraming pangyayari at suliranin ang kinakaharap ng ating komunidad, bansa at daigdig. Ano ang tawag sa mga pangyayari o suliraning bumabagabag at nagpapabago sa kalagayan ng ating bansa, mundo, at pamayanan sa kasalukuyan?
Kontemporaryong Isyu
Kontemporaryong Pandaigdig
Kontemporaryong Kasaysayan
Kontemporaryong Pang-ekonomiya
Ang bawat tao ay may angking kakayahan na dapat malinang. Ano ang tawag sa kakayahan ng isang indibidwal na makita ang kaugnayan ng mga personal na karanasan sa lipunang kaniyang ginagalawan?
social group
sociological issue
social imagery
sociological imagination
Ang paglaganap ng COVID-19 bilang isang pandemya sa iba’t ibang panig mundo ay maituturing na isang kontemporaryong isyu. Anong isyu ang sinasaklaw nito?
pangkalusugan
seguridad
panlipunan
pambansa
Ito ay tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon, at pagpapahalaga.
organisasyon
asosasyon
lipunan
pambansa
Sa pag-aaral ng kontemporaryong isyu, mahalagang isinasaalang-alang ang _______ sa pagbuo ng isang matalinong desisyon. Ano ito?
kaisipan ng mga eksperto
katotohanan at ebidensiya
sariling opinyon
damdamin ng nakararami
Madalas ang pagtatalo ng mga magulang ni Joshua dahil sa kawalan ng trabaho ng kaniyang ina dahil sa pagsasarado ng pinapasukang kompanya. Ano ang maipapayo mo kay Joshua na apektado na ang pag-aaral sa isyung ito ng kaniyang pamilya
Maglabas ng sama ng loob sa social media.
Tumigil sa pag-aaral at maghanap ng trabaho.
Ipakilala ang ina sa nangangailangan ng manggagawa
Makisali sa welga ng mga manggagawa.
1. Paano makatutulong ang kaalaman sa sociological imagination sa pagtugon sa mga isyung panlipunan?
Naiuugnay ang pagtugon sa personal na isyu sa mga solusyon sa mga isyung panlipunan.
Nailalapat ang personal na karanasan sa mga personal na isyu ng mga kakilala at kaibigan.
Nauunawaan na tanging ang pamahalaan lamang ang makatutugon sa mga isyung panlipunan.
Naiuugnay ang mga panlipunang isyu sa mga kinakaharap ng ibang lipunan sa labas ng bansa
Napakahalaga ng pag-aaral ng mga kontemporaryong isyu. Nililinang nito ang pansariling kakayahan at kasanayan sa pag-unawa at pag-iisip. Alin sa sumusunod ang walang kaugnayan sa pahayag?
Paggamit ng malinaw at makabuluhan na kaalaman tungkol sa iilan o piling kaganapan lamang sa mga tao, pamayanan, bansa at mundo.
Pagsusuri at pagtataya ng ugnayan ng sanhi at epekto ng sitwasyon.
Malalim na pag-unawa at pagpapahalaga sa sama-samang pagkilos at pagtugon sa mga pandaigdigang suliranin.
Paggalang sa iba’t ibang paniniwala o pananaw kahit ito ay naiiba o salungat sa sariling paniniwala o pananaw.
1. Ito ay isang pampublikong bagay na may mga kaugnay itong krisis o suliranin sa mga institusyong panlipunan. Nakaaapekto ang mga isyu o suliraning ito sa mas maraming tao o maging sa lipunan sa pangkalahatan.
Isyung Personal
Isyung Panlipunan
Lipunan
Sociological Imagination
Bilang isang mag-aaral, bakit kailangang malaman ang mga isyu at suliraning panlipunan na kinakaharap ng ating bansa?
Dahil ako ay bahagi ng suliranin ng lipunan.
Dahil ako’y Pilipino na may tungkulin na bigyang proteksyon ang bansa.
Dahil bahagi ng lipunan na maaaring mamahala sa darating na panahon.
Dahil ako ay kasapi na bumubuo sa lipunan at may makakatulong ako sa paglutas ng
suliranin ng bansa.
