wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Preliminaring Eksaminasyon sa Filipino sa Iba't ibang Disiplina

Total questions: 45

Worksheet time: 2hrs 15mins

Name
Class
Date
1.

Panuto: Ilagay ang TAMA kung wasto ang pahayag, at MALI kung hindi.

Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Pilipino.

(a)  

2.

Ang pinakaesensyang konsepto ng wikang Filipino ay ang pagiging pambansang lingua franca nito.

(a)  

3.

Ang haypotesis ni Pool (1972) sa kanyang pananaliksik ay nakatutulong sa kaunlarang pang-ekonomiya ang pagkakaiba-iba sa wika.

(a)  

4.

Ayon kay Fishman (1968), ang mga bansang may iba-ibang komposisyong linggwistik ay nahaharap sa natatanging sagabal sa kaunlaran.

(a)  

5.

Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang linguistically diverse sa daigdig.

(a)  

6.

Malinaw na layunin ng pagpapaunlad ng wikang Filipino ang pagkitil sa ating mga katutubong wika.

(a)  

7.

Sa pamamagitan ng wika, ang pag-iisip ay nalilinang, at ang pag-unlad ng pag-iisip ay humahantong sa lalong pag-unlad ng wika.

(a)  

8.

Ang edukasyon ng mga Pilipino sa ilalim ng pananakop ng Amerika ay isang instrumento ng kolonyal na polisiya.



(a)  

9.

Dahil mga Pilipino ang maituturing na pinakaaktibo sa social media, hindi naiwasan ang paglaganap at paggamit ng Filipino sa Internet.

(a)  

10.

Nananatiling makapangyarihang wika ang Ingles sa Pilipinas

(a)  

11.

Patuloy ang pagkabansot ng ating proseso ng pag-iisip. Bunga ito ng edukasyong makadayuhan, at wala nang iba pang malinaw na katunayan ng pagkamakadayo ng ating kasalukuyang sistemang pang-edukasyon kundi ang wikang banyaga sa edukasyon.

(a)  

12.

May dalawang saligan ng pagpapayabong at pagpapayaman sa wikang pambansa ng Pilipinas.

(a)  

13.

Kapag ang wika ay naghiram ng salita sa ibang wika marapat lamang na ibalik ito ng wikang nanghiram.

(a)  

14.

Ang KWF ay nangangahulugang Konstitusyon ng Wikang Filipino.

(a)  

15.

Matatagpuan ang probisyon sa Wikang Filipino sa 1987 Saligang Batas, Artikulo XIV, Seksyon 6-9.

(a)  

16.

Panuto: Piliin lamang ang titik ng tamang sagot.

Ang unang katawagan sa ahensyang itinatag ng pamahalaan na may tungkuling pag-aralan ang mga katutubong wika sa Pilipinas upang makapili nang magiging batayan ng wikang pambansa.

a)

Konstitusyon ng Wikang Filipino

b)

Komisyon ng Wikang Filipino

c)

Samahan ng Wikang Pambansa

d)

Surian ng Wikang Pambansa

17.

Ang mga salitang kompyuter, taxi, fax, cellphone ay hiniram sa anong wika?

a)

Wikang Kastila

b)

Wikang Pranses

c)

Wikang Ingles

d)

Wikang Intsik

18.

Sumusulat ng mga Kuwentong Pambata sa wikang Filipino na tumatalakay sa kahalagahan ng Kalusugan.

a)

Dr. Luis Gatmaitan

b)

Dr. Florentino Hornedo

c)

Dr. Fortunato Sevilla

d)

Dr. Maxima Acelajado

19.

Pumasok ang katawagang Pilipino para sa wikang pambansa taong _____.

a)

1969

b)

1959

c)

1979

d)

1987

20.

Sa kasaysayan ng Pilipinas, ito ang pahayagang itinuturing na unang pahayagang lumabas nang palagian/regular sa bansa.

a)

La Esperanza

b)

Diariong Tagalog

c)

Del Superior Gobierno

d)

La Solidaridad

21.

Naglalaman ng mga bagong asignaturang dapat kunin ng mga mag-aaral sa antas kolehiyo bunga na rin ng pagbabagong dala ng Batas K-12 na nilagdaan ni Pangulong Benigno Aquino Ill.

a)

Kautusang Pangkagawaran Blg. 18

b)

CHED Memorandum Bilang 22

c)

Kautusang Pangkagawaran Blg. 28

d)

CHED Memorandum Bilang 20

22.

Ayon sa Pamantasang ito hindi lamang isang midyum sa pagtuturo ng asignaturang Filipino ang wikang pambansa. Ayon pa sa kanila, lumilikha ito ng sariling larang ng karunungan na nagtatampok sa pagka-Pilipino ng ano mang usapin sa loob at labas ng akademya.

a)

Kolehiyo ng Arte at Literatura ng UP Diliman

b)

Pambasang Ateneo De Manila

c)

Unibersidad ng Santo Tomas

d)

DLSU Manila

23.

Isa siyang guro ng Kolehiyo ng Agham ng UST na nagtataguyod ng wikang Filipino bilang wika sa pagtuturo ng Kemistri, Pisika at iba pang kaugnay na larangan.

a)

Atty. James Domingo

b)

Dr. Fortunato Sevilla

c)

Nifia Christina L. Zamora

d)

Dr. Maxima Acelajado

24.

Ito ang itinuturing na pinakatanyag na pahayagan ng mga Pilipino sa Espanya.

a)

La Esperanza

b)

Diariong Tagalog

c)

La Liga Filipina

d)

La Solidaridad

25.

Ayon sa kanya, sa loob ng ilang taon din ng paggamit ng wikang Filipino sa pagtuturo, lubos na nauunawaan ng mga mag-aaral niya ang iba’t ibang konseptong pang-Akawntansi.

a)

Atty. James Domingo

b)

Dr. Fortunato Sevilla

c)

Nifia Christina L. Zamora

d)

Dr. Maxima Acelajado

26.

Isa siya sa nakapagpatunay na malaki ang papel na ginagampanan ng wikang Filipino bilang wikang pantulong sa pagtuturo ng Matematika sa mga Pilipinong mag-aaral.

a)

Atty. James Domingo

b)

Dr. Fortunato Sevilla

c)

Nifia Christina L. Zamora

d)

Dr. Maxima Acelajado

27.

Ayon sa kanya, dahil sa dami at haba ng kanyang paliwanag sa mga konseptong pang-Matematika bunga na rin ng kakulangan sa salin at terminong panumbas dito ay parang halos dalawang oras siyang nagtuturo ng asignaturang ito.

a)

Atty. James Domingo

b)

Carlito Salazar

c)

Nifia Christina L. Zamora

d)

Dr. Maxima Acelajado

28.

Ang itinuturing na pahayagang naglalathala araw-araw. Ito ay unang lumabas noong Disyembre 1, 1846 na ang kalimitang isyung tinatalakay ay tungkol sa pilosopiya, relihiyon at kasaysayan.

a)

La Esperanza

b)

Diariong Tagalog

c)

La Liga Filipina

d)

La Solidaridad

29.

Ginamit niya ang Filipino bilang midyum sa pagtuturo ng mga asignatura sa Inhenyeriya gaya ng Process Design in Chemical Engineering, Heat Transfer, Computer Calculations at Momentum Transfer.

a)

Atty. James Domingo

b)

Carlito Salazar

c)

Nifia Christina L. Zamora

d)

Dr. Maxima Acelajado

30.

Pahayagang nakilala noong panahon ng Espanyol na itinatag ni Marcelo H. del Pilar na ang mga paksa ay tungkol sa pagibig sa bayan at kasawiang nararanasan ng Pilipinas sa kamay ng mga Espanyol.

a)

La Esperanza

b)

Diariong Tagalog

c)

Del Superior Gobierno

d)

La Solidaridad

31.

Ang sumusunod ay mga pahayagang tabloid na nasa wikang Filipino maliban sa isa, alin ito?

a)

Abante

b)

Remate

c)

Diario

d)

Bulgar

32.

Panuto: Tukuyin ang hinihingi ng bawat pangungusap.

Pinangangatwiranang ang Filipino ay hindi lamang isang midyum kundi isa ring

.

(a)  

33.

Ano ang dalawang opisyal na wika ng Pilipinas?

(a)  

34.

Ayon sa patakarang pangwika ng ahensiyang ito, ang wikang Filipino ay wikang pagdudukalan ng pagkakakilanlang pambansa. Nakapaloob sa wikang ito ang kabihasnan at kulturang Pilipino.



(a)  

35.

Siya ang nagtatag ng pahayagang Diariong Tagalog noong panahon ng Espanyol.

(a)  

36.

Dalawang aklat na inilimbag ni James Domingo ukol sa Accountancy na nakasulat sa wikang Filipino. (Magbigay lamang ng isa)

(a)  

37.

Ayon sa kanila napakahalaga ng Matematika sa buhay ng tao kaya’t mahalagang ikintal sa isipan ng mga mag-aaral ang bawat aral na naibibigay nito.

(a)  

38.

Siya ang unang pinamatnugutan ng pahayagang La Solidaridad.

(a)  

39.

Ang Kautusang ito ang nagtakda na tuwing tutukuyin ang wikang pambansa ito ay tatawaging Pilipino.

(a)  

40.

Nakilala siya bilang isang iskolar na nagtataguyod at naniniwala sa yaman at kakayahan ng wikang Filipino bilang wika ng Pilosopiya. Sa katunayan, isinulat niya sa Filipino ang kanyang disertasyon sa UST noong 1981.

(a)  

41.

Gaya ng Agham, kailangan ang upang makita ng tao ang kanyang katauhan at maunawaan niya ito sa pamamagitan ng kanyang wika, kulay, disenyo, tono, linya at iba pang elementong kaugnay ng mga nabanggit.

(a)  

42.

Ang ay tumutukoy sa isang makaagham na pag-aaral ng gawi o asal ng bunga ng pagiging kasapi ng isang grupo

(a)  

43.

Ayon sa Pamantasang ito ang wikang Filipino ay susi sa kaalamang bayan dahil nasa wika ang kaalamang patuloy na hinubog at humuhubog sa bayan.

(a)  

44.

Ang katutubong wika na pinagbatayan ng Wikang Pambansa.

(a)  

45.

Ang mga salitang silya, libro, kubyertos, sibuyas at hiniram sa wikang?



(a)