NEW
Font size
WorksheetsFILIPINO 7- Ikalawang Markahan
Total questions: 40
Worksheet time: 20mins
Ano ang tawag sa pinakamahalagang tagpo ng maikling-kuwento?
a. banghay
b. kasukdulan
c. simula
d. kakalasan
Ang sumusunod ay layunin ng dula MALIBAN sa isa.
a. Magbigay-libangan sa mga manonood.
b. Magbigay-buhay ang mga tauhan sa kuwento.
c. Maibahagi ang mga pangyayaring nagaganap sa kasalukuyan.
d. Maipakita sa mundo na ang mga Pilipino ay magaling sa larangan ng pagtatanghal.
Ang __________________ ay isang salitang katawagan para sa mga katutubong Pilipinong manggagamot (karamihan ay mga kababaihan) at pinuno ng pamayanan.
a. babaylan
b.manggagamot
c. albularyo
d. manghuhula
Alin sa sumusunod ang hindi katangian ng isang alamat?
a. pagkakaroon ng isang tauhan
b. pagkakaroon ng isang suliranin
c. pagkakaroon ng iba’t ibang kabanata
d. pagtalakay sa pinagmulan ng isang banghay
Ayon kay _____________ ang dula ay kinilala bilang isang akdang pampanitikang layuning manggaya sa mga kaganapan sa buhay na ipinalalabas o ipinamamalas sa tanghalan.
a. Lope K. Santos
b. Alejandro G. Abadilla
c. Jose P. Rizal
d. Jose A. Arrogante
Ito ay isang panitikang itinatanghal sa entablado.
a. tula
b. dula
c. kuwentong-bayan
d. pabula
Ito ay isang maikling kuwento na may pangunahing tauhan na hayop, isang suliraning nilulutas, isang mahalagang pangyayari, at matatapos o mababasa sa isang upuan lamang.
a. dula
b. pabula
c. alamat
d. kuwentong-bayan
Isang bahaging ipinapakilala sa bahaging ito ng kuwento ang tagpuan at ang tauhan.
a. banghay
b. kasukdulan
c. simula
d. kakalasan
Naiiba ang dula sa iba pang akdang pampanitikan dahil ito ay __________.
a. nahahati ito sa iba’t ibang yugto
b. may maraming tauhan
c. may maraming tagpo
d. lahat ng nabanggit
Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa elemento ng alamat?
a. tauhan
b. kasukdulan
c. saknong
d. tunggalian
Ito ay anyong sining at pampanitikan na naglalaman ng kuwento na isinasaayos sa pamamagitan ng paggamit ng imahen, teksto, at iba’t ibang elemento ng disenyo.
a. komiks
b. tekstong biswal
c. comic book brochure
d. journal
Anong elemento ng alamat na maglalahad ng magiging resolusyon ng kwento. Maaaring masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo?
a. kasukdulan
b.tauhan
c. katapusan
d. kakalasan
Ito ay mga dulang itinatanghal sa lansangan na naglalayong magbigay ng magandang pagtatanghal sa taong-bayan.
a. Dulang pantahanan
b. Dulang panlansangan
c. Dulang pampaaralan
d. Dulang pang-entablado
Anong elemento ng dula na dito makikita ang mga diyalogo ng mga tauhan, mga kagamitang kailangan, mga kilos, at mga detalyeng mahalaga sa pagtatanghal ng dula?
a. tauhan
b. tanghalan
c. direktor
d. iskrip
Ang mga Austronesyano ay pinaniniwalaang dumating sa panahon ng ____________.
a. Mesolitiko
b. Metal
c. Neolitiko
d. Paleolitiko
Tinatawag na _________ ang pahayag kung ang paghalip ay sumusunod sa pangngalang tinututukoy.
a. Anapora
b. Katapora
c. Denotasyon
d. Konotasyon
Ito ay tumutukoy sa organisado at mahusay na ugnayan ng mga pangungusap sa isang talata.
a. tekstong biswal
b. kohesyong biswal
c. kohesyong gramatikal
d. tekstong ekspositori
Ano ang tawag sa pansariling kahulugan ng isa o grupo ng tao sa isang salita?
a. denotasyon
b. konotasyon
c. sanhi
d. bunga
Ano ang tawag sa karaniwang kahulugang mula sa diksyonaryo o salitang ginagamit sa pinaka karaniwan at simpleng pahayag?
a. denotasyon
b. konotasyon
c. sanhi
d. bunga
Isa itong paglalahad ng aktuwal na danas ng may-akda batay sa isang historikal na pangyayari.
a. kasaysayan
b. memoir
c. resipe
d. brochure
Ano ang tawag sa uri ng manggagamot na popular noong panahon ng ating mga ninuno?
a. albularyo
b. babaylan
c. manggagamot
d. manghuhula
Ito ay karaniwang isang piraso ng papel na may nakatiklop na bahagi na naglalaman ng mga larawan at impormasyon.
a. journal
b. brochure
c. diary
d. talambuhay
Talaan ito ng mga mga sangkap at pamamaraan sa pagluluto ng isang putahe, kakanin o anomang lutuin.
a. kasaysayan
b. memoir
c. resipe
d. brochure
Ano ang tawag sa isang sa dahilan kung bakit nangyari ang isang pangyayari?
a. bunga
b. sanhi
c. denotasyon
d. konotasyon
Ano ang tawag sa isang tekstong nagbibigay ng kaalaman at nagbibigay- linaw sa mga katanungan tungkol sa isang paksa?
a. tekstong impormatibo
b. tekstong biswal
c. tekstong ekspositori
d. tekstong naratibo
Anong elemento ng alamat na inilalarawan dito ang lugar na pinangyarihan ng mga aksyon at insidente, gayundin ang panahon kung kailan ito nangyari?
a. tauhan
b. kakalasan
c. katapusan
d. tagpuan
Sa dula ang ______ ang sentro ng kuwento sapagkat sila ang nagbibigay-buhay nito.
a. Teknikal
b. Iskrip
c. Direktor
d. Tauhan
Naratibo ito tungkol sa mahahalagang pangyayari kaugnay sa isang lahi o bansa.
a. memoir
b. kasaysayan
c. panitikan
d. brochure
Anong paraan ng pagkukuwento ang pangunahing ginagawa ng ating mga ninuno para ipahayag ang naiisip, naramdaman, at iba pa?
a. pasulat
b. pasalindila
c. pagte-text
d. palarawan
Tawag ito sa siyentipikong publikasyon na naglalaman ng mga pananaliksik at artikulong likha ng mga eksperto sa iba’t ibang larangan.
a. journal
b. brochure
c. diary
d. postcard
Batid ni Heneral Apoy ang kataksilan ng pangulo. Nasaksihan niya ang lahat.
a. Anapora
b. Katapora
Ang Supremo ng Katipunan ay siya, si Andres Bonifacio.
a. Anapora
b. Katapora
Kalayaan ang pahayagan ng Katipunan. Ito ay nalathala noong Marso, 1896.
a. Anapora
b. Katapora
Siya ang kinikilalang Vibora, ang matapang na si Heneral Artemio Ricarte.
a. Anapora
b. Katapora
Nagsilbing tagapayo ni Bonifacio si Emilio Jacinto. Siya ang kinikilalang “Utak ng Katipunan”.
a. Anapora
b. Katapora
Noong 1942, si Artemio Ricarte sana ang nais ng mga Hapon na maging pangulo. Ngunit di na siya kilala ng mga Pilipino.
a. Anapora
b. Katapora
Ang memoir ay itinuturing na primarying batis. Ito ay mainam na pagkunan ng impormasyon.
a. Anapora
b. Katapora
Ang tekstong ekspositori ay matatagpuan din sa dyaryo. Ito ay ang editoryal.
a. Anapora
b. Katapora
Bata pa ngunit matalino siya, si Emilio Jacinto na may sagisag-panulat na Pingkian.
a. Anapora
b. Katapora
Naging tagapayo naman ni Aguinaldo si Apolinario Mabini. Siya ang “Utak ng Himagsikan”.
a. Anapora
b. Katapora
