wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ESP Unang Lagumang Pagsusulit

Total questions: 40

Worksheet time: 40mins

Name
Class
Date
1.

Tama O Mali

Inamin ni Jessica na siya ang nakabali ng ruler ng kanyang

kuya kahit alam niyang hindi na siya pahihiramin nito.

a)

Tama

b)

Mali

2.

___2. Sinabihan ni Fe ang kanyang nakababatang kapatid na

huwag isumbong sa kanilang nanay na napunit niya ang

kurtina upang hindi sila mapalo nito.

a)

Tama

b)

Mali

3.

___3. Hinayaan mo lang na mapalo ng iyong tatay ang kuya mo

dahil ito ang napagkamalang kumuha ng pera sa kanyang

pitaka.

a)

Tama

b)

Mali

4.

___4. Nakita mong itinulak ni Phine si Jho kaya nahulog ito sakanyang kinatatayuan pero dahil ayaw mong madamay ay hinayaan mo na lamang ito.

a)

Tama

b)

Mali

5.

___5. Sinabi mo sa iyong tatay ang nawawala mong baon kahit

alam mong pagagalitan ka niya.

a)

Tama

b)

Mali

6.

Ipinapaalam ko agad ang totoong pangyayari upang

mabigyang solusyon ang problema kahit alam kong

magagalit sila sa akin.

a)

Tama

b)

Mali

7.

Sinasabi ko agad sa aking mga kaibigan ang aking

kasalanan upang hindi sila madamay.

a)

Tama

b)

Mali

8.

Sinisigurado kong pawang katotohanan lamang ang aking

sasabihin kung ako ay tinatanong upang alamin ang totoo.

a)

Tama

b)

Mali

9.

Lagi kong tatandaan na mas mabuting magsinungaling

kaysa mapagalitan at mapalo.

a)

Tama

b)

Mali

10.

Tatakpan ko ang kasalanang nagawa ng aking kapatid

upang hindi siya mapalo ni nanay.

a)

Tama

b)

Mali

11.

Hinintay ni Fe ang opisyal na anunsiyo mula sa presidente ng samahan bago niya ibinahagi ang impormasyon sa

ibang kasapi.

a)

Tama

b)

Mali

12.

Sinabihan ni Liza ang kaniyang mga kaklase na hindi

matutuloy ang pagsusulit na ibibigay ng kanilang guro

upang hindi sila makapaghanda at ng sa gayon ay siya ang makakuha ng mataas na iskor.

a)

Tama

b)

Mali

13.

Nagpabili agad si Roy sa kaniyang ama ng laruang nakita

niya sa isang patalastas.

a)

Tama

b)

Mali

14.

Bagong istilo ng buhok ang ipinakita ng artista sa isang

noon time show. Marami ang gumaya sa mga kaklase ni Ali. Hindi gumaya si Ali dahil taliwas ito sa pamantayan ng paaralan.

a)

Tama

b)

Mali

15.

Laganap ang fake news ngayon. Ipinaaalam ni Lina sa

kaniyang magulang ang anumang impormasyon na

kaniyang nalalaman.

a)

Tama

b)

Mali

16.

Naipaliwanag ko nang maayos at may kompletong detalye ang balita ukol sa bagyo dahil nakuha ko ito sa ulat mismong PAG-ASA na siyang awtoridad sa pag-uulat sa kalagayanng panahon.

a)

Tama

b)

Mali

17.

Sinasabi ko agad sa aking mga kaibigan ang balitang

naririnig ko mula sa aking kapitbahay.

a)

Tama

b)

Mali

18.

Sinisigurado kong tama ang impormasyong sasabihin ko

upang maiwasan ang pagbibigay ng maling impormasyon

sa iba.

a)

Tama

b)

Mali

19.

Lagi kong tinatandaan na hindi lahat ng balitang naririnig

o nalalaman ay totoo kaya inaalam ko kung sino ang

tamang awtoridad na aking lalapitan upang matiyak ang

katotohanan tungkol dito.

a)

Tama

b)

Mali

20.

Iniiwasan kong makapagbigay ng maling impormasyon sa

iba kaya tinitiyak ko na sa tamang kinauukulan ako

magsasangguni.

a)

Tama

b)

Mali

21.

Ang pagiging matiisin ay isang katangian na dapat taglayin ng isang bata upang siya ay magtagumpay.

a)

TAMA

b)

MALI

22.

Pinagtitiisan ang mga bagay na kaya lamang ibigay ng mga magulang.

a)

TAMA

b)

MALI

23.

Ihiniwalay ni Marian ang pahina ng kaniyang kuwaderno na walang sulat at tinahi ito upang magamit pa niya sa susunod na pasukan.

a)

TAMA

b)

MALI

24.

Ang lakas, katatagan at tibay ng loob ay lubhang kailangan upang mapaunlad ang isang katangi-tanging kakayahan.

a)

TAMA

b)

MALI

25.

Ang pagiging mapagmatiyag at mapanuri sa balita at tumutulong sa atin para makuha, malaman at maunawaan ang tamang impormasyon ng balita.

a)

TAMA

b)

MALI

26.

Ang sinumang tao na magsulat, maglathala, mag-eksibit o maging sanhi ng anumang paninira ay magiging sikat sa kanyang balitang ginawa.

a)

TAMA

b)

MALI

27.

Ang lahat ng balitang naririnig at napapanood ay totoo.

a)

TAMA

b)

MALI

28.

Ang bawat tao ay may pare-pareho ang pananaw at opinyon sa balitang nabasa sa pahayagan o narinig sa radio.

a)

TAMA

b)

MALI

29.

Ang pagiging mapanuri sa naririnig o nababasa ay nagpapakita lamang ng masusing pag-iisip.

a)

TAMA

b)

MALI

30.

Nauunawaan ni Alexis ang pagtatama ng mga nagawang mali niya dahil mapabubuti at maipakikita niya ang kanyang natatanging kakayahan.

a)

TAMA

b)

MALI

31.

Ikinahihiya ni Angelica ang kanyang likhang sining dahil alam niya na pipintasan lamang ito ng kanyang mga kamag-aral.

a)

TAMA

b)

MALI

32.

Dapat itago sa pamilya, mga kaibigan, kamag-aral at kapitbahay ang angking kakayahan dahil hindi sila makakatulong na paunlarin ito.

a)

TAMA

b)

MALI

33.

Ang angking kakayahan ay iba sa kakayahan ng iyong kapwa kaya dapat hindi ikumpara.

a)

TAMA

b)

MALI

34.

Bilang mag-aaral, bakit kailangan mong magsabi ng katotohanan?

a)

Para mapagalitan ng mga magulang

b)

Para tumaas ang aking grado

c)

Dahil ito ay sinabi ng aming mga kaibigan

d)

Upang maging magandang modelo sa aking mga kamag-aral

35.

9. Sa isang paligsahang iyong sinalihan, nakita mong may ginawang hindi maganda ang isa mong kasamahan para kayo ay manalo. Ano ang gagawin mo?

a)

Tatawanan na lang namin ang nangyari.

b)

Tatahimik na lang ako para makaiwas sa gulo.

c)

Sasabihin ko ang totoong nangyari

d)

Magsasawalang kibo na lang

36.

Nakita mong kinuha ng kaklase mo ang pera ng inyong guro. Alin sa mga sumusunod ang maaari mong gawin?

a)

Sasabihin ko sa kaniya na mali ang ginawa niya.

b)

Pagsasabihan ko siya na ulitin niya pa ito.

c)

Hihingi ako ng pera sa kanya.

d)

Magsasawalang kibo na lang

37.

Nakita mong kinuha ng kaklase mo ang pera ng inyong guro. Alin sa mga sumusunod ang maaari mong gawin?

a)

Sasabihin ko sa kaniya na mali ang ginawa niya.

b)

Pagsasabihan ko siya na ulitin niya pa ito.

c)

Hihingi ako ng pera sa kanya.

d)

Magsasawalang kibo na lang

38.

Alin kaya ang posibleng mangyayari kung ikaw ay nagsasabi ng katoohanan?

a)

Hindi ka magiging masaya

b)

Magiging magaan ang loob mo.

c)

Aawayin ka ng iyong mga kaklase

d)

Wala sa nabanggit

39.

Ano ang maaari mong gagawin kung ang iyong katabi sa upuan ay mabaho ang hininga?

a)

Pababayaan ko na lang kasi baka magalit siya

b)

Kakausapin ko siya ng mahinahon at sabihin ang totoo

c)

Sasabihin ko ito sa aking mga kaibigan para pagtawanan siya

d)

Hindi ko na lamang ito papansinin kasi hindi naman kami palaging magkatabi sa upuan

40.

Ang pagiging totoo sa kapwa ay nagpapatibay ng magandang samahan.

a)

Tama

b)

Mali