wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Ang Punongkahoy Ang Guryon

Total questions: 23

Worksheet time: 17mins

Name
Class
Date
1.

Sa tulang Ang Punongkahoy, anong damdamin ang litaw sa tula?

a)

tumatangis

b)

nalulungkot

c)

nababagot

d)

naiinis

2.

Ang agos ng tubig sa batis ay nagpapahiwatig ng _____________________

a)

pagtutumangis

b)

kampana

c)

libingan

d)

taghoy

3.

Kung ang mga dahon nito ay naging korona sa buhay, ano naman ang naging krus sa libingan?

a)

sanga

b)

kahoy

c)

bulaklak

d)

pugad

4.

Sa bandang huli, ano ang nagyayari sa kaniyang mga dahon?

a)

naging krus sa libingan

b)

pugad ng mga ibon

c)

korona sa hukay

d)

kampana sa orasyon

5.

Ang kandilang iniugnay sa sariling buhay ay _________________.

a)

isang nakadipang krus

b)

sariling libingan

c)

tubig sa batis

d)

pugad ng mga ibon

6.

Mula sa tulang Ang Punongkahoy saknong bilang VI, ano ang pahiwatig ng taludtod na ito? Ngunit tingnan ninyo ang aking narating, Natuyo, namatay sa sariling aliw;

a)

malapit na siyang ihatid sa huling hantungan

b)

nagsisisi dahil sa bata pa’y sa bisyo naaliw

c)

ang kanilang ginawa ay inspirasyon sa iba

d)

nawala lahat ang kanyang kaligayahan; nararamdaman ang kalungkutan at nag-iisa sa dilim

7.

Ano ang sinisimbolo ng punongkahoy sa tula?

a)

krus

b)

libingan

c)

buhay

d)

kandila

8.

Habang umiikit ang mundo, lumilipas ang panahon. Aling salita ang kasingkahulugan ng may salungguhit?

a)

sumubsob

b)

dumadagit

c)

kumikiling

d)

umiikot

9.

Ang sinisimbolo ng hangin, sa tulang “Ang Guryon” ni Ildefonso Santos ay:

a)

magkakaroon ng tibay ng loob

b)

mga pagsubok o hamon sa buhay

c)

maabot na mga pangarap

d)

sagabal sa buhay

10.

Mula sa larawan, ano ang kaugnay nito sa iyong buhay?

a)

Sa buhay, minsan mapupunta sa mababa at mataas ang pagpapalipad ng saranggola.

b)

Nagsisilbing gabay ang mga magulang sa pagpapalaki sa anak

c)

Nagsisikap ang magulang para matayog ang pagpapalipad ng saranggola

d)

Nais pasayahin ng magulang ang anak sa pagpapalipad ng saranggola.

11.

Ang guryon ay simbolo ng ___________________.

a)

pamumuhay

b)

buhay

c)

pangarap

d)

pag-asa

12.

Batay sa larawang nasa ibaba, anong pahayag ang tumutukoy sa tulang ito?

a)

ang buhay ay guryon

b)

maraming pagsubok ang nagpapalipad ng guryon

c)

mas matatag ang humahawak ng guryon

d)

matalino ang gumagawa ng guryon

13.

Minsan sa buhay ikaw ay sumubsob, kailangan lang tibayan ang pisi nang di malagot. Ano ang ibig sabihin ng may salungguhit?

a)

dumausdos

b)

nadapa

c)

umikot

d)

sunggaban

14.

Ang persona ng tulang Ang Guryon ay isang _______________.

a)

hayop

b)

punongkahoy

c)

bata

d)

matanda

15.

Ang sulo’t paulo sa ikalawang saknong ng tula ay sumisimbolo sa______

a)

sukat

b)

timbang ng tao

c)

desisyon sa buhay

d)

hugis at tali

16.

Saka, pag umihip ang hangin, ilabas At sa papawiri’y bayaang lumipad; Datapwa’t ang pisi’y tibayan mo, anak, At baka lagutin ng hanging malakas. Ano ang simbolo ng hangin sa saknong?

a)

mga pagsubok sa buhay

b)

hanging Amihan at Habagat

c)

hanging dala ng mga bagyo

d)

mga taong sagabal sa pagpapalipad

17.

Sa huling saknong ng tula, binibigyang-diin ng sumulat ang ___________.

a)

Kahalagahan sa paglalarawan ng matatag na paniniwala sa Diyos.

b)

Kailangan higpitan ang hawak sa guryon.

c)

Hayaang lumipad ang guryon sa pinakamataas.

d)

Laging subaybayan kung saan magsuot ang guryon.

18.

Sino ang nagsisilbing tagapagsalaysay sa tulang, Ang Guryon?

a)

magulang ng isang bata

b)

magulang na may malasakit sa kanyang anak

c)

magulang na hindi kapiling ang anak

d)

magulang na nagsusustento sa anak

19.

Anong aral ang makikita sa tulang, Ang Guryon?

a)

Maging matatag sa buhay sa anomang mga pagsubok

b)

Mula sa bibliya, Santiago 4:6 “Ang mapagpakumbaba ay kinalulugdan ng Diyos, kaya huwag magmataas.”

c)

Kahit malayo na ang lipad, huwag kalimutang magpasalamat at manalig sa Maykapal.

d)

lahat ng nabanggit

20.

Alamin ang tamang sukat sa bahagi ng tula. Saka, pag umihip ang hangin, ilabas At sa papawiri’y bayaang lumipad; Datapwa’t ang pisi’y tibayan mo, anak, At baka lagutin ng hanging malakas.

a)

8

b)

12

c)

16

d)

18

21.

Anong klaseng buhay ang binanggit sa tulang, “Ang Guryon”?

a)

lumalaban at nagwawagi

b)

lumilipad at matatag

c)

manipis at matayog

d)

marupok at malikot

22.

Bakit kailangang laging may gabay ang mga magulang sa pagpapalaki ng kanilang mga anak, tulad ng tulang, Ang Guryon?

a)

Ang pagmamalasakit ng magulang sa anak ay tanda ng pagmamahal.

b)

Mahalaga ang pagmamalasakit ng magulang ay upang maabot ng mga anak ang pangarap sa buhay.

c)

Nais ng mga magulang na maging masaya at maganda ang buhay ng mga anak.

d)

Lahat ng nabanggit

23.

Bakit kailangang panatilihin ang pagpapahalaga bilang Asyano?

a)

sapagkat ito ay ang ating pagkakakilanlan

b)

sapagkat mahalaga ka bilang isang indibidwal na may sariling personalidad, katangian, kakayahan, at angking kagandahan

c)

A at B

d)

wala sa mga nabanggit