WorksheetsLONG QUIZ - FILIPINO 5
Total questions: 14
Worksheet time: 9mins
1. Sa kwentong, “Nagtalo ang mga Gulay”, bakit nagtatalo-talo ang mga gulay?
a. Dahil si Haring Upo ang kanilang naging hari.
b. Dahil sa kapintasan ng bawat isa.
c. Dahil gusto nang umalis ng mga gulay sa kaharian.
d. Dahil sa panghuhusga sa pisikal na anyo ng mga gulay sa kapwa nila kasamahang gulay sa kaharian.
2. Ano ang ugaling ipinapakita ng linya ni Labanos na, “Kahit anong sabihin ninyo, ako pa rin ang pinakamaganda sa ating lahat. Kahit saang sulok ng palengke, ako’y makikita agad dahil sa aling kutis na napakaputi. Kahit sinong prinsipe sa aki’y mabibighani.”
a. masayahin
b. mapanuri
c. masigla
d. mapagmataas
3. Naghimutok sina Talong at Sitaw dahil lagi silang sinasabihan na maitim at payat. Ano ang kahulugan ng salitang “naghimutok”?
a. nagalak
b. nagtago
c. natakot
d. nagtampo
4. Masayang nagbunyi ang mga gulay sa kaharian at napagtantong lahat sila ay mahalaga at kailangan ng mga tao. Ano ang kahulugan ng salitang “nagbunyi”?
a. nagdiwang
b. nagkagulo
c. nagsama-sama
d. nagsigawan
5. Ito ay isang pangyayari o ulat na napapanahon na may layuning magbigay ng impormasyon, umakit, mag-ulat, o umaliw sa madla.
(a)
6.Ang sumusunod ay mahahalagang hakbang sa pagsulat ng balita MALIBAN sa __________.
a. Ibalita lamang ang mga bagay na may patunay.
b. Iwasang ilahad ang katotohanan sa balita kung ito’y makapagpapasama sa imahen ng tao.
c. Sagutin ang mga tanong na ano, sino, saan, kailan, bakit, at paano sa pagsulat ng balita.
d.Isulat ang balita ayon sa tunay na nangyari.
7. Ang aking kaibigan ay maalaga sa kanyang katawan. Ano ang pangngalang pambalana sa pangungusap?
a. maalaga
b. kaibigan
c. akin
d. ay
8. Regular siyang nag-eehersisyo tuwing Linggo sa isang gym malapit sa kanila. Ano ang pangngalang pantangi sa pangungusap?
a. regular
b. Linggo
c. gym
d. malapit
9. Buwig, kumpol, sako, grupo : Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa pangkat?
a. kumpol
b. buwig
c. sako
d. grupo
10. Pag-asa, pag-ibig, kaligayahan, kapatid : Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa pangkat?
a. pag-asa
b. pag-ibig
c. kaligayahan
d. kapatid
11. Ako ay makikipagkasundo sa pulis. Anong uri ng panghalip ang salitang “ako”?
a. Panao
b. Pamatlig
c. Panaklaw
d. Pananong
12. Dito magiging masaya at mapayapang mamumuhay ang mga tao. Anong uri ng panghalip ang salitang “dito”?
a. Panao
b. Pamatlig
c. Panaklaw
d. Pananong
Magbigay ng halimbawa ng Kasarian ng Pangngalan.
Pambabae - 5 halimbawa
Panlalaki - 5 halimbawa
Di tiyak - 5 tiyak
Walang Kasarian - 5 tiyak
Ano ang kahulugan ng Pangngalan?
