Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Pagsusuri sa Filipino

Total questions: 46

Worksheet time: 29mins

Name
Class
Date
1.

1. Anong akdang pampanitikang tumatalakay sa kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway at kadalasang naglalaman ng mga makababalaghang tagpo?

a)

Epiko

b)

Tula

c)

Kuwento

d)

Alamat

2.

2. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng Sawikain?

a)

magdilang-anghel

b)

kung walang tiyaga, walang nilaga

c)

buto't balat lumilipad

d)

kung ano ang puno siya ang bunga

3.

3. Ano ang tawag sa akdang nasa anyong tuluyan at karaniwang naglalahad ng kaugalian at tradisyon ng lugar kung saan ito nagsimula?

a)

Kuwentong-bayan

b)

karunungang-bayan

c)

Maikling kuwento

d)

Pabula

4.

4. “Walang umaani ng tuwa, na hindi sa hirap nagmula”, Ano ang ibig sabihin ng pahayag na ito?

a)

Ang taong may pangarap ay magsusumikap

b)

Magdasal ng maimtim para pangarap ay maabot

c)

Ang Kahirapan ang nag-uudyok sa tao para magtrabaho

d)

Dadaan ka muna sa hirap/pagsubok bago mo makamit ang iyong pangarap

5.

5. Anong sangay ng panitikan ang nagiging daan upang maipahayag ang mga kaisipan na nakapapabilang sa bawat kultura ng isang tribo at laganap noong panahon ng katutubo?

a)

Karunungang-bayan

b)

Epiko

c)

Alamat

d)

Kuwento

6.

6. Ano ang tawag sa mga pahayag na may sukat at tugma na kalimitang ginagamit na pangkulam o pangontra sa kulam, engkanto, at masang espiritu?

a)

Bulong

b)

Palaisipan

c)

Salawikain

d)

Bugutong

7.

7. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng Salawikain maliban sa:

a)

Hindi hari, hindi pari nagsusuot nang sari-sari.

b)

Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo.

c)

Kay haba haba man ang prusisyon sa simbahan din ang tuloy.

d)

Ang hindi lumingon sa pinanggalinagn ay hindi makakarating sa     paroroonan.

8.

8. Ano ang itinuturing na pinakamatandang anyo ng panitikan na ginamit ng ating mga ninuno upang ituro ang kagandahang-asal sa mga kabataan?

a)

Alamat

b)

Karunungang-bayan

c)

Epiko

d)

Maikling-kuwento

9.

9. Alin sa sumusunod na pangungusap ang halimbawa ng Palamang na Paghahambing?

a)

Mainit ang pagmamahalan ng bawat miyembro ng kanilang pamilya sa kabila ng pandemya.

b)

Di-masyadong matao ngayon sa mga malls at sa mga lugar na pinapasyalan ng mga tao noon.

c)

Mas naging interesado si Jaffa sa pagguhit kaysa sa pagsasayaw.

d)

Ang taong maliliit na gumagawa nang tama ay maaaring makapagbibigay ng inspirasyon.

10.

10. Ano ang tawag sa pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan, na binibigkas nang patula?

a)

Bulong

b)

Sawikain

c)

Salawikain

d)

Bugtong

11.

11. Anong akda ang nagtataglay ng mga talinghaga sapagkat ito ay may nakatagong kahulugan. Kung minsan ito ay tinatawag na idyoma?

a)

Bulong

b)

Sawikain

c)

Salawikain

d)

Bugtong

12.

12. Ang sagot sa palaisipang “Anong bagay ang bibilhin mo ng kulay itim, gagamitin mo ng kulay pula, at itatapon mo na kulay puti” ay___?

a)

Pugita

b)

Uling

c)

Mangosteen

d)

Pintura

13.

13. “Pag may isinuksok, may madudukot.” Ano ang kahulugan ng pahayag?

a)

Umuunlad ang mga bangko dahil sa mga perang iniipon ng mga tao.

b)

Tiyak na may magagastos ang taong marunong mag-impok

c)

Kapag mayroon kang isinuksok, mayroon ka ring dudukutin.

d)

Madalas ay inilalagay ng mga Pilipino ang pera sa alkansiya para pag dumating ang oras ng pangangailangan ay may magagasta.

14.

14. Anong akdang pampanitikan ang nagsasaad kung paano nagsimula ang mga bagay-bagay at kalimitang nagtataglay ng mga kababalaghan o mga hindi pangkaraniwang pangyayari?

a)

Kuwento

b)

Alamat

c)

Epiko

d)

Tula

15.

15. Bakit lubhang naiinggit si Haring Madali sa kanyang kapatid na kilalalang magiting at matapang?

a)

Dahil maraming pera ang kapatid.

b)

Dahil sikat na sikat sa kanilang kahariang bumbaran lalo na sa mga kadalagahan.

c)

Dahil may kaluluwa siya sa langit na maaring bawiin at ibalik kapag siya ay namatay.

d)

Dahil mayroong limampung (50) kaharian ang kapatid.

16.

16. Ano ang ibang katawagan ng dahilan kung bakit nangyari ang isang pangyayari.

a)

Bunga

b)

Dahilan

c)

Resulta

d)

Sanhi

17.

17. Anong epikong-romansang Malay na nagsasalig sa matandang paniniwalang napatatagal ang buhay kung ang kaluluwa ay paiingatan sa isang isda, hayop, bato o punongkahoy?

a)

Aliguyon

b)

Bantugan

c)

Tuwaang

d)

Bidasari

18.

18. Ano ang ikinukuwintas ni Lila Sari na dahilan ng pagkawala ng buhay ni Bidasari?

a)

Gintong plawta

b)

Gintong ibon

c)

Gintong isda

d)

pilak na bato

19.

19. Sa epikong Bidasari, ano ang naging puno’t dulo ng kalupitang ipinakita ni Lila Sari kay Bidasari?

a)

Nais lamang niyang paglaruan ang dalaga

b)

Dahil may nagawang krimen si Bidasari

c)

Ang pag-aakalang si Bidasari ay kaaway ng kanilang kaharian

d)

Sa takot niyang papalitan siya ng kanyang asawa at maaagawan siya ng trono

20.

20. Ano ang naramdaman ng mga magulang ni Bidasari nang siya ay matagpuan at makilala?

a)

labis na galit

b)

labis na saya

c)

kalungkutan

d)

takot

21.

21. Ang pagkakakilala ng dalawang taong ito ang naudyok upang magkapiling muli si Bidasari at ang kanyang tunay na pamilya. Sino sila?

a)

Sinapati at ang anak na lalaki ni Diyuhara.

b)

Ang ina ni Bidasari at Sultan Mogindra.

c)

Si Diyuhara at Sinapati.

d)

Sinapati at anak na babae ni Diyuhara.

22.

22. Lubhang hinangaan ng sultan ang kagandahan at kabutihang-loob ng dalaga. Ano ang  kasalungat ng salitang sinalungguhitan?

a)

Pinuri

b)

Pinahalagahan

c)

Binalewala

d)

pinag-ukulan ng pansin

23.

23. Anong uri ng panitikan ang tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang makababalaghan at di-kapani-paniwala?

a)

Epiko

b)

Alamat

c)

Sanaysay

d)

Maikling-kuwento

24.

24. Anong akdang pampanitikan ang naglalahad ng mga kaisipan, opinyon o kuro-kuro na magkakaugnay at may tamang pagkakasunod-sunod hinggil sa isang paksa?

a)

Dula

b)

Sanaysay

c)

Tula

d)

Maikling-kuwento

25.

25. Nang malaman ng Sultan ang ginawa ni Lila Sari kay Bidasari ano ang kanyang naramdaman?

a)

labis na galit

b)

labis na saya

c)

kalungkutan

d)

takot

26.

26. Hindi naglaon, ang madilim na balak ng asawa ay natuklasan ng sultan. Ano ang ibig sabihin ng salitang nakasulat nang pahalang na sinalungguhitan?

a)

namalayan

b)

inakala

c)

nagtagal

d)

napansin

27.

27. Ano naman ang ibang katawagan ng resulta o epekto sa isang pangyayari?

a)

Bunga

b)

Dahilan

c)

Resulta

d)

Sanhi

28.

28. Sino ang kilalang magiting at matapang na mandirigma sa epikong-bayang “Darangan” ng mga Maranao mula sa kahariang Bumbaran?

a)

Prinsipe Algar

b)

Haring Miskoyaw

c)

Haring Madali

d)

Prinsipe Bantugan

29.

29. Ang sumusunod ay mga hudyat na nagpapahayag ng Sanhi maliban sa___.

a)

at kasi

b)

dahil sa

c)

palibhasa

d)

bunga nito

30.

30. Anong uring sanaysay ang tumatalakay sa mga paksang magaan, karaniwan, pang-araw-araw at personal na karaniwang nagtataglay ng opinyon, kuru- kuro at paglalarawan ng mga karanasan ng may akda?

a)

Di-pormal

b)

Pormal

c)

Wakas

d)

Gitna

31.

31. Ang mga sumusunod ay ginagamit sa pagbibigay hinuha o sariling saloobin maliban sa__?

a)

Siguro

b)

Marahil

c)

Di-gaano

d)

Baka

32.

32. Ang mga bagay na magkakatulad ay pinaghahambing upang mapalitaw ang kanilang tiyak na katangian. Anong pagpapalawak ng paksa ang tawag dito?

a)

Pagtatambis

b)

Pagtutulad

c)

Pagsusuri

d)

Paghahambing

33.

34. Anong bahagi ng sanaysay ang may tungkuling paunlarin o palawakin ang pangunahing paksa,binubuo ng mga sumusuportang ideya sa paksa?

a)

Impormal na depinisyon

b)

Panimula

c)

Gitna

d)

Wakas

34.

35. Saang bahagi ng sanaysay kung saan nakasaad dito ang paksang nais talakayin ng manunulat at kung ano ang kanyang ipinaliliwanag, isinasalaysay o binibigyang katwiran?

a)

Gitna

b)

Buod

c)

Panimula

d)

Wakas

35.

36. Ang epikong “Maragtas” ay epiko mula sa?

a)

Luzon

b)

Bisayas

c)

Mindanao

d)

Muslim

36.

40. Ano ang naisip na solusyon ni Agyu para maiwasan ang pakikipaglabanan sa mga Moro?

a)

Binayaran nila ang mga moro sa kanilang pagkakautang.

b)

Kinalaban nila ang mga moro at pinagtangkaang nakawin ang mga sera.

c)

Umalis sila sa Ayuman at nagtungo sa Sandawa para maghanap ng sera

d)

Iniwasan ni Agyu ang pakikipaglaban sa mga Moro kaya umalis sila sa

    Ayuman at nagtungo sa Ilian.

37.

41. Ang epikong “Agyu” ay mula sa _____?

a)

Luzon

b)

Visayas

c)

Mindanao

d)

Maranao

38.

42. Ito ay isang sadyang paglalagay ng isang sarili sa isang karanasan o gawain upang makasulat hinggil sa karanasan o gawaing kinapalooban.

a)

Obserbasyon

b)

Imersyon

c)

Pag-eeksperimento

d)

Pagsasarbey

39.

43. Ito ay isang paraan ng pangangalap ng impormasyon sa pamamagitan ng pagmamasid sa mga bagay-bagay, tao o pangkat at pangyayari.

a)

Pagbabasa at pananaliksik

b)

Obserbasyon

c)

Pagtatanong

d)

Pagsulat sa Journal

40.

44. Ano ang sinaunang paniniwala ang ipinakita sa epikong “Hudhud ni Aliguyon”?

a)

Pag-aasawa nang marami

b)

Paggamit ng chants sa pakikihamok

c)

Paggamit ng mahika sa pakikidigma

d)

Pagtatanggol sa tribung pinamumunuan

41.

45. Ang mga nasa ibaba ay mga dahilan kung bakit maituturing na bayani si Prinsipe Bantugan , MALIBAN sa isa.

a)

Pagkabuhay niyang muli.

b)

Pagkatalo ng mga kawal ni Haring Miskoyaw.

c)

Pakikipaglaban kay Haring Miskoyaw sa kabila ng kanyang kalagayan

d)

Pagtanggap sa kagustuhan ng kanyang kapatid na layuan siya ng lahat

42.

46. Paano naging mararangal ang sampung datung naglayag paalis ng Borneo sa epikong “Maragtas”?

a)

Umalis sila kasama ang kanilang mga katulong

b)

Isinuko nila ang kanilang dangal sa Sultan na si Makatunao

c)

Marami silang pagkaing dinala para sa gagawing paglalakbay

d)

Ayaw nilang pumatay at may mapahamak kung sakaling lalabanan nila ang sultan 

43.

47. Sinong makata ang nagsabing “Ang sanaysay ay pagsasalaysay ng isang sanay”?

a)

Genoveva Edroza Matute

b)

Alejandro G. Abadilla

c)

Aga Mulach

d)

Michael de Montaigne

44.

48. Ang pangunahing dahilan ng pagbabago sa mga katutubong Pilipino?

a)

Naging alipin ang mga Pilipino

b)

Naimpluwensiyahan ng mga dayuhang mananakop ang Pilipino.  

c)

Naging mayaman ang katutubo.

d)

Hindi sinuportahan ng Pilipino ang dayuhan.

45.

49. Ang lahat ng pahayag ay tama maliban sa __________.

a)

Hindi binibigyan ng tulong salapi o pautang upang maging puhunan ng mga Pilipino

b)

Pinag-ukulan ng pansin ng pamahalaan noon ang edukasyon sa mga kabataan

c)

Hindi maaring gumawa ng sariling tanim sa kanilang bukid ang mga Pilipino kung walang pahintulot ng pamahalaan

d)

Walang ayudang natatanggap ang Pilipino kung mapinsala ang pananim ng bagyo.

46.

50. Ano ang pangkabuhayan ng mga katutubong Pilipino bago pa dumating ang mga dayuhang mananakop?

a)

Pangingisda at pagsasaka

b)

Pagiging alipin

c)

Pagiging guro

d)

Pangangalakal