WorksheetsFIL 003: Review/Recitation
Total questions: 35
Worksheet time: 18mins
“Ang pagsulat ay isang komprehensibong kakayahang naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan, retorika, at iba pang mga elemento. Kaugnay nito ang pakikinig, pagsasalita, at pagbabasa.”
Keller
Xing at Jing
Badayos
Peck at Buckingam
“Ang pagsulat ay isang biyaya, isang pangangailangan, at isang kaligayahan ng nagsasagawa nito.”
Keller
Xing at Jing
Badayos
Peck at Buckingam
Pananaw sa pagsulat na nagsasabing ang pagsulat ay kapwa proseso ng pakikipag-usap sa sarili at sa mambabasa.
Sosyo-Kognitibo
Intrapersonal-Interpersonal
Multi-dimensyunal
Sa multi-dimensyunal na pananaw sa pagsulat, sinasabing tila naririnig mo ang iyong binabasa. Anong dimensyon ito?
Oral na dimensyon
Biswal na dimensyon
Si Leo ay gumawa ng liham aplikasyon at pinasa ito sa iba't ibang kompanya. Anong layunin ng pagsulat?
Malikhain
Ekspresibo
Mapanghikayat
Transaksyunal
Itinituring ina ng lahat ng sulatin dahil layunin nitong mahasa kakayahang mag-organisa ng mga impormasyon at makapagpahayag nang maayos.
Akademiko
Teknikal
Propesyonal
Reperensyal
Anong uri ng sulatin ang ekslusib o tiyak lamang sa isang trabaho?
Akademiko
Teknikal
Propesyonal
Reperensyal
Isang espesyalisadong uri ng pagsulat na tumutugon sa mga kognitibo at sikolohikal na pangangailangan ng mambabasa, at minsan, maging manunulat mismo.
Akademiko
Teknikal
Propesyonal
Reperensyal
Ano-ano ang mga kalikasan ng pagsulat batay kina Fulwiler at Hayakawa?
Katotohanan
Kompleks
Ebidensya
Balanse
Akademikong pagsulat ay may sinusunod na istandard na organisasyonal na hulwaran. Anong katangian ng akademikong sulatin ang tinutukoy?
May Pokus
May malinaw na Layunin
Matibay na suporta
Lohikal na organisasyon
Sa pagsulat karaniwan na ang paggamit ng "signaling words" upang higit na makita ang ugnayan ng nilalaman ng sulatin. Anong katangian ng akademikong sulatin ang tinutukoy?
Kompleks
Tumpak
Eksplisit
Responsable
Kailangan gumamit ng napapanahon, propesyonal, at akademikong hanguan ng mga impormasyon. Anong katangian ng akademikong sulatin ang tinutukoy?
Malinaw na pananaw
Malinaw na paliwanag
Epektibong pananaliksik
Iskolarling istilo
Ano-ano ang layunin ng akademikong pagsulat?
Impormatibo
Mapanuri
Malikhain
Mapanghikayat
Sa pagsulat ng sanaysay, napagtanto ni Leah na naging mas maingat siya sa paggamit ng wikang ganyang gagamitin. Anong tungkulin ng akademikong pagsulat ang nalinang?
Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng kahusayan sa wika.
Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng mapanuring pag-iisip.
Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng pagpapahalagang pantao.
Ang akademikong pagsulat ay isang paghahanda sa propesyon.
Higit na humaba ang pasensya ni Mark sa paggawa ng pananaliksik sa asignaturang Filipino. Anong tungkulin ng akademikong pagsulat ang nalinang?
Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng kahusayan sa wika.
Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng mapanuring pag-iisip.
Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng pagpapahalagang pantao.
Ang akademikong pagsulat ay isang paghahanda sa propesyon.
Ito ay tala ng isang indibidwal, sa sarili niyang pananalita, ukol sa kanyang mga naririnig o nabasang artikulo, balita, aklat, panayam, isyu, usap-usapan, at iba pa.
Buod
Sintesis
Rebyu
Talumpati
Ito ay pagsasama-sama ng dalawa o higit pang buod. Ito ay paggawa ng koneksyon sa pagitan ng dalawa o higit pang mga akda o sulatin.
Buod
Sintesis
Talumpati
Posisyong Papel
Anong akademikong sulatin ang may detalyadong ulat ng polisyang karaniwang nagpapaliwanag, nagmamatwid o nagmumungkahi ng isang partikular na kurso ng pagkilos?
Rebyu
Sintesis
Talumpati
Posisyong papel
Ito ay isang pormal o masining na pagsasalita sa harap ng mga tagapakinig o manonood.
Rebyu
Sintesis
Talumpati
Posisyong papel
Anong akademikong sulatin ang sumusuri o pumupuna sa isang likhang-sining?
Buod
Rebyu
Talumpati
Sintesis
Ang isang buod ay obhetibo kung ito ay hindi nahahaluan ng opinyon, kritisismo o halimbawa mula sa nagsulat ng buod.
TAMA
MALI
Ano ang tamang pagkakasunod-sunod ng hakbang sa pagsulat ng buod?
I. Iwasan ng paggamit ng unang panauhan.
II. Salungguhitan ang mga mahahalagang punto at detalye.
III. Ilista o igrupo ang mga ideya
IV. Pagsunod-sunurin ng mga ideya sa lohikal na paraan
V. Isulat ang buod.
I-II-III-IV-V
I-III-II-IV-V
II-III-IV-I-V
II-I-IV-III-V
Anyo ng sintesis na may layuning makapagpaliwanag upang maunawaan ng mambabasa ang tinatalakay na paksa.
Argumentative Synthesis
Background Synthesis
Explanatory Synthesis
Thesis-driven Synthesis
Anong uri ng sintesis na na karaniwang isinasaayos batay sa tema at isinasagawa sa panimulang pagsulat ng pananaliksik?
Background Synthesis
Explanatory Synthesis
Thesis-driven Synthesis
Synthesis for the literature
Si Liza ang naatasang gumawa ng sintesis para sa kanilang pananaliksik. Ano ang unang hakbang na dapat gawin ni Liza sa pagsulat ng sintesis?
Buuin ang tesis ng sulatin
Linawin ang layunin sa pagsulat
Bumuo ng plano sa organisasyon ng sulatin
Pumili ng mga naaayong sanggunian batay sa layunin
Ang isang rebyu ay nagbibigay ng kanyang sariling hatol kung ito ba ay mabuti o hindi mabuti, mahusay o hindi mahusay , mataas o mababa ang kalidad. Anong katangian ng rebyu ang tinutukoy?
Masaklaw
Kritikal
Nagtatangi
Orihinal
Sa pagsusuri ni Emman ay sinugurado niyang isinaalang-alang niya ang naging kahinaan o limitasyong ng akdang kanyang binasa. Anong katangian ng rebyu ang tinutukoy?
Masaklaw
Mapananaligan
Nagtatangi
Makatuwiran
Ibinahagi ng pangkat 1 ang teoryang Realismo bilang batayan ng pagsusuri ng akdang "Ang kalupi". Anong katangian ng rebyu ang tinutukoy?
Masaklaw
Mapananaligan
Nagtatangi
Makatuwiran
Sa pagsulat ng rebyu, ang hatol na ibinigay sa pagsusuri ay kailangang kalakipan ng paliwanag.
TAMA
MALI
Anong uri ng talumpati batay sa nilalaman ang karaniwang naglalahad o nagpapaliwanag ang diskursong gamot?
Impromptu
Ekstemporanyo
Impormatibo
Mapanghikayat
Anong uri ng talumpati batay sa paraan ang walang paunang paghahanda?
Impromptu
Ekstemporanyo
Impormatibo
Mapanghikayat
Alin sa sumusunod ang HINDI dulog na karaniwang ginagamit sa mapanghikayat na talumpati?
Pagkuwestyon sa katotohanan
Pagkuwestyon sa lipunan
Pagkuwestyon sa pagpapahalaga
Pagkuwestyon sa polisiya
Sa mapangumbinsing argumento sa posisyong papel, gumagamit ang isang manunulat ng anekdota, estadistika, at awtoridad. Ito ay halimbawa ng_____.
Matalinong katuwiran
Solidong ebidensya
Kontra-argumento
Ang isang manunulat ng posisyong papel ay gumagamit ng impormal o kolokyal na tono kapag ang paksa ay mabigat.
TAMA
MALI
Ano ang tamang pagkakasunod na proseso sa pagsulat ng posisyong papel?
1. Pumili ng paksa
2. Hamunin ang iyong sariling paksa
3. Magsagawa ng panimulang pananaliksik
4. Gumawa ng balangkas
5. Ipagpatuloy ang pangongolekta ng mga sumusuportang ebidensya.
6. Isulat ang iyong posisyong Papel
1-4-2-3-5-6
1-3-2-5-4-6
1-3-4-5-2-6
1-2-3-4-5-6
