Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Reviewer 3

Total questions: 43

Worksheet time: 22mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay mga salitang tulad ng panghalip na nakahawig sa mga salita, parirala, at sugnay.

a)

Cohesive Devices o Kohesyong Gramatikal

b)

Wika

c)

Anapora

d)

Ellipsis

2.

Ito ang gamit ng mga salita na maaaring tumukoy o maging reperensiya ng paksang pinag-uusapan.

a)

Substitusyon

b)

Pangatnig

c)

Leksikal

d)

Reperensiya

3.

Ito ang salitang ipapalit sa halip na muling ulitin ang salita.

a)

Leksikal

b)

Substitusyon

c)

Ellipsis

d)

Represensiya

4.

Ito ay pagtitipid ng mga salita sa pagpapahayag. Ang mga salita ay karaniwang inaalis upang maiwasan ang pag-uulit.

a)

Ellipsis

b)

Reperensiya

c)

Pangatnig

d)

Anapora

5.

Ito ay ang salitang ginagamit upang pag-ugnayin ang dalawang pangungusap.

a)

Pangatnig

b)

Parirala

c)

Leksikal

d)

Reiterasyon

6.

Ito ay mabisang salitang ginagamit sa teksto upang magkaroon ng kohesyon.

a)

Anapora

b)

Leksikal

c)

Reperensiya

d)

Ellipsis

7.

Panghalip na ginagamit sa hulihan bilang pananda sa pinalitang pangngalan sa unahan.

a)

Katapora

b)

Anapora

c)

Reiterasyon

d)

Kolokasyon

8.

Panghalip na ginagamit sa unahan bilang pananda sa pinalitang pangngalan sa hulihan.

a)

Anapora

b)

Kolokasyon

c)

Katapora

d)

Reiterasyon

9.

Ito ay ang mga salita na may kaugnay sa isa't isa.

a)

Leksikal

b)

Reiterasyon

c)

Kolokasyon

d)

Pangatnig

10.

Ito ay tungkulin ng wika na ginagamit ng tao sa pagtatag at pagpapanatili ng relasyong sosyal sa kapwa tao.

a)

Interaksyonal

b)

Instrumental

c)

Personal

d)

Heuristik

11.

Ito ay ang tungkulin ng wika na ginagamit sa pagtugon sa mga pangangailangan, pakikipag-usap o pakikipag-ugnayan sa iba.

a)

Interaksyonal

b)

Personal

c)

Imahinatibo

d)

Instrumental

12.

Ito ay tungkulin ng wika na ginagamit sa pagkontrol o paggabay sa kilos o asal ng ibang tao.

a)

Regulatori

b)

Personal

c)

Paggamit bilang Sanggunian

d)

Representibo

13.

Ito ay tungkulin ng wika na ginagamit sa paghahanap o paghingi ng impormasyon.

a)

Representibo

b)

Regulatori

c)

Personal

d)

Heuristik

14.

Ito ay isang konsiderasyon sa pagsasaalang-alang ng paggamit ng wika.

a)

Sistematikong Balangkas

b)

Barayti ng Wika

c)

Pidgin

d)

Kakayahang Komunikatibo

15.

Isang eksplarador na nagbigay ng pangalang Las Islas Filipinas o Filipinas para sa arkipelago ng sinaunang Pilipinas.

a)

Haring Felipe II

b)

Miguel Lopez de Legazpi

c)

Ruy Lopez de Villalobos

d)

Virgilio Almario

16.

Siya ang unang opisyal na Hari ng Espanya. Siya rin ay naging masigasig na sakupin ang kapuluan sa Silangan na ipinangalan sa kaniya.

a)

Ruy Lopez de Villalobos

b)

Haring Felipe II

c)

Virgilio Almario

d)

Miguel Lopez de Legazpi

17.

Ito ay piraso ng sulatin na kadalasang naglalaman ng punto de vista ng may-akda.

a)

Wika

b)

Cohesive Devices

c)

Salaysay

d)

Sanaysay

18.

Ito ay tumutukoy sa maayos na pagkakasunod-sunod ng ideya o pangyayari.

a)

Tema o Nilalaman

b)

Kaisipan

c)

Wika at Istilo

d)

Anyo at Istruktura

19.

Ito ay masining na paraan ng pagpapahayag ng panulaan, prosa, sanaysay, at iba pa.

a)

Pagbibigay ng panibagong tawag

b)

Paggamit ng Kuro-kuro

c)

Patalinghaga

d)

Panghihikayat

20.

Isang sistematikong balangkas ng mga salitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng taong kabahagi at kasama sa isang kultura.

a)

Wika

b)

Kultura

c)

Sanaysay

d)

Salaysay

21.

Ito ay nagdudulot ng pagkakaiba-iba ng antas ng edukasyon, hanap-buhay o trabaho, at henerasyon ng pagkabuhay.

a)

Wika

b)

Kultura

c)

Barayti ng Wika

d)

Lingua Franca

22.

Anong artikulo ang nagsasaad ng, "Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang wika."?

a)

Saligang Batas 1935 (Artikulo XIV, Sek.3)

b)

Artikulo VII, Sek.2 1987 Constitution

c)

Artikulo XIV, Seksyon ng Konstitusyon ng 1987

d)

Proklamasyon Blg. 1041 (1997)

23.

Anong artikulo ang nagsasaad ng, "Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang pambansa na ibabatay sa isa sa

mga umiiral na katutubong wika. Hangga’t itinatadhana ng

batas, ang Ingles at Espanyol ay patuloy na magiging wikang

opisyal."?

a)

Proklamasyon Blg. 1042 (1997)

b)

Saligang Batas 1935 (Artikulo XIV, Sek.3)

c)

Artikulo XIV, Seksyon ng Konstitusyon ng 1987

d)

Artikulo VII, Sek.2 ng Konstitusyon ng 1987

24.

Araw ng unang tinatag ang pamayanang espanyol sa Cebu.

a)

Abril 1, 1940

b)

Pebrero 13, 1565

c)

Hunyo 4, 1946

d)

Marso 12, 1987

25.

Sa araw na ito pinagtibay ni Franklin Roosevelt ang Batas Tydings McDuffie na nagtatadhanang pagkalooban ng kalayaan ang Pilipinas matapos ang 10 taong pag-aaral ng Pamahalaang Komonwelt.

a)

Oktubre 27, 1936

b)

Nobyembere 13, 1936

c)

Marso 24, 1934

d)

Abril 1, 1940

26.

Nagsilbing pagsasanay sa pamamahala sng mga Pilipino bagi ipagkaloob ng Estados Unidos and kalayaan ng Pilipinas.

a)

Panahon ng Hapon

b)

Panahon ng Kastila

c)

Panahon ng Komonwelt

d)

Panahon ng Amerikano

27.

Sa araw na ito pinahiwatig ni Pangulong Manuel Quezon ang kaniyang plano na magtatag ng Surian ng Wikang Pambansa.

a)

Oktubre 27, 1936

b)

Nobyembre 13, 1936

c)

Nobyembre 13, 1937

d)

Marso 24, 1934

28.

Sa araw na ito pinagtibay ng kongreso ang batas Komonwelt Blg. 184, na natatag sa unang Surian ng Wikang Pambansa.

a)

Nobyembre 13, 1936

b)

Nobyembre 7, 1937

c)

Abril 1, 1940

d)

Disyembre 30, 1937

29.

Sa araw na ito inilabas ng Surian ang resolusyon na Tagalog ang gawing batayan ng pambansang wika.

a)

Oktubre 27, 1936

b)

Nobyembre 7, 1937

c)

Abril 1, 1940

d)

Disyembre 30, 1937

30.

Sa araw na ito lumabas ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na nagpapatibay sa Tagalog bilang batayang wika ng Pambansang Wika ng Pilipinas.

a)

Marso 6, 1954

b)

Hunyo 4, 1946

c)

Abril 1, 1940

d)

Disyembre 30, 1937

31.

Sa araw na ito inilabas ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263.

a)

Hunyo 4, 1946

b)

Abril 1, 1940

c)

Marso 6, 1954

d)

Nobyembre 7, 1937

32.

Ito ang araw ng unang pagtuturo Wikang Pambansa sa mga Paaralang Publiko at Pribado sa buong kapuluan.

a)

Setyembre 1955

b)

Marso 6, 1954

c)

Hunyo 19, 1940

d)

Hunyo 4, 1946

33.

Sa araw na ito ganap nang ipinatupad ang Batas Komonwelt Blg. 570 na nagtatakdang Pilipino ang wikang opisyal na ang pambansang wika.

a)

Setyembre 1955

b)

Hunyo 4, 1946

c)

Marso 6, 1954

d)

Oktubre 24, 1967

34.

Sa araw na ito nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklamasyon Blg. 12 para sa pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa mula Marso 29 hanggang Abril 4 taon-taon.

a)

Setyembre 1955

b)

1959

c)

Marso 6, 1954

d)

Oktubre 24, 1967

35.

Sa araw na ito sinusugan ng Proklamasyon Blg. 186 ang paglilipat sa pagdiriwang ng Linggo ng Wika sa Agosto 13 hanggang 19 taon-taon bilang paggunita sa kaarawan ni Pangulong Manuel Quezon na kinikilala bilang “Ama ng Wikang Pambansa.”

a)

Setyembre 1955

b)

Hunyo 4, 1946

c)

Oktubre 24, 1967

d)

Marso 6, 1954

36.

Sa taong ito inilabas ni Kalihim Jose F. Romero ng Kagawaran ng Pagtuturo ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na nagtatakdang “kailanma’t tutukuyin ang Wikang Pambansa, ito ay tatawaging Pilipino.”

a)

!955

b)

1935

c)

1959

d)

1970

37.

Sa araw na ito nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 na naguutos na ang lahat ng gusali, edipisyo, at tanggapan ng pamahalaan ay dapat na nakasulat sa Pilipino.

a)

Abril 1, 1940

b)

Marso 6, 1954

c)

Marso 12, 1987

d)

Oktubre 24, 1967

38.

Sa taong ito naging wikang panturo ang Pilipino sa antas ng elementarya sa bisa ng Resolusyon Blg. 70.

a)

1970

b)

1960

c)

1959

d)

1980

39.

Sa araw na ito isang Order Pangkagawaran Blg. 22 s. 1987, sinasabing gagamitin ang Filipino sa pagtukoy sa Wikang Pambansa ng Pilipinas. Kasunod ito ng

pagpapatibay sa Konstitusyon ng 1987 na nagsasaad na ang pambansang wika ng Pilipinas ay Filipino.

a)

Oktubre 24, 1967

b)

Hunyo 4, 1946

c)

Marso 12, 1987

d)

Abril 1, 1940

40.

Sa taong ito panuntunan ng implementasyon ng patakaran sa Edukasyong Bilinggwal 1987.

a)

1987

b)

1988

c)

1990

d)

1989

41.

Sa taong ito tagalog ang katutubong wikang pinagbatayan ng

pambansang wika ng Pilipinas

a)

1987

b)

1978

c)

1936

d)

1935

42.

Noong taong ito Pilipino ang unang tawag sa pambansang wika ng Pilipinas.

a)

1980

b)

1959

c)

1940

d)

1960

43.

Noong taong ito Filipino ang kasalukuyang tawag sa pambansang wika ng Pilipinas, lingua franca ng mga Pilipino, at isa sa mga opisyal na wika sa Pilipinas kasama ng Ingles.

a)

1983

b)

1970

c)

1987

d)

1978