NEW
Font size
WorksheetsFilipino 3 Mock Exam
Total questions: 30
Worksheet time: 15mins
Sa kwentong "Ang Nawawalang Aklat", bakit hindi agad nakita ni Lian ang mga aklat na nasa ilalim lang pala ng kanyang kama?
Dahil naglalaro siya.
Dahil makalat ang kwarto niya.
Dahil itinapon na niya ito.
Kumpletuhin ang salita. Gawing gabay ang kahulugan ng salita na nasa loob ng panaklong.
bah__
(lugar kung saan tumitira ang pamilya)
aw
ay
Tawag sa bawat saltik ng dila o walang antalang bugso ng tinig sa pagbigkas ng salita.
PATINIG
PANTIG
KATINIG
Ang tawag sa dalawang pinagsamang katinig na bumubuo ng isang tunog sa isang pantig.
KLASTER
KATINIG
PANTIG
Sa tulang "Nanaginip si Isko", bakit natakot at nagsisigaw si Isko?
Dahil siya ay nahulog sa kama.
Dahil nanaginip siya na nabaha ang kanilang bahay.
Dahil naiwan sya ng pamilya nya.
Ito ang tawag sa mga salitang magkasingtunog ang dulumpantig.
PANGNGALAN
SALITANG HIRAM
SALITANG MAGKATUGMA
Alin sa mga sumusunod ang salitang magkatugma?
bili-laro
duyan-bayan
makita-oras
laki-sigaw
Kayarian ng salita na binubuo ng basal na salita o salitang ugat lamang. Halimbawa: tao, nanay
PAYAK
MAYLAPI
INUULIT
TAMBALAN
Kayarian ng salita na binubuo ng salitang-ugat at panlapi.
Halimbawa: na+tulog=natulog
PAYAK
MAYLAPI
INUULIT
TAMBALAN
Kayarian ng salita na binubuo ng pinagsamang dalawang salitang bumubuo ng isang bagong salita.
Halimbawa: dalagang-bukid; bahaghari
PAYAK
MAYLAPI
INUULIT
TAMBALAN
Anong okasyon ang pinakahihintay ni Mina?
Araw ng mga Puso
Pasko
Kanyang Kaarawan
Saan nakita ang nawawalang si Mina?
sa ilalim ng lamesa
sa ilalim ng puno
sa ilalim ng ulap
Bahagi ng aklat na nagbibigay ng proteksiyon sa aklat.
PABALAT
PAHINA NG KARAPATANG SIPI
PAUNANG SALITA
TALAAN NG NILALAMAN
Ang malaking titik ay ginagamit sa simula ng ngalan ng araw.
TAMA
MALI
Ang kuwit (,) ay ginagamit sa paghihiwalay ng mga salita sa serye .
TAMA
MALI
Siya ang dalagang may katangian na sobrang mahiyain at mapagmahal sa kapwa.
MARIA
JENNIFER
MERLY
Bahagi ng pananalita na nagsasaad ng ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar o pangyayari.
PANGNGALAN
PANUTO
PATINIG
Anong pangngalan ang salitang "MAYNILA"
TAO
BAGAY
HAYOP
LUGAR
Anong pangngalan ang salitang "PIYESTA"
TAO
PANGYAYARI
HAYOP
LUGAR
Sa kwentong "Hindi Malilimutang Field Trip", saan dinala ni Binibining Piedras ang kanyang mga mag-aaral?
SHOPPING MALL
BUKID
BUNDOK
DAGAT
Ito ay isang mahalagang sanggunian para higit pang mapalawak ang bokabularyo ng gagamit.
DIKSYUNARYO
PABULA
BIBLIYA
Uri ng Pangngalan na nagbibigay ng tiyak o tanging ngalan ng tao, hayop, bagay, o pangyayari.
Pangngalang Pantangi
Pangngalang Pambalana
Uri ng Pangngalan na nagbibigay ng karaniwang ngalan ng tao, hayop, bagay, o pangyayari.
Pangngalang Pantangi
Pangngalang Pambalana
Binibining Piedras
Pangngalang Pantangi
Pangngalang Pambalana
Ano ang tawag sa sakit na nakukuha sa kagat ng lamok?
Malaria
Lagnat
Dengue
Ito ang dapat gawin para maging malusog at makaiwas sa dengue.
Mag-party at kasayahan
Maglinis ng buong bakuran at bahay
Matulog maghapon
Kasarian ng pangngalan na nagsasaad ng mga pangngalang maaaring tumukoy sa kasariang pambabae o panlalaki.
PANLALAKI
PAMBABAE
DI-TIYAK
WALANG KASARIAN
Kasarian ng pangngalan na nagsasaad ng mga pangngalang walang kasarian.
PANLALAKI
PAMBABAE
DI-TIYAK
WALANG KASARIAN
Kalagayan ni nanay na nagpapakitang siya'y magsisilang ng isang sanggol pagkalipas ng ilang buwan. (mula sa kwentong Ang Matanda sa Dyip)
Bundat
Buntis
Bungi
Ito ay mga salitang ipinapalit o inihahali sa ngalan ng tao.
Panghalip Panao
Kasariang Panao
Pangngalan
