Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Review in Filipino 3

Total questions: 25

Worksheet time: 19mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang tawag sa tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop, at pangyayari?

a)

Panghalip

b)

Pangngalan

c)

Talata

2.

 

Bantay ang pangalan ng aking alagang aso.

a)

Hayop

b)

Tao

c)

Lugar

3.

Ipinagmamalaki ko ang aking mga kaibigan.

a)

Bagay

b)

Pagkain

c)

Tao

4.

Magluluto sina nanay at ate ng masasarap na handa sa darating na Pasko.

a)

Bagay

b)

Lugar

c)

Pangyayari

5.

Masarap ang spaghetti na niluto ni Tiya Maria.

a)

Pagkain

b)

Lugar

c)

Bagay

6.

Nagpunta kami sa parke at namasyal.

Alin ang PANGNGALAN sa pangungusap?

a)

Parke

b)

Namasyal

c)

Nagpunta

7.

Ano ang Uri ng Pangngalan ang salitang "Lunes "

a)

Pantangi

b)

Pambalana

8.

Ano ang Uri ng Pangngalan ang salitang "Bagong Taon"

a)

Pantangi

b)

Pambalana

9.

Ano ang Uri ng Pangngalan ang salitang "sipilyo"

a)

Pantangi

b)

Pambalana

10.

Ano ang Uri ng Pangngalan ang salitang "laruan"

a)

Pantangi

b)

Pambalana

11.

Ano ang Uri ng Pangngalan ang salitang "Gng. Castro"

a)

Pantangi

b)

Pambalana

12.

Ang aso ay natutulog sa ilalim ng mesa. Ang salitang may salungguhit ay anong uri ng pangngalang?

a)

Pantangi

b)

Pambalana

13.

Si Sophia ay mabait at masunuring bata. Saan sa pangungusap ang pangngalang pantangi?

a)

bata

b)

mabait

c)

Sophia

14.

Tukuyin ang Kasarian ng Pangngalang:

ninong

a)

Pambabae

b)

Panlalaki

c)

Di-tiyak

15.

Tukuyin ang Kasarian ng Pangngalang:

pinsan

a)

Di-tiyak

b)

Walang kasarian

c)

Pambabae

16.

Tukuyin ang Kasarian ng Pangngalang:

salamin

a)

Di-tiyak

b)

Walang kasarian

c)

pambabae

17.

Tukuyin ang Kasarian ng Pangngalang:

ninang

a)

Pambabae

b)

Panlalaki

c)

Walang kasarian

18.

Alin ang HINDI kabilang sa Panlalaki?

a)

Hari

b)

Reyna

c)

Prinsipe

d)

Kuya

19.

Alin ang HINDI kabilang sa Pambabae?

a)

Tiya

b)

Nanay

c)

Kapatid

d)

Tindera

20.

Alin ang HINDI kabilang sa Walang Kasarian?

a)

Prinsesa

b)

Bag

c)

Relo

d)

Baso

21.

________ Alex ay isang mahusay na manlalaro ng basketbol.

a)

Si

b)

Sina

c)

Ang

d)

Ang mga

22.

 

___________ kulay sa ating watawat ay asul, pula, dilaw, at puti.

a)

Si

b)

Sina

c)

Ang

d)

Ang mga

23.

___________ “Lupang Hinirang” ay sabay-sabay na inaawit ng mga estudyante.

a)

Ang

b)

Ang mga

c)

Si

d)

Sina

24.

Tinuruan ni nanay ________ Elsa at Anna kung paano magtahi gamit ang sewing machine.

a)

Ang mga

b)

Ang

c)

Sina

d)

Si

25.

Ibibigay ni ko ___________ lumang damit at kumot sa mga napinsala ng bagyo.

a)

Ang

b)

Ang mga

c)

Si

d)

Sina