NEW
Font size
WorksheetsREVIEW IN FILIPINO 10 UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
Total questions: 40
Worksheet time: 20mins
Ito ay kuwento tungkol sa diyos at diyosa
a. alamat
b. mitolohiya
c. maikling kuwento
d. pabula
Ano na naman ang kapabayaang ginawa ni Psyche sa pagpunta niya sa kaharian ni Proserpine?
a. kinain niya ang laman ng kahon
b. sinilip niya ang nilalaman ng kahon
c. kumain siya ng prutas na ipinagbabawal
d. nag-umit o kumuha siya ng bagay na walang pahintulot
Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng tunay na pagmamahal batay sa mitong Pyche at Cupid.
a. Ginawa ni Venus ang lahat para sa pagmamahal niya kay Cupid.
b. Hinarap n Pyche ang pagsubok ni Venus para sa pagmamahal niya kay Cupid.
c. Nang nagkasala si Pyche kay Cupid binalak niyang magpakamatay sa labis na pagsisisi.
d. Pinayuhan si Pyche ng kaniyang mga kapatid kung paano makaliligtas sa halimaw na asawa
Bakit gayon na lamang ang inggit ni Venus kay Psyche?
a. Dahil mas maganda pa ang mortal na si Pysche sa diyosa ng kagandahan
b. Dahil wala ng mga kalalakihan ang nag-aalay ng papuri sa Diyosang si Venus
c. Dahil umibig ang anak niyang si Cupid sa isang mortal
d. Dahil sa mahinang mortal si Psyche at walang kapangyarihan
. Ano ang unang utos ni Venus para kay Psyche?
a. Kumuha ng itim na tubig mula sa kabundukan
b. Gawing tinapay ang bato
c. Paghiwa-hiwalayin ang mga magkakaibang uri ng buto
d. Kumuha ng gintong balahibo ng tupa
Naglakbay si Psyche patungo sa tahanan ng mga diyos. Anong uri ito ng pokus ng pandiwa?
a. aktor
b. benepaktor
c. layon
d. kagamitan
Kinuha ni Pysche ang gintong balahibo ng tupa. Anong uri ito ng pokus ng pandiwa?
a. aktor
b. benepaktor
c. layon
d. kagamitan
Magdaraos sila ng malaking salusalu sa pagkakaligtas ng kaniyang pamilya. Anong gamit ng wika ang tinutukoy rito
a. aksyon
b. karanasan
c. pangyayari
d. Gol
Nasuklam si Venus sa ginawa ni Pysche kay Cupid. Anong gamit ng pandiwa?
a. aksyon
b. karanasan
c. pangyayari
d. Gol
Ipinag-utos ni Apollo na bihisan si Psyche ng pinakamaganda niyang damit. Anong pokus ng pandiwa?
a. aktor
b. benepaktor
c. layon
d. kagamitan
“Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa malaking bagay.” Ano ang ipinahihiwatig ng pangungusap?
a. Ibigay ang hindi para sayo
b. Huwag maging sakim sa kapwa
c. Maging masunurin sa lahat ng oras
d. Maging matapat ka sa lahat ng bagay
“Kaya’t sinasabi ko sa inyo, gamitin ninyo ang________ ng mundong ito sa paggawa ng Mabuti.” Ano ang tamang salitang bubuo sa diwa ng pangungusap na iito?
a. buhay
b. katawan
c. kayaman
d. utak
Bukod sa tonong mapagmungkahi, ano pa sa mga sumusunod ang sangkap ng isang parabula?
a. kasawian
b. katatakutan
c. katatawanan
d. misteryo
Alin sa mga ito ang elemento ng parabula ang tumatalakay sa sunod-sunod na pangyayari sa naganap saa kuwento?
a. aral
b. banghay
c. tagpuan
d. tauhan
Sa parabulang Ang Tusong Katiwala, paano natuklasan ng amo na niloloko siya ng kanyang katiwala?
a. napanaginipan niya
b. may nagpadala ng liham
c. may nagsumbong sa amo
d. sinabi ng kanyang asawa
Paano maiuugnay ang katangian ni Mathilde sa pangkalahatang kaisipan ng mga taga-France?
a. sa kasisipang mapagpalaya at mapagtanggol
b. sa pag-iisip na sila ay malaharlika
c.sa mataas na estado ng pamumuhay
d. sa kaisipan ng pangkatipiran
Sa pahayag na, “O, kahabag-habag kong kaibigan! Ang ipinahiram ko sa iyong kuwintas ay imitasyon lamang.” Sinong tauhan ang nagturan nito?
a. G. Loisel
b. Mathilde Loisel
c. Sister Gudule
d. Madame Forestier
. Ipinaghihinagpis ni Mathilde ang karukhaan ng kaniyang lumang tahanaan ang nakaaawang anyo ng mga dingding, ang mga kurtinang sa paningin niya ay napakapangit. Kung ikaw si Mathilde, ano ang dapat mong gawin para matupad ang mga pangarap mo sa buhay?
a. Hihiwalayan ko ang aking asawa at maghahanap ng mayaman
b. Titiisin ko na lamang ang kahirapang ito at makuntento sa kung ano ng kaya niyang gawin
c.Maghahanap ako ng trabaho upang matulungan ang aking asawa nang gumaan ang aming buhay
. Ipamukha ko sa aking asawa na hindi ako masaya sa uri ng buhay na kaya niyang ibigay.
Ano ng tawag sa isang uri ng kuwento na ang higit na binibigyang-halaga o diin ay ang kilos o galaw, pagsasalita ng isang tauhan?
a.Kuwentong makabanghay
b.Kuwentong katutubong kulay
c. Kuwento ng tauhan
d.Kuwentong kababalaghan
Tumutukoy sa mga salitang ginagamit sa upang paagdugtungin o pag-ugnayin ang mga pangungusap?
a. Kohesyong Gramatikal
b. Mga Kohesyong Pahayag
c. Kohesyong Reperens
d. Gramatika ana Pahayag
Anong mahalagang kaalaman tungkol sa buhay ang ipinahihiwatig ng akdang Epiko ni Gilgamesh?
a. pag-abot sa pangarap
b. pakikipagsapalaran
c. pakikipagkaibigan
d. pananampalataya
Tukuyin ang damdamin sa pahayag."Kaibigan, pinarusahan ako ng mga dakilang diyos at mamamatay akong kahiya-hiya."
a. kapighatian
b.pagkabigla
c. kabayanihan
d. kataksilan
Ang mga sumusunod ay mga kaisipang ipinahiwatig sa akdang epiko ni Gilgamesh maliban sa __________.
a. Ang mga tao kapag namatay ay maaaring mapunta sa kadiliman at sa kalangitan.
b. Ang kasamaan ay nagtatagumpay laban sa kabutihan
c. Ang tunay na magkaibigan kasama sa hirap at ginhawa.
d. Ikinararangal ang taong namatay dahil sa labanan
Ang mga sumusunod ay naglalarawan sa epiko maliban sa ____________.
a. Layunin nitong gumising ng damdamin
b. Ang paksa ay kabayanihan ng pangunahing tauhan sa kaniyang paglalakbay at pakikidigma.
c. Mula sa salitang 'EPOS" mula sa salitang Griyego na nangangahulugang kabayanihan.
d. Nagpapaliwanag sa pinagmulan ng mga bagay-bagay sa mundo.
Ano ang mahihinuha mo sa bahaging "hindi pinahintulutan ng Diyos ang kanilang kawalan ng paggalang kaya itinakdang may mamatay sa kanila"?
a. may kabayaran ang lahat
. makapangyarihan ang kanilang Diyos
c. matinding parusa ang kamatayan
d. nakatakda na ang kanilang mga tadhana
Tukuyin kung anong uri ng panlapi ang matatagpuan sa mga sumusunod na mga salita: kabutihan, pag-ipunan , magsuyuan.
a. unlapi
b. gitlapi
c. kabilaan
d. laguhan
Ano ang panlapi na ginamit sa mga sumusunod na salita: pinagsumikapan, sansinukuban?
a. unlapi
b. gitlapi
c. kabilaan
d. laguhan
Si Berto ay nagkaroon ng bungang-araw sa leeg dahil sa init. Anong kayarian ng salita ang masasalamin dito
a. payak
b. maylapi
c. tambalan
d. inuulit
Ano ang kayarian ng salita ang masasalamin sa halimba na , Ang mga bulaklak ay dinidilig ng hardinero.
a. payak
b. maylapi
c. tambalan
d. inuulit
Nagdala ng sulat si Tita kay Lena. Anong kayarian ng salita ang tinutukoy sa salitang may nakasalungguhit.
a. payak
b. maylapi
c. tambalan
d. inuulit
___________ isa sa magaganda’t mapanghalinang babae na sa pagkakamali ng tadhana ay isinilang sa angkan ng tagasulat.
Siya’y
Ika’y
Kami’y
Labis ang pagdurusa ni Pysche dahil sa may pagdududa (akong, kaming, siyang) _______ baka ang kanyang asawa ay halimaw.
akong
kaming
siyang
Sa unang pagmamasid ( niya, nito, siya)_________ kay Pyche ay agad siyang nahulog dito.
niya
nito
siya
34. “Mahal, akala ko’y ikatutuwa ( nila, ko, mo,)______ ang paghihiram ko ng alahas.
nila
ko
mo
35. Sumapit ang inasam (naming, kong, niyang)______ araw ng kabiguan noong nakita kong masaya na siya sa iba.
naming
kong
niyang
Bakit umibig si La Esmeralda sa isang sundalo?
a. Dahil lagi siya nitong sinusuyo
b. Dahil matagal na niya itong gusto
b. Dahil matagal na niya itong gusto
c. Dahil ito ang gusto ng kaniyang mga magulang
d. Dahil iniligtas siya nito sa kapahamakan
Tukuyin ang tamang pahayag sa mga sumusunod na pamimilian batay sa nobelang “Ang Kuba ng Notre Dame.
a. Dalawang buto ng tao ang nakita nila sa libingan ni La Esmeralda
b. Umibig si Phoebus kay La Esmeralda
c. Niligawan ni Paring Frollo si La Esmeralda sa pamamagitan ng pagsuyo rito
d. Isang sanggol na babae ang iniwan sa labas ng simbahan
Tukuyin ang namukod sa mga katangian ni Quasimodo.
a. Naging masunurin sa paring umampon sa kanya
b. Naging tapat na mangingibig hanggang sa kamatayan
c. Naging matiisin sa mga parusang tinanggap niya
d. Naging matatag sa kabila ng pag-aalipusta sa kanyang itsura
Alin sa mga lugar na ginamit sa istorya ang may malaking impluwensiya sa mga tauhan?
a. Sementeryo
b. Libingan
c. Notre Dame
d. Palasyo
Paano natapos ang kuwento ng "Kuba ng Notre Dame"?
a. Nagkatuluyan si La Esmeralda at Quasimodo
b. Pinatay ni Claude Frollo si Quasimodo
c. Natagpuan ang bangkay ni La Esmeralda na may nakayakap sa kanya at ito ay si Quasimodo
d. Muling nabuhay si La Esmeralda dahil sa black magic
