Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Gr3 Q2 Unit2 Filipino

Total questions: 87

Worksheet time: 46mins

Name
Class
Date
1.

Tukuyin ang pandiwa: Si Maria ay maagang naliligo sa umaga.

a)

Maria

b)

Naliligo

c)

Umaga

2.

Tukuyin ang pandiwa: Nagluluto ng masarap na ulam ang aking ate.

a)

Nagluluto

b)

Masarap

c)

Ulam

3.

Tukuyin ang pandiwa: Naglilinis ng bahay ang aking ate at bunsong kapatid.

a)

Bahay

b)

ate

c)

Naglilinis

4.

Tukuyin ang pandiwa: Si Alex ay nagbabasa ng paborito niyang kuwento.

a)

Paborito

b)

Nagbabasa

c)

Kuwento

5.

Tukuyin ang pandiwa: Si Hannah ay naghuhugas ng plato sa kusina.

a)

Kusina

b)

Plato

c)

Naghuhugas

6.

Tukuyin ang pandiwa: Mabilis na kinain ng bata ang kanyang almusal.

a)

Mabilis

b)

Kinain

c)

Almusal

7.

Tukuyin ang pandiwa: Sinasagutan ni Alex ang kanyang takdang-aralin.

a)

Takdang- aralin

b)

Sinasagutan

c)

Kanyang

8.

Tukuyin ang pandiwa: Nanonood ang mga bisita ng paborito nilang teleserye.

a)

Bisita

b)

Paborito

c)

Nanonood

9.

Piliin ang angkop na Pandiwa.

Ang mag-inang Carla at Neneng ay _________ sa isang karwahe.

a)

tumakbo

b)

sumakay

c)

tumalon

d)

sumulat

10.

Piliin ang angkop na Pandiwa.

Ang mga mangingisda ay ____________ ng isda sa gitna ng dagot.

a)

namingwit

b)

nagluto

c)

nagsaing

d)

nagtapon

11.

Piliin ang angkop na Pandiwa.

Ang mag-asawa ay ____________ sa daan papuntang gubat.

a)

naglakad

b)

nakinig

c)

sumagot

d)

gumawa

12.

Piliin ang angkop na Pandiwa.

Ang guro ay ____________ sa naging proyekto ng mag-aaral kung kayat binigyan niya ito ng gantimpala.

a)

nalungkot

b)

nadismaya

c)

natuwa

d)

nagalit

13.

Tukuyin ang Salitang Ugat.

Tumakbo

a)

umak

b)

takbo

c)

tuma

d)

akbo

14.

Tukuyin ang Salitang Ugat.

Naglalampaso

a)

lampaso

b)

lampa

c)

paso

d)

naglala

15.

Tukuyin ang Salitang Ugat.

Maghukay

a)

magkay

b)

huka

c)

hukay

d)

maghu

16.

Tukuyin ang Salitang Ugat.

Hiniwa

a)

hini

b)

hiwa

c)

niwa

d)

iwa

17.

Tukuyin ang Salitang Ugat.

Nagsisigawan

a)

sisi

b)

nagsi

c)

sigawan

d)

sigaw

18.

Tukuyin ang Uri ng Panlapi.

Nagsilabasan

a)

Unlapi

b)

Gitlapi

c)

Hulapi

d)

Kabilaan

19.

Tukuyin ang Uri ng Panlapi.

Nagsimba

a)

Unlapi

b)

Gitlapi

c)

Hulapi

d)

Kabilaan

20.

Tukuyin ang Uri ng Panlapi.

Sumilip

a)

Unlapi

b)

Gitlapi

c)

Hulapi

d)

Kabilaan

21.

Tukuyin ang Uri ng Panlapi.

Nagsitawanan

a)

Unlapi

b)

Gitlapi

c)

Hulapi

d)

Kabilaan

22.

Piliin ang angkop na Panlapi.

Ang mga bata ay (kaba) _________ nang ginulat sila ng guro.

a)

nag- at an

b)

-um- at -in

c)

-in- at -han

d)

mag- at -han

23.

Piliin ang angkop na Panlapi.

Sina Tony at Jose ay (aral) _________ kagabi para sa kanilang pagsusulit sa Filipino.

a)

nag-

b)

-um-

c)

mag-

d)

-an

24.

Piliin ang angkop na Panlapi.

( tawa ) __________ nila ang mga batang nagbibiro sa loob ng klase.

a)

-in- at -an

b)

nag- at -han

c)

mag- at -in

d)

-um at -han

25.

Piliin ang angkop na Panlapi.

Si nanay ang ( laba ) ________ ng mga damit ni Ate Carla.

a)

mag-

b)

nag-

c)

-um-

d)

-nan

26.

Piliin ang angkop na Panlapi.

Ang Pilipinas ay nagkaroon ng madugong (laban) _______ sa mga dayuhang mananakop.

a)

-an

b)

-han

c)

mag-

d)

-um-

27.

Piliin ang angkop na Panlapi.

Si Aleng Tala ay (higop) ________ ng mainit na sabaw dahil malamig ang panahon.

a)

mag-

b)

-in

c)

-um-

d)

-han

28.

Tukuyin ang aspekto ng pandiwa: Ang kaibigan ko ay kumakanta sa harapan ng maraming tao.

a)

Naganap

b)

Nagaganap

c)

Magaganap

29.

Tukuyin ang aspekto ng pandiwa: Si Anna ay tatakbo bilang presidente sa aming paaralan.

a)

Naganap

b)

Nagaganap

c)

Magaganap

30.

Tukuyin ang aspekto ng pandiwa: Ako ay nag-aral ng maaga para sa mahabang pasulit.

a)

Naganap

b)

Nagaganap

c)

Magaganap

31.

Tukuyin ang aspekto ng pandiwa: Nagbyabyahe kami ngayon papunta sa mall.

a)

Naganap

b)

Nagaganap

c)

Magaganap

32.

Tukuyin ang aspekto ng pandiwa: Pumasok ako sa paaralan kahapon.

a)

Naganap

b)

Nagaganap

c)

Magaganap

33.

Tukuyin ang aspekto ng pandiwa: Kakain ako ng maraming pagkain ngayong Pasko.

a)

Naganap

b)

Nagaganap

c)

Magaganap

34.

Tukuyin ang aspekto ng pandiwa: Maliligo kami ngayong sabado sa dagat.

a)

Naganap

b)

Nagaganap

c)

Magaganap

35.

_____________ ng tulong pinansyal ang pamahalaan sa mga magsasaka noong nakaraang buwan.

a)

Nagbigay

b)

Nagbibigay

c)

Magbibigay

d)

Binigyan

36.

Palaging _____________ ang mga magsasaka na gumamit ng organikong pataba sa kanilang mga pananim.

a)

hinihikayat

b)

hinikayat

c)

hihikayatin

d)

manghihikayat

37.

___________ ang mga palayan dahil sa nagdaang mataas na pagbaha.

a)

Lulubog

b)

Lumulubog

c)

Lumubog

d)

Ilubog

38.

Ano ang dalawang bahagi na bumubuo sa salitang Maylapi?

a)

Panlapi at Pandiwa

b)

Panlapi at Salitang Ugat

c)

Salitang Ugat at Pang-uri

39.

Ano ang tawag sa Panlaping matatagpuan sa GITNA?

a)

Hulapi

b)

Unlapi

c)

Gitlapi

40.

Alin sa mga sumusunod na salita ang may Hulapi?

a)

Kumain

b)

Kantahin

c)

Sumayaw

41.

Tama o Mali:


Ang Salitang Ugat ang pinakamaikling anyo ng salita.

a)

Tama

b)

Mali

42.

Silid-kainan

Kuwarto kung saan __________.

a)

natutulog

b)

nag-aaral

c)

kumakain

43.

Bahay-kubo

__________ na maliit at gawa sa kugon.

a)

tirahan

b)

pasyalan

c)

lugar

44.

Yamang-dagat

Mga yaman o likas na nanggagaling sa _____.

a)

tubig

b)

lupa

c)

dagat

45.

Baboy-ramo

__________ na kumakain ng damo sa gubat.

a)

baboy

b)

hayop

c)

kabayo

46.

Tubig-ulan

__________ na nanggagaling sa ulan.

a)

kamay

b)

tubig

c)

basa

47.

Si Jose ay laki(ng)-Maynila kaya siya ay maputi.

a)

kaluluto

b)

pansinin

c)

taos-puso

d)

mura

e)

lumaki sa Maynila

48.

Ang bahay nina Alma ay abot-tanaw na mula rito.

a)

mura

b)

pansinin

c)

nakikita

d)

kaluluto

e)

lumaki sa Maynila

49.

Ang presyo ng mga bilihin ngayon ay abot-kaya na ng mga tao.

a)

mura

b)

pansinin

c)

nakikita

d)

kaluluto

e)

taos-puso

50.

Bago(ng)-luto ang adobong nakahain sa kanilang mesa.

a)

mura

b)

pansinin

c)

nakikita

d)

kaluluto

e)

taos-puso

51.

Agaw-pansin ang angking ganda si Rosa.

a)

mura

b)

pansinin

c)

nakikita

d)

kaluluto

e)

taos-puso

52.

salitang nagsasaad ng kilos o gawa

a)

pandiwa

b)

pangngalan

c)

pang-uri

d)

panghalip

53.

Ang ___ ay ang buod ng salita o pinagmulang salita. Ito ay salitang binubuo lamang ng salitang payak, walang panlapi, hindi inuulit at hindi na maaaring hatiin pa.

a)

salitang ugat

b)

salitang maylapi

c)

tambalang salita

54.

Ang ___ ay maiikling kataga na idinadagdag sa salitang-ugat upang mapahaba at mabigyan ng bagong kahuluhan ang salita

a)

pandiwa

b)

panlapi

c)

pangngalan

55.

Ano ang tawag sa Panlaping matatagpuan sa UNAHAN ng salitang ugat? Halimbawa: nagwalis

a)

Hulapi

b)

Unlapi

c)

Gitlapi

56.

Ano ang tawag sa Panlaping matatagpuan sa HULIHAN ng salitang ugat? Halimbawa: walisin

a)

Hulapi

b)

Unlapi

c)

Gitlapi

57.

Ano ang tawag sa Panlaping matatagpuan sa UNAHAN at HULIHAN ng salitang ugat? HALIMBAWA: pagsabihan

a)

Hulapi

b)

Unlapi

c)

Gitlapi

d)

Kabilaan

e)

Laguhan

58.

Ano ang tawag sa Panlaping matataguan sa UNAHAN, GITNA, at HULIHAN ng salitang ugat? Halimbawa: mapagtatawanan

a)

Hulapi

b)

Unlapi

c)

Gitlapi

d)

Kabilaan

e)

Laguhan

59.

TAMA o MALI: Ang tambalang salita ay dalawang salitang pinagsama at nagkaroon ng bagong kahulugan.

a)

Tama

b)

Mali

60.

Tukuyin ang panlapi at uri ng panlapi: MAGANDA

a)

ma - unlapi

b)

da - hulapi

c)

ma - hulapi

d)

da - unlapi

61.

Tukuyin ang panlapi at uri ng panlapi: PAGTAWID

a)

pag - unlapi

b)

tawid - hulapi

c)

pag - hulapi

d)

tawid - unlapi

62.

Tukuyin ang panlapi at uri ng panlapi: KUMAIN

a)

um - gitlapi

b)

in - hulapi

c)

um - hulapi

d)

in - unlapi

63.

Tukuyin ang panlapi at uri ng panlapi: SAMAHAN

a)

am - gitlapi

b)

han - hulapi

c)

am - hulapi

d)

han - gitlapi

64.

Anong uri ng panlapi mayroon ang MAGSAYAWAN

a)

unlapi

b)

gitlapi

c)

hulapi

d)

kabilaan

e)

laguhan

65.

Anong uri ng panlapi mayroon ang PALARUAN

a)

unlapi

b)

gitlapi

c)

hulapi

d)

kabilaan

e)

laguhan

66.

Alin ang kahulugan ng tambalang salita: KAPITBAHAY

a)

taong nakatira sa katabing bahay

b)

pagkaing bunga ng isang puno

c)

lugar na maraming aklat

67.

Alin ang kahulugan ng tambalang salita: BUNGANGKAHOY

a)

taong nakatira sa katabing bahay

b)

pagkaing bunga ng isang puno

c)

lugar na maraming aklat

68.

Alin ang kahulugan ng tambalang salita: INGAT-YAMAN

a)

taong nag-iingat ng pera ng iba

b)

pabalik-balik

c)

tapat, bukal sa kalooban

69.

Alin ang kahulugan ng tambalang salita: TAOS-PUSO

a)

taong nag-iingat ng pera ng iba

b)

pabalik-balik

c)

tapat, bukal sa kalooban

70.

Alin ang kahulugan ng tambalang salita: LABAS-PASOK

a)

taong nag-iingat ng pera ng iba

b)

pabalik-balik

c)

tapat, bukal sa kalooban

71.

Alin ang kahulugan ng tambalang salita: PUSONG-MAMON

a)

maawain

b)

mayaman

c)

mahirap,dukha

72.

Alin ang kahulugan ng tambalang salita: DUGONG-BUGHAW

a)

maawain

b)

mayaman

c)

mahirap,dukha

73.

Alin ang kahulugan ng tambalang salita: HAMPAS-LUPA

a)

maawain

b)

mayaman

c)

mahirap,dukha

74.

Alin ang kahulugan ng tambalang salita: PATAY-GUTOM

a)

palaging gutom, matakaw

b)

nagbibingi-bingihan

c)

pagtutulungan

75.

Alin ang kahulugan ng tambalang salita: TAINGANG-KAWALI

a)

palaging gutom, matakaw

b)

nagbibingi-bingihan

c)

pagtutulungan

76.

Alin ang kahulugan ng tambalang salita: KAPIT-BISIG

a)

palaging gutom, matakaw

b)

nagbibingi-bingihan

c)

pagtutulungan

77.

Alin ang kahulugan ng tambalang salita: PUSONG-BATO

a)

walang awa

b)

school assignments

c)

magnanakaw ng gamit sa bahay

78.

Alin ang kahulugan ng tambalang salita: TAKDANG-ARALIN

a)

walang awa

b)

school assignments

c)

magnanakaw ng gamit sa bahay

79.

Alin ang kahulugan ng tambalang salita: AKYAT-BAHAY

a)

walang awa

b)

school assignments

c)

magnanakaw ng gamit sa bahay

80.

Alin ang kahulugan ng tambalang salita: BOSES-PALAKA

a)

wala sa tono kung kumanta

b)

paulit-uli

c)

maggagabi, pagitan ng hapo at gabi

d)

kaawa-awa,api

81.

Alin ang kahulugan ng tambalang salita: SIRANG PLAKA

a)

wala sa tono kung kumanta

b)

paulit-uli

c)

maggagabi, pagitan ng hapo at gabi

d)

kaawa-awa,api

82.

Alin ang kahulugan ng tambalang salita: TAKIP-SILIM

a)

wala sa tono kung kumanta

b)

paulit-uli

c)

maggagabi, pagitan ng hapo at gabi

d)

kaawa-awa,api

83.

Alin ang kahulugan ng tambalang salita: BASANG-SISIW

a)

wala sa tono kung kumanta

b)

paulit-uli

c)

maggagabi, pagitan ng hapo at gabi

d)

kaawa-awa,api

84.

Alin ang kahulugan ng tambalang salita: DALAGANG BUKID

a)

dalaga sa bukid

b)

isang uri ng isda

85.

Alin ang kahulugan ng tambalang salita: BAGONG-YARI

a)

newly bought

b)

newly built

86.

Alin ang kahulugan ng tambalang salita: BUKOD-TANGI

a)

COMMON

b)

RARE

87.

Sumulat ng isang talata na may 3 pangungusap ukol sa iyong kaarawan. Gumamit ng tamang baybay, bantas, at pagsulat nang patalata.

4 lines