NEW
Font size
Worksheetsikalawang markahan q2
Total questions: 40
Worksheet time: 20mins
Alin sa sumusunod ang ibig sabihin ng unang taludtod ng tula sa ibaba?
Maagang ulan
Kabahayan sa ilog
Dal’wa sa kan’la
- Matsuo Basho
Masayang maligo sa init ng araw
Biglang nagkaroon ng suliranin
Nagsasaya ang mga magsasaka
May bagyong darating
Alin sumusunod ang ibig sabihin ng unang taludtod ng tula sa ibaba?
Dilim sa gubat
Nakahimlay sa hukay
Ano’ng pangalan?
Ni hindi mo kilala
Ang sariling magulang
- Tekkan Yosano
May matinding pagsubok sa buhay
Maraming naghambalang na kahoy
Tirahan ng maiilap na hayop
Nakatatakot ang anyo nito
“Takbo, paparating na ang puting tigre!” ang sigaw ng unggoy. “Magsilipad na tayo at baka maabutan pa tayo ng puting tigre!”ang hiyaw ng agila. Ano ang nadarama ng mga hayop sa oras na iyon?
kasiyahan
pagkatakot
kalungkutan
pagkainis
Alin sa mga sumusunod ang tamang pagkakaayos ng mga salita sa ibaba ayon sa papataas na antas o tindi ng kahulugan?
galit, poot, muhi, ngitngit
poot, galit, muhi, ngitngit
ngitngit, galit, poot, muhi
muhi, ngitngit, galit, poot
Alin sa mga sumusunod ang tamang pagkakaayos ng mga salita sa ibaba ayon sa papataas na antas o tindi ng kahulugan?
kinalinga, tinangkilik, inalagaan, kinupkop
inalagaan, kinupkop, tinangkilik, kinalinga
kinupkop, inalagaan, tinangkilik, kinalinga
tinangkillik, kinupkop, inalagaan, kinalinga
Alin sa mga sumusunod ang tamang pagkakaayos ng mga salita sa ibaba ayon sa papataas na antas o tindi ng kahulugan?
lungkot, hapis, pighati, lumbay
lumbay, lungkot, hapis, pighati
hapis, pighati, lumbay, lungkot
pighati, lumbay, lungkot, hapis
Alin sa mga sumusunod ang tamang pagkakaayos ng mga salita sa ibaba ayon sa papataas na antas o tindi ng kahulugan?
hanga, sinta, liyag, mahal
sinta, liyag, mahal, hanga
mahal,hanga, sinta, liyag
liyag, mahal, sinta, hanga
Alin sa sumusunod ang layunin ng may akda sa paglalahad ng kanyang mga opinyon o pananaw sa paksang “Simpleng libangan ng mga kabataang Pilipino noon”?
Maipamulat ang mga kabataan sa dulot ng mga simpleng libangan
Maipaunawa sa mga kabataan na ang libangan ang pinakamahalagang bagay sa buhay.
Maipakita na ang libangan ay sistema na ng modernong kabataang Pilipino.
Magturo sa mga kabataan na maglibang dahil maikli lamang ang buhay
Alin sa sumusunod ang paksa ng sanaysay na “Ang Pamilya Wang sa Los Angeles, California”?
Ang karanasan at pamumuhay ng mga Tsino sa Amerika
Ang pag-aasawa ng mga Tsino
Ang paggalang sa nakakatanda ng mga Tsino
Ang kahalagahan ng hanapbuhay sa mga Tsino
Pangkaraniwan na sa pamilyang Tsino ang magkakasama sa iisang tirahan ang bawat miyembro ng pamilya hanggang ikaapat na henerasyon. Alin sa mga sumusunod ang kaisipang mabubuo rito?
Ang mga lolo at lolang Tsino ang tagapag-alaga ng mga apo.
Mahalaga ang pamilya sa mga Tsino
Ang pamilya ay mananatili sa iisang bubong maliban kung nag-asawa na
Kapag may trabaho na ang isang Tsino ay dapat din na humanap na ng sariling tirahan
Ang takot ay sa alaala ng isang lasing na suntok sa bibig na nagpatulo ng dugo at nagpapamaga ng ilang araw sa labi. Anong uri ng pagpapakahulugan ang ginamit sa pangungusap?
konotasyon
lantad
denotasyon
di-lantad
Ang pananabik ay sa pagkain na paminsan-minsa’y inuuwi ng ama. Anong uri ng pagpapakahulugan ang ginamit sa pangungusap?
konotasyon
lantad
C. denotasyon
di-lantad
Gamit ang konotasyon na pagpapakahulugan, ano ang “pusang itim”?
uri ng hayop
nagbabadya ng kamalasan
kulay itim na pusa
nangangalmot
tukuyin kung alin ang angkop na kahulugan ng pahayag sa mga pagpipilian.
Tila nagdilang anghel naman si Hashnu sa kanyang sinabi. Parang isang panaginip ang nangyari sa kanyang buhay.
Nagkatotoo ang mga sinambit ni Hashnu kaya tila isang himala o panaginip ang naganap sa kanya.
Isang anghel ang nagpaliwanag at nagbigay-katuparan sa kanyang mga panaginip.
Nakatanggap ng isang pahayag si Hashnu mula sa anghel na siya ay magkaroon ng kakaibang panaginip
Wala sa nabanggit.
tukuyin kung alin ang angkop na kahulugan ng pahayag sa mga pagpipilian.
Sana mabuhay na lamang ang tao na hindi nahihirapang magtrabaho para hindi na magdala ng pait at maso rito araw-araw.
Napapagod at nagsasawa na si Hashnu sa paulit-ulit na kanyang ginagawa.
Nangangarap siya ng buhay na perpekto, kung saan ang tao ay mabubuhay sa mundo kahit na hindi magtrabaho.
Ayaw na niyang gamitin ang pait at maso sapagkat para sa kanya ang paggamit nito ay isang nakababagot na Gawain.
Lahat ay tama
Mayabang siya sa paglakad kaya’t ang kanyang mga tauhan ay talagang gumagalang sa kanya.
Iginalang ng kanyang mga tauhan si Hashnu sapagkat sa paraan pa lamang ng kanyang paglalakad ay masasabing siya’y isang ganap nang hari.
Sa kanyang pagiging hari ay nagging mapagmataas siya kung kaya’t ang kanyang mga tauhan ay talagang gumagalang sa kanya.
Ang paggalang ng kanyang mga tauhan sa kanya ay bunga ng kanilang labis na paghanga sa kaniya dahil sa husay niyang maglakad.
Ang a at b ang tamang sagot.
“Ang nauuna ay nahuhuli at ang nahuhuli ay nauuna.” Ano ang pinakamalapit na kahulugan ng matalinghagang pahayag?
Tayo ay pantay-pantay sa mata ng Diyos
Lahat ng tao ay pantay pantay mayaman man o mahirap
Walang mahuhuli, wala ring mauuna
Walang sinumang makapagdidikta sa Diyos
“Nararapat lang na tayo’y magsaya at magdiwang, sapagkat patay na ang kapatid mo, ngunit nabuhay, nawala, ngunit muling natagpuan.”Ano ang nais ipahiwatig ng matalinghagang pahayag?
Ang alibughang anak ay nagbalik-loob at nagsisi sa kasalanang nagawa
Ang alibughang anak ay umalis at nilustay ang kanyang mana
Ang alibughang anak ay nagsisi sa kanyang kasalanan ngunit hindi na bumalik
Ang alibughang anak ay nawawala ngunit natagpuan
“Ang kanilang ama ay tila isang kawayan na hindi natitibag sa anumang pagsubok.” Alin sa sumusunod ang simbolikong kahulugan ng salitang may salungguhit?
marupok
malakas
matatag
mahina
Ikaw ay nagtaka at nais mong linawin ang iyong narinig mula sa mga tao. Alin sa mga sumusunod ang iyong sasabihin?
May sunog.
May sunog?
May sunog!
May sunog
Alin sa ibaba ang nagpapahayag na si Juan ang nagbigay ng regalo?
Hindi si Juan/ ang nagregalo.
Hindi/ si Juan ang nagregalo.
Hindi si Juan ang nagregalo.
Hindi si Juan ang/ nagregalo.
Hindi maganda ang tubo ng halaman kaya namatay. Paano binibigkas ang salitang nasalungguhitan sa pangungusap?
/tu.boh/
/TU:bo/
/tu.bo?/
/tu.BO/
Sa salitang “talaga”, kung ang bilang 1 ay mababa, 2 kung katamtaman at 3 kung mataas, anong kombinasyon kapag ang tono ay masaya o may matinding emosyong ipinapahiwatig?
1-2-3
2-3- 1
3-2- 1
2- 1-3
“Naku po, hindi ko maatim na patayin ang inosenteng sanggol na ito!” Alin sa sumusunod ang damdaming ipinapahayag ng pangungusap?
pagkatakot
pagkainis
paghanga
pagkadismaya
“Aray, natapakan mo ang paa ko! May sugat pa naman ako.” Alin sa sumusunod ang damdaming ipinapahayag ng pangungusap?
natakot
nasaktan
nasiyahan
nadismaya
“Ngek, hindi iyan ang ipinapabili ko!” Alin sa sumusunod ang damdaming ipinapahayag ng pangungusap?
A. B. C. D.
natakot
nasaktan
nasiyahan
nadismaya
“Tama lang na magsama-sama sa isang tahanan ang magkakapamilya kahit pa ang mga anak ay may asawa na para makapagbigay sila ng suporta sa isa’t isa.” Alin sa sumusunod na pagpapahayag ang naaangkop gamitin sa pangungusap sa pagbibigay ng opinyon o pananaw?
A, basta…
Sa aking palagay…
Mahusay ang sinabi mo at ako naman ay…
Hindi ako sumasang-ayon…
“Dapat kapag nag-asawa na ang tao ay bumukod na sila at matutong tumayo sa sarili nilang mga paa. ________________ na tumira pa rin ang anak na may asawa sa bahay ng kanilang magulang.” Alin sa sumusunod na pagpapahayag ang naaangkop gamitin sa pangungusap sa pagbibigay ng opinyon o pananaw?
A, basta…
Sa aking palagay…
Mahusay ang sinabi mo at ako naman ay…
Hindi ako sumasang-ayon…
Tataas pa ang kaso ng magpopositibo sa sakit _____ hindi tayo makikinig sa pakiusap ng gobyerno. Alin sa sumusunod ang angkop na pang-ugnay na bubuo sa pangungusap?
ngunit
at
dahil
kung
Nagmahal ang presyo ng bilihin ________ tumaas ang bayad sa kuryente dahil sa krisis at pandemic na lumalaganap sa bansa. Alin sa sumusunod ang angkop na pang-ugnay na bubuo sa pangungusap?
ngunit
at
dahil
kung
Dahil sa mataas na temperatura ng katawan ____ nararamdamang pagkahilo ni Jenny siya ay dinala sa pinakamalapit na ospital. Alin sa sumusunod ang angkop na pang-ugnay na bubuo sa pangungusap?
ngunit
at
dahil
kung
“Ayaw kong maghugas ng pinggan,” buong yabang na sinabi ni Ka Ugong. Anong elemento ng dula si Ka Ugong?
A. B. C. D.
Tanghalan
Iskrip
Manonood
Karakter
Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa tema ng dulang “Bakit Babae ang Naghuhugas ng Pinggan”?
pag-ibig
pagkabigo
tagumpay
katamaran
Paano mo ihahambing ang mga pangyayari sa dalawang dula?
Higit na masalimuot ang mga eksena ng dulang Munting Pagsinta
Magkakatulad ang dinanas na pagsubok ng mga pangunahing tauhan.
Magkaiba ang paraan ng paglutas ng suliranin ng mga pangunahing tauhan sa dula.
Higit na nakaaaliw ang simula ng dulang Dahil sa Anak kaysa Munting Pagsinta.
Paano mo maihahambing si Temujin sa dulang Munting Pagsinta kay Manuel sa dulang “Dahil sa Anak” batay sa pangyayari ng dula?
A.
B.
C.
D.
Mas magalang si Temujin kaysa kay Manuel.
Si Manuel ay mas pasaway kaysa kay Temujin.
Si Temujin ay mas matapang kaysa kay Manuel.
Sina temujin at Manuel ay parehong masunurin.
Paano ginampanan ng mga hayop ang kanilang papel bilang tauhan sa kuwento?
Sa pamamagitan ng pagsasalita at pagkikilos na parang mga tao
Sa pamamagitan ng pagpapalit-anyo nito sa isang tao
Sa paraang sila ang namamahala sa kuwento
Sa paraang sila ang sumasaksi sa pagtatanghal ng mga actor
Alin sa sumusunod ang bubuo sa diwa ng haiku sa ibaba?
Mundong ‘sang kulay
Nag-iisa sa lamig
Huni ng ________
ulan
hangin
araw
buwan
Manunulat ng pahayagang pampaaralan si Mavie. Nakita niya ang kakulangan ng kaalaman ng mga kaklase niya sa tamang paraan ng paghuhugas ng kamay. Ano ang maaaring layunin niya kung susulat siya tungkol dito? Ipaliwanag kung bakit.
magturo dahil hindi nila alam ang tamang paraan ng paghuhugas
magpupuri dahil sa kahanga-hangang layunin ni Mavie
manghikayat upang malaman ng lahat ang tamang paraan
manuligsa dahil hindi nila alam ang tamang paraan ng paghuhugas
“Labis akong naninindigan na kailangan natin ng pagbabago
1 2
para sa ikauunlad ng ating bansa
3
kahit hindi dahil sa mga Amerikano.”
4
Batay sa pahayag, alin sa sumusunod ang pahayag na nagpapakita ng matatag na opinyon?
pahayag bilang 1
pahayag bilang 2
pahayag bilang 3
pahayag bilang 4
"Dapat lang na maging maayos ang buhay mo sa taong ito. Dapat may trabaho ka na. Ayusin mo at hahanapan kita ng nobya." Anong katangian ng mga lalaki sa Silangang Asya ang ipinakikita rito?
A.
B.
C.
D.
inaasahang mangalaga sa tahanan
inaasahang mag-alaga sa mga anak
inaasahang magtrabaho para sa asawa
inaasahang magtrabaho para sa pamilya
