Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Grade 8 Short Quiz

Total questions: 20

Worksheet time: 23mins

Name
Class
Date
1.

Isa sa mga katangian ng good friendship ay dapat na ito ay inuuri.

a)

TAMA

b)

MALI

2.

Nais ng magkaibigan na si Jane at Lucky na makakamit ng "With High Honors" sa kanilang Ikalawang Markahan sa klase kaya naman sabay sila nag-aaral pati na rin sa paggawa ng assignments at projects. Ano sa mga summusunod na antas ng pagkakaibigan ang pinapakita ng magkaibigan?

a)

PAG-UNLAD

b)

KAPWA PAG-UNLAD KASABAY NG IBA

c)

KAPWA PAG-UNLAD PARA SA IISANG LAYUNIN

d)

KAPWA PAG-UNLAD KASAMA ANG PANGINOON

3.

Nais maging kaibigan ni Jeanelle si Marie kaya naman siya ay nakipagkilala at nakisama sa kanya. Napagdesisyunan ni Jeanelle na magplano ng mga aktibidad upang mapalalim ang kanyang pakikipagkaibigan kay Marie. Ano sa mga tuntunin sa pagpapalalim ng pakikipagkaibigan ang sinusunod ni Jeanelle?

a)

MAGLAKAS-LOOB NA SABIHIN ANG IYONG PAGMAMAHAL

b)

PAG-ARALAN ANG MGA KAKAYAHAN AT KILOS NA NAGPAPAKITA NG PAGMAMAHAL

c)

MAGLAAN NG KAUNTING ESPASYO SA INYONG PAGIGING MAGKAIBIGAN

d)

BIGYAN NG SAPAT NA PANAHON ANG INYONG PAGKAKAIBIGAN

4.

Ano sa mga sumusunod ang tawag sa pagkakaibigan gamit ang makabagong teknolohiya? A. Cyber Friendship B. Online Mutuals C. Facebook Friends D. Anonymous Friendship

a)

CYBER FRIENDSHIP

b)

ONLINE MUTUALS

c)

FACEBOOK FRIENDS

d)

ANONYMOUS FRIENDSHIP

5.

Isa sa limang antas ng pakikipagkaibigan ay magkasunod na pag-unlad ng magkaibigan.

a)

TRUE

b)

FALSE

6.

Ito ay isang uri ng relasyon ng pagkakaibigan kung saan itinuturing natin na bahagi ng pamilya ang ating kaibigan.

4 lines
7.

“Kung nais mong magkaroon ng isang tunay at tapat na kaibigan, ikaw rin mismo ay kailangang magpatunay ng iyong katapatan bilang kaibigan''

a)

TRUE

b)

FALSE

8.

Ano ang isa sa mga katangian na ito ang mayroon ang isang pagkakaibigan?

a)

KAILANGAN NA NANDIYAN SA TUWING IKAW AY MAY KAILANGAN

b)

NAGPAPAHIRAM NG PERA O GAMIT

c)

MAPANGALAGA AT MAPANG-UNLAD SA ISAT' ISA

d)

DAPAT NA LIGAYA ANG HATID NG ISANG PAGKAKAIBIGAN

9.

Ikaw ay kaibigan ni Karla at nakikita mo na lagi siyang late sa klase. Tinanong mo siya kung bakit siya nala-late at nalamang ito ay dahil nahihirapan siya matulog at napagdesisyunan niyong dalawa na magsasabay matulog pagkatapos gawin ang mga takdang aralin. Anong antas ng pagkakaibigan ang mayroon kayo? A.Sariling pag-unlad B. Pag-unlad ng magkaibigan C. Pag-unlad kasabay ng iba D. Pag-unlad kasama ang panginoon.

a)

SARILING PAG-UNLAD

b)

PAG-UNLAD NG MAGKAIBIGAN

c)

PAG-UNLAD KASABAY NG IBA

d)

PAG-UNLAD KASAMA ANG PANGINOON

10.

Mahalaga sa anumang relasyon ang pagiging bukas sa pagbabahagi at pagtanggap upang maipahayag sa kaibigan ang nasasaloob ng puso.

a)

TRUE

b)

FALSE

11.

Tumutukoy sa likas sa reaksyon ng tao dulot ng pinagsamasamang aspeto ng pagkakapukaw o pagkagising ng katawan, mga pangkaisipang proseso, mga panghusga o pagtataya at mga kilos o galaw ng katawan

4 lines
12.

Masidhing damdamin ng pagkainis o pagkakaroon ng pagkasuklam sa ibang tao o bagay.

4 lines
13.

Ang tamang pag-unawa at pagkikimkim ay mga pangunahing kasanayan sa pangangasiwa ng galit at mga kaugnay na emosyon nito.

a)

TRUE

b)

FALSE

14.

Nasaktan ang damdamin ni Maria ng biniro ng isang kamag-aral na mataba. Sa halip na awayin kinausap ng malumanay ni Marai ang kamag-aral at pinabatid ang damdaming kanyang naramdaman. Ano ang kasanayan sa pagpapaunlad ng EQ ang ipinamalas ni Maria?

a)

PAGIGING ASERTIBO

b)

PAG-UNAWA SA DAMDAMIN NG IBA

c)

KOMUNIKASYON

d)

PANGANGASIWA SA DAMDAMIN

15.

Ilista o magbigay ng mg matitinding emosyon na dapat pamahalaan

4 lines
16.

Si David ay naatasan maging lider ng grupo para sa kanilang pangkatang gawain. Agad na gumawa ng plano si David kung paano ang gagawin at hatian ng kanilang gawain base sa kakayahan ng kanyang mga kagrupo. Anong katangian ng mapanagutang lider ang pinapakita ni David?

a)

MAHUSAY MAGPLANO

b)

MAY INTEGRIDAD

c)

HUWARAN AT INSPIRASYON

d)

NANINIWALA SA KAKAYAHAN NG KAPWA

17.

Ang isang mapanagutang lider ay maaari rin makaramdam at maghayag ng negatibong pananaw at saloobin sa mga panahon ng pagsubok.

a)

TRUE

b)

FALSE

18.

Ito ay isang katangian ng Tagasunod kung saan sila ay itinuturing na kritikal at may kalayaang mag-isip ngunit walang sigla sa tungkulin.

4 lines
19.

Ang mapanagutang lider ay maaaring humingi ng tulong sa iba.

a)

TRUE

b)

FALSE

20.

Tupa o Sheep ang may mga pakialam at kritikal na nag-iisip na nagpapakita ng responsibilidad sa lipunan.

a)

TRUE

b)

FALSE